Ngumisi si Geo ng makita ang galit na mukha ng asawa. Balewala sa kan'ya ang biglang pagbukas nito ng pintuan ng kwarto. "May problema ba tayo, Geo?" mahina ngunit bakas ang pait sa tono ni Katallea. "Malaki, Katallea. Malaki ang problema mo. Ako, wala akong problema. Lumayas ka sa kwarto ko! Get out!" Nakayayanig ang boses ng lalaki. Tinablan ng takot si Katallea at maging si Yaya Adel na nasa likuran niya. Noon lang kasi nakita ng matanda na nagalit ang alaga niya. Kilala niya kasi itong tahimik, masunurin at mabait na bata. "Yaya, iwan mo muna kami. Kakausapin ko lang muna si Geo," pakiusap ni Katallea sa matanda. Agad binitawan ni Yaya Adel ang mga bag ni Katallea at mabilis itong bumaba. Nanginginig pa ang tuhod niya dahil may nahihimigan siyang isang bagay na posibleng maga

