Nangangatal ang mga labi ni Anastasia habang nagpapaliwanag kay Geo. Si Clarise ay nakataas lamang ang kilay dahil pananggalang niya ang kunwari'y baby niya sa sinapupunan niya. Si Katallea ay biglang sumunod kay Geo. Nang makita niya ang kaguluhan sa sala ng bahay nila ay napaisip siya, "Lahat ng tao sa paligid ko ay pinaglaruan ako. Siguro panahon na para kalimutan ko muna ang peke kung pamilya at sundin naman ang puso ko." "I repeat, where is Yaya Adel?" singhal ni Geo sa mga bisita nila. "I-I don't know," pautal-utal na sabi ni Anastasia. "Pinalayas ko siya. I'm sorry. Kampi kasi siya sa asawa mo." Natutop ni Katallea ang bibig niya. Bumulwak bigla ang galit na kaytagal niyang itinago para sa dating guro nila. Bumaba siya ng hagdan at matapang na hinarap ang mga taong muntik ng

