Sa gate ay iniharang ni Geo ang katawan niya. Mamamatay muna siya bago makalabas si Katallea. Naghalo ang kaba at lungkot sa kaniyang puso. Hindi siya makapaniwalang hinanap niya sa malayo ang taong pinakamamahal niya iyon pala ay nasa loob lang ito ng kanilang pamamahay. "Magbabago ako para sa iyo. Lahat ng mga babae ko, iiwasan ko. Just give me a second chance," pakiusap ni Geo. "Kung hindi mo ako kayang pagbigyan, patayin mo na lang ako katulad ng ginawa mo kay Joey." "Hindi ako ang pumatay sa kan'ya. Ilang beses ko bang sasabihing hindi ako mamamatay tao!" Matigas na sabi ng babae. Nakatutok pa rin ang kutsilyo nito sa nakaharang na si Geo. "Kung hindi ikaw ang pumatay sa kan'ya, sigurado akong hindi mo ako kayang patayin." Ngunit nagkamali si Geo. Sa kagustuhan ni Katallea na ma

