"Good morning!" Marahang iminulat ni Katallea ang mata niya. Napahimbing siya ng tulog dahil hindi siya nakatulog ng maayos sa resort sa labis na pag-aalala. "Bakit narito ka sa kwarto ko?!" galit na tanong ni Katallea ng mapag-sino niya ang bumati sa kaniya. "Love, ang aga-aga para magalit. Bumangon ka na riyan kasi kakain na tayo." Napasulyap si Katallea sa tray na nasa ibabaw ng cabinet na malapit sa kama niya. May nakapatong pang pulang rosas sa ibabaw noon. Kinuha ni Geo ang bulaklak at inabot iyon sa dalagang hindi pa rin bumabangon. Samantalang titig na titig lang si Katallea sa binata. "What is it for?" tanong ni Katallea. "Should I have a reason to give you a flower?" tanong din ng binata. "I love you." Parang tinunaw ng mga salitang iyon ang bloke-blokeng yelo na

