Mabilis ang naging pagkilos ng mga lalaking nasa kubo. Binuhat agad nila ang walang malay na dalaga at isinakay sa tricycle na walang bubong upang maihatid sa pinakamalapit na pagamutan. Naiwan si Geo na parang itinulos lang sa kinatatayuan niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya dahilan para ang hininga n'ya ay parang hanggang nasa leeg na lamang niya. Bumagsak si Katallea sa sahig. Hindi niya naagapan ang ulo nito kaya tumama sa kanto ng upuanng nasa kusina ng bahay. Para siyang isang poste na nakatayo lamang habang pinanonood ang mga pangyayari. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman niya. Ang pagkasabik sa dalaga ay napalitan ng matinding takot. Ang galit na nasa puso niya ay binura ng labis na pag-aalala. Nanghihinang hinawakan ni Geo ang poste ng bahay na malapit sa kanya. Kailangan

