Napangiti si Katallea ng magising sa dating higaan niya katabi ang nahihimbing na lalaki. Biglang naalala niya kung paano sila lumipat doon ni Geo kagabi. Nakatakip lamang ng kumot ang buong katawan niya dahil basang-basa na ang kaniyang damit. Ipinipilit ni Geo na suotin n'ya muna ang damit at brief nito ngunit maluwag iyon sa kan'ya kaya nagdesisyon siyang lumipat na lang sa dating silid na nakatakip ng kumot dahil kapwa sila lutang kaya hindi nila naisip na kumuha ng damit si Geo para sa kaniya. Hinaplos ni Katallea ang mukha ng katabi at walang pag-aalinlangan na kinintalan ito ng halik sa labi. Umungol si Geo at mas hinapit ang bewang ng asawa. "Please, don't leave me," sabi ni Geo sabay subsob ng mukha nito sa balikat niya. Matamang pinag-aralan ni Katallea ang katawan ng asaw

