KATALLEA CHAPTER 2

1889 Words
 "I love you so much," bulong ni Geo sa babaeng yakap niya.   "Ngunit hindi mo ako pwedeng mahalin. Papatayin ako ng daddy mo kapag nalaman niya ito," malungkot na turan ng babae.   "Patawad kung hindi kita kayang ipaglaban sa ngayon. Hahanapin ko muna ang babaeng iyon na dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Isinusumpa ko, pagbabayarin ko siya sa mga panahong hindi ako naging malaya ng dahil sa kanya."   "I hope maging okay na ang sitwasyon natin nang sa gano'n ay hindi tayo nagtatago ng ganito. Geo, I love you."   "Pangako gagawin ko ang lahat makasama ka lang. Hindi ko hahayaan na may humadlang sa pagmamahalan natin."   Mahigpit na niyakap ni Geo ang babaeng minamahal. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa pisngi nito upang mahalikan ang dalaga. Naging mapusok siya, mapaghanap. Gumanti rin ng halik ang dalaga dahilan upang lalong mag-init ang katawan ng binata. Mabilis niyang nabuksan ang blouse ng dalaga. Tumambad sa kaniya ang mala-mayon volcano sa gandang dibdib nito.   "Hmmm, touch me, Geo.”   "Y-yes, o-okay," nagkakandabulol na wika ng binata.   Agad niyang hinawakan ang dibdib ng dalaga dahilan para lalo itong yumakap sa kanya. Mula sa labi ay dahan-dahang bumaba ang halik ng binata patungo sa leeg ng babaeng sinisinta habang patuloy na humahaplos ang kamay niya sa mala-porselanang balat nito. Kinakagat niya ito ng maliliit dahilan upang umungol ito na tila ba musika sa pandinig ng binata. Ramdam na ramdam ni Geo na nagwawala na ang alaga niya kaya marahan niyang kinuha ang kamay ng kaniig upang dalhin ito sa kanyang nakatagong armas. Nanginginig ang kamay ng dalaga habang unti-unting ipinapasok ni Geo ang kamay nito sa pantalon niyang bahagya ng nakabukas.   Nagising si Geo sa malakas na tunog ng telepono sa side table niya. Pawis na pawis ang binata kahit na napakalamig ng silid niya dahil sa nakabukas na aircon. Naiinis siya sa tumatawag sa kaniya dahil naputol ang panaginip niya.   "Hello, sino ito?"   "Oy, p’re! Anong sino ito? Nakalimutan mo na bang may training tayo ngayon?" malakas na wika ni Joey na goal keeper ng team nila sa soccer.   "Anong oras pa lang Joey kung makaistorbo ka ng tao parang late na ako sa lakad natin."   “Geo, let me remind you na may training tayo ngayong umaga. P’re 7:00 am, 7:00 am ang sabi ni coach."   "Naku! 6:30 na pala! Sige p’re magmamadali na ako at baka maparusahan na naman ang buong team."   Sabado ngayon, araw ng pahinga niya kaya hindi sanay ang binata na gumising ng maaga. Nakalimutan niyang binago nga pala ng coach nila sa soccer ang schedule ng training nila dahil sa nalalapit nilang laban. Huling tournament na niya iyon para sa university na pinapasukan dahil malapit na silang magtapos. Kailangang manalo sila at bilang team captain malaking pressure iyon para sa kaniya.   "Oh, God. How can I reach the university before 7:00 am?"   Hindi na naligo pa si Geo. Nag toothbrush na lamang siya sabay kuha ng mga nakahanda niyang gamit. Mabuti na lamang at kagabi pa iyon naihanda ni Yaya Adel.   "Yaya, book me a motor taxi. ASAP, please!" sigaw niya sa kaniyang yaya.   Dahil sobrang traffic bago makarating sa university ay wala na siyang pagpipilian kundi ang sumakay sa motor kahit ipinagbabawal ito ng daddy niya. Agad naman sumunod ang yaya niya. Nakalimutan ng matanda na hindi pumapayag ang amo niyang lalaki na gumamit o umangkas sa motor ang alaga niya.   "Bahala na," sabi ng isip ng binata.   Mabilis nakapagpabook ang yaya ni Geo. Matulin at maingat din ang rider na nasakyan niya. Eksaktong 6:55 am ay nasa university na siya at dahil bawal pumasok ang mga motor sa lugar kung saan sila magti-training ay kailangan ni Geo na tumakbo mula sa binabaan niya hanggang sa field. May limang minuto na lamang siya kaya mabilis ang kaniyang kilos.   Walang ano-ano ay may biglang nabangga si Geo. Mabuti at maagap ang naging reaksyon ng binata kaya bago pa bumagsak sa lupa ang kaharap ay nahablot na agad ito ng kaniyang mga kamay. Hindi sinasadyang naipulupot ni Geo ang braso niya sa babae. Halos magkadikit na ang mga katawan nila kaya amoy na amoy ng binata ang mabangong katawan ni Katallea. May kung anong nabuhay na pagnanasa sa kanya ng mga oras na iyon. Titig na titig siya sa magandang mukha ng babaeng yakap-yakap.   "Ang sarap sigurong halikan ng mga labi mo," wala sa sariling nasambit ni Geo dahilan para magising rin sa katotohanan si Katallea.   "Mr. Arevalo, will you please let me go?!" galit na turan ng babae kaya bumalik sa kasalukuyan ang diwa ng binata.   "I-I am sorry, Katallea. Hindi ko sinasadya. I mean, nagmamadali kasi ako kaya hindi kita napansin."   "Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo! Bitawan mo nga ako! Baka may makakita sa atin eh kung ano pang isipin nila. Mapagsamantala ka naman masyado!"   "Wala namang ibang tao, tayo lang. Huwag kang umarte na hindi ka naapektohan sa yakap ko."   "Wow! Mr. Arevalo, akala ko allergic ka sa babae. Iyon pala pervert ka! Nagtatago ka lang sa gwapo mong mukha."   "Oy, gwapo raw ako."   "I said, let me go!" Walang ano-ano ay tinadyakan ng dalaga ang paa ng binata dahilan para mabitawan niya si Katallea.   "Simula freshmen tayo ay hindi kita nakitang naging aggressive sa babae. I am so disappointed with you."   "Look, Katallea, I'm sorry. I did that to save you from falling into my heart." Nang-aakit na turan ni Geo dahilan para pamulahan ng mukha si Katallea.”   "You pervert, stay away from me!"   "Don't worry malapit na ang graduation kaya talagang lalayo na ako sa'yo. Dapat magpasalamat ka pa nga kasi among the girls out there ay ikaw lang ang bukod tanging babae na maswerteng nayakap ni Geo Arevalo."   “Oh, my… Hoy lalaki! May sayad ba ang utak mo? Ang kapal ng mukha mo,” galit na galit na wika ng dalaga.   “Mahal naman talaga kita eh. Hindi nga lang halata,” seryosong sabi ni Geo sa dalaga ngunit lalong umusok ang ilong ng huli.   “Huwag kang umasang ibabalik ko iyan sayo. Bwesit! Ang hangin mo pala!”   Nakangising iniwan ni Geo ang dalaga na nagpupuyos sa galit. Masaya talaga siya, masaya siyang kahit minsan ay nayakap ang babaeng lihim na minamahal pero para sa kapakanan nito ay hindi siya nagtangka man lang na maiparamdam dito ang nasabing pag-ibig. Kilala niya si Don Arman Arevalo. Gagawin nito ang lahat para sa babaeng nakatakda para sa kaniya. Kahit tutol ang mommy niya sa mga desisyon ng padre de pamilya nila ay wala itong magawa dahil takot ang mommy niya na maging dahilan iyon para pag-awayan nilang mag-asawa.   "Geo, mabuti at umabot ka pa. Eksakto p’re ang dating mo, 7:00 am, pero tumawag si coach. May emergency raw sila kaya medyo mahuhuli raw siya’" ani ni Joey.   "Sige, line up na kayo. Jogging muna tayo."   Sumunod naman ang mga team mates niya. Sa hindi kalayuan ay natanaw ni Geo ang grupo nina Katallea na tinutukso ito ng mga kaibigan dahil may nagpaabot na naman ditong bulaklak at chocolate. Nagseselos siya sa lalaking nagbigay nito ngunit tiwala siyang tulad ng mga nauna ay wala itong maasahan sa dalaga dahil alam niyang prayoridad ni Katallea ang makatapos para sa pamilya nitong nasa probinsya.    Biglang nalungkot si Geo. Mawawala na sa paningin niya ang babaeng pinakamamahal. Ang mga ngiti ng dalaga ay siguradong hahanap-hanapin niya. Kapag nakapagtapos na sila ay malaya na si Katallea na makipagrelasyon lalo na kapag natupad na ang mga pangarap nito. Samantalang siya ay maiiwan na patuloy lamang maghihintay kung kailan naman makikilala ang babaeng nakatakda sa kaniya. Sa isiping iyon ay parang dinudurog ang puso ni Geo.   Sa kabilang banda ay napansin ng mga kaibigan ni Katallea na nakasimangot ang dalaga. Kilala nila ito bilang masayahin sa kabila ng kahirapan nito sa buhay kaya kapag lukot ang mukha nito ay nag-aalala agad sila.   "Ang aga, bakit sambakol ang mukha mo?" tanong ni Nicole. Kahit sabado ay narito sila sa school upang tapusin ang group project nila. Nakapagpasa na ang ibang mga kaklase nila ngunit hindi pa sila tapos kaya naman kailangan nilang pumasok kahit sabado.   "Pinabibigay nga pala ni Marco," sabay abot ni Sandra ng chocolate at bulaklak kay Katallea.   "Aba! May trabaho ka na pala, taga-deliver." Dahil sa tinuran ni Nicole ay nagtawanan ang mga kagrupo nila.   "Sagutin mo na kasi yan," wika ni Sandra sa kaibigan. "Napapagod na akong taga hatid na lang ng mga pinabibigay niya."   "Wala sa plano ko pa iyan, Nicole at Sandra. Alam n’yo naman na marami pa akong mga pangarap."   "Girl, take it easy. You don't have to force yourself to much. We have money. If you need it, tell us. We will always give you."   "Alam ko naman iyon, Sandra. Pasalamat nga ako at ipinasok n’yo ako sa restaurant ng pamilya mo. Malaking tulong sa akin ang ginawa mo."   "Don't mention it. I love you so much my friend."   "Oy, baka magkaiyakan pa tayo. May group project tayo ha," singit ni Nicole.   Nagyakapan ang magkakaibigan. Maswerte talaga si Katallea sa mga ito. Tatlo lang sila pero buo naman at parang magkakapatid na ang turingan nila. Dahil sa dalawang kaibigan niya ay naging madali sa kanya ang kolehiyo. Mabuti rin at tinanggap siya ng pamilya ng mga kaibigan kahit na anak lamang siya ng isang magsasaka at ang mga ito ay kilala ang mga magulang sa business world. Nakitaan kasi si Katallea ng kabutihan, kasipagan at katalinuhan ng mga magulang nina Nicole at Sandra.   Bukod doon, ang ngiti ni Katallea ay para bang tala na liwanag sa madilim na mundo ng karamihan. Ang gusto nga ng mga magulang ng mga kaibigan niya ay sa kumpanya nila magtrabaho ang dalaga pagkatapos nito ng kolehiyo. Maaring kasing magtapos ito bilang Magna c*m Laude. Alam ng mga ito na magiging malaking asset ang dalaga ng papasukan niya. Kahit ang kumpanya kung saan siya nag-OJT ay nagsabi na ring handa silang tanggapin si Katallea. Maraming magagandang opportunity ang naghihintay sa dalaga pagkatapos ng kolehiyo kaya wala pa sa isip niya ang makipagrelasyon.   "Ang sarap palang mayakap niya," bulong ni Katallea.   "What?" halos sabay-sabay na turan ng mga kagrupo niya. Hindi nila narinig ng buo ang sinabi ng dalaga ngunit narinig nila ang salitang ‘yakap’.   Sa sobrang gulat ni Katallea sa winika niya at sa naging reaksyon ng mga kagrupo ay napatayo siya. Saktong dumaraan naman sa harapan nila ang grupo ng mga nagjojogging na soccer players. Kumaway si Geo sa kan'ya at ngumiti ito ng ubod tamis dahilan para magtilian ang mga babae sa grupo nila. Hindi maintindihan ni Katallea ang sarili. Bigla siyang kinilig sa simpleng ginawa ng binata.   "Bawal kang ma-in-love. Bawal kang ma-destruct," bulong niya sa sarili.   "Hello, let's continue our group work before may malalaglag na puso rito," pang-aasar ni Sandra sa kaibigan.   "Ano kayang nakain ni Geo at kumilos ng gano'n? Nakapagtataka naman, hindi ba?" sabi ni Nicole.   "Katallea, may hindi ba kami alam?" tanong ng dalawang kaibigan niya.   "Ano naman ang dapat ninyong malaman, Sandra at Nicole?"   "Ewan namin sa'yo," sabay na wika ng dalawa.   "Girls, huwag kayong mapaghinala," sinabayan ni Katallea ng munting halakhak ang mga katagang iyon upang hindi siya mapansin ng mga kaibigan ngunit sa isip niya ay naglalaro ang napakagwapong muka ni Geo.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD