Kabanata 25: Ngiti

2186 Words

Mataas ang sikat ng araw sa umagang 'yon. Mabilis ang takbo ng ulap sa kalangitan. Hindi naman mapuknit-puknit ang ngiti sa mga labi niya. Ngayon ang unang araw na manliligaw siya kay Jowee. Sa katunayan, sinabi na ni Jowee na hindi na niya kailangang manligaw dahil sinagot na siya nito. Pero ayaw niyang walang gawin. Gusto niyang ligawan ng dalaga. Nagbaba siya ng tingin sa hawak-hawak na bulaklak. Nakuha niya ang bulaklak sa hardin ng kapitbahay niya. Maganda ang pamumukadkad niyon kaya naisip niyang pitasin para ibigay kay Jowee. Siyempre, humingi siya ng permisyo sa may-ari. "Estong!" Huminto siya sa paghakbang at lumingon sa tumawag sa kaniya. Nakita niya si Rowena na nakangiting tumakbo palapit sa kinatatayuan niya. "Wena," bati niya. Huminto ang babae sa harapan niya at bum

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD