Kabanata 24: Ligaw

2250 Words

Mataas ang sikat ng araw pero malamig ang simoy ng hangin. Nasa kakahuyan si Estong at nangunguha na naman ng panggatong. Alas-tres na ngayon ng hapon at may ilang sinag ng araw na lumulusot sa kakahuyan. Binaba niya ang hila-hilang bungkos ng panggatong at tumingin sa harap. Malayo pa ang kailangan niyang babagtasin para marating ang burol na naghihiwalay sa kakahuyan at sa kabahayan. Huminga siya nang malalim at nilibot ang tingin. Kailangan niyang maghanap ng mansanitas para kay Rowena. Hindi pa niya ito nakakausap simula kahapon, kung kailan opisyal na niyang nobya si Jowee. Napangiti siya habang inaalala ang maamong mukha ni Jowee. Wala na siyang ginawa kahapon kung hindi makipagkuwentuhan sa anak ni Kapitan. Ang bilin ni Jowee sa kaniya ay isikreto na muna nila ang kanilang relasyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD