Tahimik ang lahat ng nasa loob ng sasakyan habang pauwi sina Geo at Katallea galing sa hospital. Umuwi na rin sa bahay nila ang nabiglang si Anastasia. Pagkatapos nitong malaman na buntis ang asawa ng pinsan niya ay mas lalong tumindi ang galit nito sa pinakasalan ni Geo. Nagtataka si Katallea sa katahimikan ng lahat. Maging si Yaya Adel kasi ay hindi rin nagsasalita. Pagdating ng bahay ay umakyat si Geo at alam nilang nagbasag ito ng mga gamit sa kwarto niya dahil sa ingay na nilikha noon. Bukas ang pintuan ng silid nito kaya abot hanggang kusina ang ingay. "Yaya Adel, ano'ng problema?" Hindi nakatiis na tanong ni Katallea sa katulong na iniiwasan s'ya. "Bakit mo nagawang lokohin si Geo? Nagpabuntis ka pa Katallea. Umaasa pa naman akong maayos pa ang relasyon n'yo," malungkot na sa

