Kabanata 28.1: Hangin

1057 Words

Alas-kuwatro ng hapon. Sabik na sabik na si Estong na ipapakilala si Jowee sa ina niya. Alam na kasi ng mama niya na may nililigawan siya, at sabi nito na dalhin ang babae sa bahay nila. Ngayon lang siya nakakita ng tiyempo dahil 'yon nga, hindi gusto ni jowee noon na ipagkalat ang kung anong meron sa kanila ni Estong. Pero ngayon, kayang-kaya na niyang ipaglandakan na magkasitahan sila. Pero hindi pa pwedeng ipagsigawan sa nayon dahil tiyak siyang mag-e-eskandalo ang Kapitan. Saka na kapag tuluyan na siyang maipakilala si Jowee sa pamilya nito. Tumunog ang school bell, hudyat na tapos na ang klase sa araw na 'yon. Mabilis siyang nagligpit ng gamit at akmang lalabas na siya nang tawagin siya ni Yalke. Napalingon siya sa kaibigan. "Bakit?" tanong niya. Ngumisi si Yalke. "Sa'n ka bai?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD