Parang napapasong lumayo si Katallea kay Geo at muling pumasok ng banyo. Isinuot niya ulit ang mga basang damit bago muling lumabas. Wala na si Geo sa silid niya. Mabilis na tumakbo si Katallea sa pintuan at ini-lock iyon. Kahit tumutulo ang damit niya ay walang pakialam ang dalaga na sumandal sa pintuan at hinaplos ang pisngi na kanina lang ay dinaanan ng palad ni Geo. "Pagbigyan ko na kaya ang puso ko," bulong ng isip niya. “Kumalma ka, Katallea, haplos lang iyon,” patuloy niyang paalala sa sarili. Ilang oras na namalagi si Katallea sa silid n’ya. Kinikilig siya na ang dating kaklase at may lihim sa kaniyang pagtingin ay muntik na siyang halikan. Masayang nagbihis ang dalaga. Aalis sila ni Geo papuntang Maynila para makipag-usap sa wedding planner at ganoon na rin para sa business

