Kabanata 17.1: Malvic

1098 Words

Hindi na siya natutuwa sa estrangherong katapat niya. Hindi na nawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kaniya. Minuwestra nitong kunin niya ang medyas sa loob ng sako na sinidlan ng basura. "Ayoko na!" bulalas niya. "Ikaw naman ang may kasalanan, e! Dinamba-damba mo ako kanina kaya ikaw dapat ang kumuha sa medyas ko!" "Hindi ko kasalanan," natatawa nitong saad. Huminga pa ito nang malalim at umiwas ng tingin. "Tumatakbo ka kanina at nasa likod mo lang ako't nakasunod sa 'yo. Nang bigla kang huminto, hindi na ako nakahinto kaya nadamba kita." "Ikaw!" "Dapat ka ngang magpasalamat dahil sinagip ko ang mukha mo." Hambog! Lumaki ang mga butas ng ilong niya sa sinabi nito. Bakit ang hambog-hambog ng lalaking 'to? Ni hindi nga humingi ng pasensya sa ginawa nito sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD