Kabanata 16.2: Medyas

1133 Words

Nagngitngit ang kalooban ni Rowena. Hindi man lang ito humingi ng pasensya sa ginawa. Kahit gusto niyang paghahampasin ang lalaki sa ginawang pagdamba nito, pero mas nanaig ang takot niyang pumasok sa gate. Paulit-ulit na naman siyang lumunok. E kung umuwi na lang kaya siya? Total, late naman siya. Malamang sa mga oras na 'to, nagkaklase na ang unang guro niya. Hindi na siya makakahabol lalo pa't sa tingin niya ay halos tatlumpung minuto na siyang huli sa klase. Maglilinis pa siya kaya malamang ay tapos na ang unang asignatura kung papasok pa siya sa klase. Pumihit siya at akmang hahakbang pabalik sa pinanggalingan pero huminto rin siya. Kaso sa mga oras na 'to, nandoon na ang ina niya sa bahay. Tiyak siyang magtatanong ito kung bakit siya umuwi. At kahit na sabihin niya ritong walang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD