Nakasanayan na ni Katallea ang matulog sa masikip, mainit at maalikabok na basement. Laking pasasalamat niya na kahit ipinagbabawal ni Geo ay binigyan siya ng karton ni Yaya Adel upang may matulugan siya. Wala pa ring kahit electric fan man lang kaya tinitiis niya ang pagpawisan magdamag. Hindi nagrereklamo si Katallea kahit ganoon ang sitwasyon niya dahil kapalit noon ay pinayagan siya ni Geo na makapagtrabaho at maasikaso pa rin kahit paano nag negosyo niya. Marami nga lang ang bawal at palaging ipinapaalala ng lalaki na kapag nagkamali siya ay magdurusa ang pamilya niya. Napalitan ng pagkamuhi ang pag-ibig na inialay ni Katallea sa kaniyang asawa ngunit agad iyong napapalis kapag nararamdaman niya ang paminsan-minsang pag-aalaga ng lalaki. Hindi nagsumbong si Katallea sa mga magul

