Nagising sina Yaya Adel at Katallea dahil sa malakas na sigaw ni Geo. Napatakbo ang pupungas-pungas na matanda paakyat ng bahay. Si Katallea na nasa silid na niya dahil lumipat siya roon ng magising ng mag-alas-dose ng madaling araw ay napatakbo rin palabas. Rinig niya agad ang boses ni Geo na nagpakabog sa kaniyang puso. Gusto niyang yakapin agad ito ng mga oras na iyon. "Yaya, sinong may sabi sa iyo na linisin mo ang kwarto ko? Hindi ba't kabilin-bilinan kong huwag kang pumasok dito?" Dumadagundong ang boses ni Geo kahit na kasarapan ng tulog ng mga kapitbahay nila. "K-ka-si ano… Geo, sabi..." "Pack your things! Lumayas ka na! Labas!" Si Katallea na nasa may pintuan na ay nag-init ang ulo dahil sa kabastusan ni Geo sa yaya nito. Ang pananabik sa lalaki ay napalitan ng inis. Dahil

