Panay ang tabig ni Geo sa kamay ni Katallea habang inaalalayan niya ito. Dahil ayaw niyang mapahiya sa loob ng hospital kaya pumunta na lang si Katallea sa nursing station para hanapin ang doktor na tumingin sa kan'ya dati para linawin ang sinabi niyang buntis siya. Nang sinabi ng mga nurse na naka-off-duty ang doktor ay nagdesisyon siyang manatili na lang muna sa pasilyo habang ginagamot pa si Geo. Nakabantay naman kasi sa lalaki ang yaya nito. Habang nakatayo lang siya sa mahabang daanan ng mga tao ay nakita niyang idinaan sa harapan niya si Max na nakasakay sa isang wheelchair at tulak-tulak ng isang nurse. Sinundan niya ito hanggang sa maipasok sa isang silid. Kinausap niya si Max na huwag ng kasuhan si Geo. Mabuti at napapayag niya ang lalaki dahil natatakot siyang harapin si D

