Kabanata 17.2: Malvic

1050 Words

"Kilala mo ang Malvic, Miss?" tanong ng lalaki. Lumunok siya. Mukhang lagot na siya. Dapat tinikom nalang niya ang bibig dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang pagsigaw niya ng salitang 'yon. "H-Hindi!" Pinulot niya ang medyas sa paanan ni Raven at umambang tatakbo palayo. Kaso mabilis na hinuli ng lalaking Malvic ang braso niya at pinaharap siya nito. Napalunok na naman siya. "Ano ba. Bitiwan mo nga ako!" "Hindi." Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. "Sagutin mo ako. Kilala mo ba ang Malvic?" Nagpumiglas siya. Paulit-ulit niyang hinihila ang braso kaso ayaw niyon kumalas sa higpit ng hawak ng lalaking Malvic. Sinamaan niya ito ng tingin at tinigil ang paghila dahil wala rin naman 'yong saysay. Sumasakit lang ang braso niya sa pahigpit nang pahigpit nitong hawak. "Sino ka ba?" ini

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD