Hindi inaasahan ni Geo ang tawag na natanggap. Hindi pa siya tapos sa kaniyang training at napakarami na palang miscalls ng cellphone niya.
"Geo, umuwi ang daddy at mommy mo."
"Bakit po, yaya?"
"Galit na galit si Don Arman dahil nalaman niyang sumakay ka ng motorsiklo. Pinalalayas na niya ako anak dahil ako ang nag-book ng sasakyan mo."
"What?!" halos hindi makapaniwalang bigkas ng binata.
Ipinasundo siya ng daddy niya sa kanilang driver kaya hindi na problema ang pag-uwi niya. Tahimik na bumaba si Geo sa tapat ng kanilang mansyon. Naabutan niya roon si Yaya Adel na maglalakad na palabas ng subdivision kung saan sila nakatira.
"Geo, aalis na ako."
"I will contact you, yaya. For now, this is the best for all of us. I’m sorry."
"Ingatan mo ang sarili mo. Kapag kailangan mo ako, alam mo kung saan ako pupuntahan."
"Thank you, Yaya. Huwag mo akong alalahanin. Makakawala rin ako sa sitwasyon kong ito."
Simula pagkabata ay alam ni Yaya Adel ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ng binata dahil sa kaniyang ama. Ito ang inuutusan ng mommy niya upang bigyan siya ng pagkain kapag ikinukulong siya ng kaniyang daddy sa basement. Ilang beses na ba siyang nakulong dahil nalaman nito na nakipaglaro siya sa mga kaklase niyang babae noong elementary pa lamang siya? Hindi na mabilang ni Geo.
"Why did you rode on a motorcycle?" galit na tanong ni Don Arman.
Sa sobrang takot ay hindi na nagsalita si Geo. Laking gulat na lamang niya ng bigla na lang siyang sinuntok ng kaniyang daddy.
"Who is she?"
Sabay hagis sa mukha niya ng mga pictures na hawak nito. Yumuko siya upang damputin ang isa sa mga larawan. Nanlaki ang mga mata ng binata ng makita si Katallea roon.
“D-da-ddy, she is no one. I accidentally bumped into here kaya napahawak ako sa kaniya ng ganyan."
Mas lalong tumindi ang takot na nararamdaman ni Geo hindi lamang para sa sarili kundi maging para kay Katallea. Ang dalagang iyon na minahal niya simula first year collage ay maaring manganib ang buhay ngayon.
“Accidentally? You are embracing her on these pictures at aksidente lang ito?! Come-on Geo, the hell with your lies!"
"Arman, baka naman nagsasabi ng totoo ang anak mo," mahinang sabi ng mommy niya.
"Oh, come-on. Look at this Geo, is this an accident as well?"
Nanginginig na kinuha ni Geo ang larawan. Paano niya ba ipapaliwanag sa ama ang sweet na ngiti na iyon habang kumakaway sa dalaga?
"How dare you lie to me? Your game is over! I will handle this matter as soon as I can."
"Daddy believe me. Katallea and I are just classmates. Hindi totoo ang mga nasa larawan na iyan, please dad."
"Lock him in his room. Do not give him food all day!” sigaw ng kaniyang daddy sa katulong nila.
“I’ve told you to stay away with girls dahil gusto ko kapag iniharap na kita sa apo ng bestfriend ni papa ay wala silang masabing masama. Ayaw kong magkakaproblema tayo. Dahil lahat nang meron tayo, lahat ng pinaghirapan namin ay pwedeng mapunta sa kanila. Hindi ako nagpakahirap magpayaman para lang ipamigay sa iba."
Narinig na naman ni Geo ang mga linyang iyon. Sa tuwing mapapagalitan siya ay iyon palagi ang ending script ng daddy niya.
"Mukhang pera kasi ang pamilyang iyon kaya ako nagdurusa ng ganito. Makilala ko lang ang babaeng iyon sisiguradohin kong triple sa sakit at hirap na dinanas ko ang daranasin niya." Marahang pumasok si Geo sa kwarto na alam niyang ikakandado ng katulong.
"I'm sorry po, sir."
Ngumiti lamang si Geo sa katulong bago nito isinara ang pinto.
"Walang pagkain, walang tubig… Magpakamatay na lang kaya ako para matapos na ang lahat ng ito."
Ngunit bigla niyang naalala si Katallea. Sana ay walang gawin ang daddy niya sa dalaga. Dahil sa sobrang pagod sa training ay nakatulog si Geo.
Mag a-ala-singko na ng hapon ng magising ang binata. Naisip niyang sabado ngayon. Tiyak pagkatapos siyang pagalitan ng kan'yang ama ay umalis ito para sa sinabi nitong weekend get together ng mga kaklase nito noong college.
"Tatakas ako. Tulad ng dati ay wala sigurong makakapansin sa akin."
Palagi niya itong ginagawa nitong huli. Sa backdoor siya dumadaan para hindi malaman ng mga kasama niya sa bahay ang kaniyang pag-alis.
"Joey, tulad ng dati. Sunduin mo ako sa backdoor." Tinawagan niya ang kaibigan. Alam na ng mga ito na kapag ganito ay ikinukulong na naman siya ng ama.
"Oh, damn! Here we go again," narinig niyang wika nito sa kabilang linya.
Pupuntahan niya si Katallea sa trabaho nito. Kailangang mabalaan niya ang dalaga sa posibleng gawin dito ng kaniyang ama.
Samantala, kanina pa napapansin ni Katallea ang isang itim na mamahaling sasakyan na sinusundan siya habang naglalakad. Mabuti na lamang at malapit na siya sa restaurant nina Sandra kung saan siya nagtratrabaho.
"Good afternoon, Katallea. Papasok ka ba ngayon? bati ng guard sa dalaga.
"Opo, kuya."
Ganito siya sa restaurant na ito. Bigla na lang siyang susulpot kaya kahit manager ay hindi alam kung kailan siya darating o hindi. Malaya siya sa oras. Alam ng lahat na kaibigan siya ng anak ng boss nila at mas mahalaga ang pag-aaral niya.
"Katallea, may big client tayo. Gusto niyang ikaw ang mag-serve sa table niya. Table number 3. Give him your best smile para malaki ang tip," biro ng manager.
"Okay po, ma'am."
Dali-dali siyang lumabas upang kunin ang order ng costumer. Kahit sa malayo ay kitang-kita ang gwapo nitong mukha kahit medyo may edad na ito.
"Saan ko siya nakita? Familiar sa akin ang mukha niya," bulong ni Katallea sa sarili.
Magalang na kinuha ng dalaga ang orders ng lalaki. Bahagya lamang siya nitong tiningnan. Biglang nakadama ng takot si Katallea sa tinging iyon na para bang nagpapahiwatig ng isang makahulugang mensahe.
"Is it okay if you dine-in with me, Miss?"
"Ho? Sir, bawal po kaming kumain kasabay ng costumer," magalang niyang sagot.
Hindi siya pinilit ng lalaki na salohan ito. Maayos at mabilis namang naihanda ni Katallea ang pagkain sa table ng ginoo ngunit may kabang kanina pa ay nasa kaniyang dibdib. Pakiramdam ng dalaga ay pinag-aaralan nito ang bawat galaw niya.
"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking ito?" bulong ng isipan niya.
Maayos na kumain ang lalaki. Kagalang-galang itong tingnan kaya iwinaksi ni Katallea ang mga alalahaning kanina pa bumabagabag sa kaniya.
"Miss, you are young, beautiful and sexy. You deserve someone better. Beware with boys you deal with."
Hindi inaasahan ni Katallea ang sinabing iyon ng lalaki habang inaabot niya rito ang bill nito. Ngumiti na lang ang dalaga at marahang nagpasalamat.
"Well, the foods are great."
Tumayo ang lalaki at umalis na. Napansin ni Katallea na naiwan nito ang bag niya kaya hinabol ng dalaga ang costumer.
"Sir!" sigaw ng dalaga.
"Katallea, can we talk?" tanong ni Geo na hinarangan ang daraanan niya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Kailangan nating mag-usap."
"May trabaho ako, Geo. Hindi na ba makapaghihintay yan? Isa pa, hindi tayo close. Wala tayong dapat pag-usapan."
"Sandali lang ito."
"Look, may hinahabol akong costumer."
"Please, we need to..."
Ngunit tumakbo na si Katallea upang habulin ang lalaking nakaiwan ng bag kanina. Sinundan naman siya ni Geo.
"Sir, naiwan n'yo po ang..."
Napaatras si Katallea nang malaman na ang lalaki pala ang sakay ng sasakyang kanina pa bumubontot sa kaniya noong papasok pa lamang siya sa trabaho.
"D-da-ddy?" Napako si Geo sa kinatatayuan. Halos hindi na lumabas sa kaniyang bibig ang salitang daddy. Nakita niyang mabilis na pinasibad ni Joey ang sasakyan nito dahil sa takot sa daddy niya.
"I've told you Geo, the game is over." Mabilis na kinuha ni Don Arman ang bag sa kamay ni Katallea.
“S-sir kayo ang…” Hindi naituloy ng dalaga ang gustong sabihin dahil nakita niya ang galit sa mukha ng lalaki.
"Stay away from my son, young lady. He is getting married soon."
Sinuntok ni Don Arman sa sikmura si Geo dahilan upang mawalan ito ng malay. Pabalibag na ipinasok nito ang anak sa sasakyan sabay umalis.
"D-da-ddy? Daddy siya ni Geo? Bakit gano'n ang..." mahinang wika ng dalaga.
Naiwan si Katallea na hindi halos makagalaw sa sobrang pagkabigla. Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon.