Ilang araw na ang lumipas. Nang sumapit ang linggo ay maayos-ayos na ang kalagayan ng Manang Nena niya. Ang mama niya kasi ang nag-alaga kay Manang Nena. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ang ina ni Estong para mangumusta. Pero dahil hindi pa tuluyang gumagaling ay pinagpaliban na muna nila ang paghahanap kay Estong. Maski sina Alkan at Yalke ay napabisita sa bahay ni Manang Nena. Natuwa naman ang ginang at sinabi nitong naalala niya si Estong dahil sa pagdalaw ng dalawa nitong kaibigan. "Yung baon mo," biglang sabat ng ina niya. Napalingon siya. May inaabot ito sa kaniyang isang sisidlan ng baon. Walang ngiti sa mga labi nito, pero sapat na ang ipaghanda siya nito ng baon para malaman niyang may inaalagaan pa rin siya ng ina. Nasabi na niya kasi rito ang tungkol sa pagsasampal niy

