Huminga siya nang malalim. At huminga na naman. Alas-kuwatro na ng hapon. Pantay na ang kulay kahel na sinag ng araw sa mga puno. Nandito sa hallway si Rowena at paulit-ulit na huminga nang malalim. Kinakabahan siya. Parang hindi niya kayang gawin ang iniisip pero hindi pwedeng aatras siya. Ito na 'yon. Ito na ang araw na dapat na niyang ipagtapat kay Estong ang nararamdaman niya. Dapat maging matapang siya. Walang hiya-hiya o kaya'y takot-takot. Dapat siyang maging matatag at harapin si Estong. Si Estong lang naman 'yon. Kababata niya. Alam niyang hindi naman ito nangangain ng tao kaya bakit ba kinakabahan siya? "Wooh," bulong niya. Nagpalinga-linga siya. Maraming estudyante ang dumadaan sa hallway para mapunta sa gate. Mas sumandal siya sa pader para paraanin ang mga estudyante. May

