Lunes, pagkalabas ni Geo mula sa kulungan ay dumiretso siya ng uwi sa bahay nilang mag-asawa. Maliligo lang siya sandali at hahanapin niya si Katallea. Babalikan niyang muli si Max dahil tiyak niyang magkasama ang dalawa. Pagpasok ng bahay ay nabungaran agad ni Geo si Clarise. Halatang galit ang babae dahil nakapamewang ito. Napamura ng mahina si Geo. Kailanman ay hindi umasta ng ganoon si Katallea. "Saan ka galing? Ilang araw na akong nakatengga rito!" sigaw ng babae. Waring walang narinig si Geo. Nilagpasan niya lang ang dalaga at dumeritso na siya paakyat ng hagdan. Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa ay agad niyang naramdaman na niyakap siya ni Clarise mula sa likuran. "I love you, Geo. Noon pa, sa mga kwento pa lang ni ate ay minahal na kita.Nang makita ko ang litrato mo

