Nagising si Katallea sa tunog ng pintuan ngunit bahagya n’ya lang iminulat ang kan'yang mga mata. Naramdaman niya na lang ang malakas na sipa sa may balakang niya. Napaigik siya pero hindi lumabas ang anumang tunog mula sa bibig n’ya. “Wake up!” sigaw ni Geo. Tuluyang iminulat ni Katallea ang mga mata. Isang galit na lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Bumalik sa isipan niya na nakatulog pala siya ng nakaupo at nakasandal lamang sa pader. Namamaga ang mata niya dahil sa pag-iyak. Kinalas ni Geo ang kadena sa bukong-bukong ng dalaga. Mailap ang mga mata nito at hindi tumitingin sa kan’ya. Inutusan siya ni Geo na tumayo kaya sinikap niyang sumunod dito. Hinablot ni Geo ang braso n’ya at pakaladkad s’yang dinala sa kusina. “Kain! Baka mamatay ka kaagad hindi mo man lang na-enjoy ang p

