Nagising si Geo sa gitna ng katahimikan ng bahay. Agad niyang naisip na lumipat sa silid ng kaniyang asawa ngunit pansamantalang umupo muna siya sa kama dahil nanghihina siya. Gusto niyang katabing matulog si Katallea. Napangiti pa siya dahil tulog mantika ang babae. Kahit ilang beses na niyang tinatabihan ito ay hindi namamalayan ni Katallea. Agad din kasi siyang umaalis sa tabi nito bago pa man magising ang babae. Ngunit natigilan si Geo. Teka, masaya na sila, magkatabi na nga pala silang natulog nitong nakaraang mga araw. Masaya nilang ninamnam ang tamis na dulot ng pag-ibig. Ngunit nasaan ang asawa niya? Wala sa sariling lumabas ng silid niya si Geo. Binaybay niya ang daan pababa. Tanging tunog ng mga tsinelas niya ang naririnig sa buong bahay. Wala si Yaya Adel sa kusina. Sa isip

