PAGKALIPAS NG LIMANG TAON "Hey, love, where are you going? Ang payat mo na, hindi ka na gwapo sa paningin ko. Ang haba rin ng buhok at balbas mo, mukha ka ng ermitanyo," tinig ni Max. Hinawakan nito sa balikat si Geo ng akmang tatalikod ang lalaki. Kararating lang nito at mukhang itong masaya. "Loko ka talaga, Max. Hahanapin ko lang si Mang Rafael. Wala pa kasi rito ang mga bulaklak na ipinabili ko sa kan'ya." "She's back, Geo!" Masayang sabi ni Max. Ang tinutukoy nito ay ang kasintahan. "Nairaos din namin ang limang taong long distance relationship. Inunawa ko na lang si Nicole sa mga dahilan niya kaysa mag-away kami palagi. Ganoon siguro talaga kapag mahal mo. Kahit hindi ikaw ang kaniyang priority ay maghihintay ka hanggang maging ikaw naman." "Good for you. Magiging busy ka na in

