Nakapamewang si Mr. Mckay ng madatnan nina Geo at Katallea habang nagdidilig ng halaman. Masama ang tingin nito kay Geo at ipinaramdam nito sa bisita na hindi siya katanggap-tanggap sa bahay na iyon. "Where is Sam?" tanong ni Katallea sa bayaw niya. "In the kitchen. She's waiting for you." Hindi nagtanong si Mr. Mckay tungkol sa estado ng relasyon nina Geo at Katallea. Iyon kasi ang ugali ng lalaki, hindi mausisa. Mabait ito ngunit sobra kung mag-alaga ng pamilya kaya alam ni Katallea na kapakanan niya ang iniisip ng bayaw kaya ganoon ang tingin nito kay Geo. Hinawakan ni Katallea ang kamay ng kaniyang asawa at iginiya ito papasok sa isang napakalaking bahay. Ang mata ni Geo ay namangha sa nakita niya sa loob niyon. Maayos kasi ang pagkakagawa ng bahay at makikita ang mga mamahal

