Huminto siya. Hinawakan niya ang magkabilang tuhod at hingal na tumingin sa harapan. Wala siyang nakitang Estong. Ilang estudyante na ang napagtanungan niya pero hindi niya pa rin nakita ang kababata. Sa'n ba 'to? Ayaw niyang umuwing hindi nasasabi kay Estong ang nararamdaman. Baka mawalan na siya ng pagkakataon. Ayaw niyang mangyari 'yon. Nagpalinga-linga na naman siya. Nasa'n ba si Estong? Tumingala siya sa kalangitan. Malapit nang lumubog ang araw sa kanluran. Lumunok siya at hingal na nagbaba ng tingin. Nagpasiya siyang sumandal muna sa puno sa gilid ng kalsada at magpahinga saglit. Hindi niya gustong isiping nakauwi na ito, at walang saysay ang paghahanap niya. Nakagat niya ang labi. Bakit ba lahat ng ginagawa niya para kay Estong ay pakiramdaman niya... balewala lahat? Pati ang

