"Rowena!" Napalingon siya sa tumawag. Isa sa mga kaklase niya. Nakangiti ito sa kaniya at huminto sa tapat niya. "Aga natin, a!" "Baka maiyak sa inis si Maam," biro niya. Natawa ang kaklase niya. "Di. Buti naman ay naisipan mong pumasok nang maaga." Nilibot nito ang tingin sa paligid. "Ikaw yata ang una. Wala pang estudyante." "Ikaw din naman, a? Estudyante ka rin naman," sabi niya. Ngumisi ito at may inilabas mula sa shoulder bag. "May assignment ka ba sa Math?" "Tapos ko na kagabi." "Aww buti naman. Sagutan ko lang 'to. Bantayan mo 'ko, ha? Mabilis lang 'to." Sinunod niya ang sinabi nito. Minasdan niya ang paligid, at tinitingnan kung may paparating may guro. Alam niya kasing nag-alala ang klasmeyt niyang baka pagalitan ng guro. Ang sabi pa naman ng isang teacher na nakahuli ng ka

