I was never kissed like this... this is the first time. And it will never be normal. Itong halik, iyong hagod na dahan-dahan at mainit, itong lapat ng labi ni Uncle Fado sa leeg ko... hindi normal para sa akin.
Napasinghap ako sa gulat noong naramdaman ang malamig na lapat ng dila nito sa leeg ko. It was my instinct who works it’s own. Napalayo ako, or napatalon? He then, just stared at me.
“W-w-what? Bakit mo’ko hinalikan?!!” Napatakip na lang ako sa leeg.
He didn’t answer me, he’s just staring at me for minutes now. Di ko alam kung bakit ginawa niya iyon, I had no idea!
“Di ko napigilan.” Kagat labing sabi nito.
Napaawang na lang ako at hindi kaagad nakasagot. I don’t know what expression I’m giving, but I know I look so uneasy and I feel sour... di ko talaga maitindihan.
It was so different, I was kissed before by my exes... kiss na parang friendly lang, a smack on my lips. And it never went to anywhere. But him?
“Uuwi na ako.”
Kagat pa rin nito ang labi ng tumayo. I have no plan to stop him, umuwi siya kung gusto niya... kailangan kong huminga at mag-isip. It will never be the same. It will never be a niece-uncle relationship. My views will be different after what he did.
Tulala lang yata ako nang naramdaman na pumasok si Aunt. Kinabahan tuloy ako at kahit hindi naman nagpalagay ng cctv si Aunt ay para bang may ideya ito. I felt guilty all of a sudden. Kahit di naman dapat, wala silang relasyon.
“Masakit pa rin ba? Gusto mong patingin natin bukas?” Bukas nito sa usapan, kumakain kami... ako na dahan-dahan at walang gana, at siya— na kanina pa pala akong tinititigan.
“I’m okay Aunt, I’m just tired.” Iling ko.
Hindi naman ito nagpumilit, because I’m still injured she did the dishes. I went upstairs and she even didn’t ask me why I was in bed earlier than my usual sleep time.
Iniisip ko pa rin kasi iyong ginawa ni Uncle Fado. I have this thought that maybe he’s longing for affection? But why me?? Pwede naman si Tita, pwede rin ang mga babae nito. Why me? Ang lalim ng iniisip ko na minsan hindi ko na rin maintindihan. I don’t see any reason why he became aggressive. He should see me as his niece! Not someone who he could kissed when he liked!
Nakatulugan ko na lang ang iniisip. Early in the morning, I did my recent routine, I cleaned myself... but still cannot take a bath. When I went downstairs, breakfast is already served. Si Tita ewan ko kung nasaan. Sisilipin ko mamaya baka lumabas.
Pagkatapos kong kumain hinanap ko na kaagad si Aunt Sheen. I saw her cutting some twigs. Nangalumbaba na lang ako at tinitigan siyang ginagawa iyon.
She really loves gardening, kapag free time nito... ginagawa nitong tambayan ang bakuran. This is why it feels like I’m enchanted with this beautiful yard. Di ko na yata kailangang maghanap ng mga bulaklak sa isang tagong bundok.
Napasinghap pa ito sa gulat nang nakita akong nakaupo sa hammock nito. Natawa tuloy ako.
“Para kayong nakakita ng multo, Aunt Sheen.”
“Paano ba naman kasi, hindi kita narinig! Ang puti-puti mo pa, akala ko naengkanto na ako eh.”
Natawa na lang ako, tinulungan ko ang sarili na makalakad at makaupo doon sa monoblock saka humarap sa kanya na naghahakot na ngayon ng sanga-sanga. I’ve waited, I watched her while I am enjoying the low heat sunrise. Medyo matagal na rin siguro simula ng nagbabad ako sa ilalim ng sikat ng araw.
May dumaan pang nagtitinda ng taho, bumili kami ni Aunt Sheen at nagkuwentuhan sa bakuran.
Nawili yata ito at hindi na napansin ang oras but we don’t have to worry, she’s already done with her weekend gardening. Kaya pwede na kaming magliwaliw. She ended up storytelling about her life here... and how she ended up teaching here instead in my Dad’s hometown.
“Mas tahimik dito at mababait pa ang mga tao. Hindi man gaanong sibilisado, atleast we can survive.”
Nangingiwi ako sa pinagsasabi nito. I don’t know but I can hear her persuasion, inaaya niya ba akong dito na talaga tumira? Because I am not sure.
At exactly 10:30 am we decided to cook for lunch. Nakitulong din naman ako, ganoon lang at tighiwa ng kung ano-ano.
After lunch, I told her that I’ll take my afternoon nap. Di ko alam kung bakit napapagod ako, samantalang wala naman akong ginagawa.
O siguro dahil iniisip ko pa rin si Uncle Fado? I don’t know.
Ang babaw pa ng tulog ko nang nagring ang cellphone. It was coming from Uncle Fado. Nagdadalawang isip akong sagutin iyon, but when I decided to answer the call bigla namang nawala. Napaismid na lang ako at tumalikod. Whatever...
And then when I decided to finally sleep, bigla na namang tumunog. It was a text... and I suppress myself from smiling. Bakit naman ako ngingiti? May kasalanan pa sa akin iyan. He kissed me! Like he kissed his own niece! Karimarimarim.
‘Aiv? I’m sorry... Alam kong galit ka pa rin’
Ang babaw ko. Bigla na namang natunaw iyong galit ko sa ginawa nito. Nakalimutan ko ang pakiramdam noong nagalit ako sa halik nito.
It was not right, but... sino ba naman ako para hindi magpatawad?
Nagdadalawang isip ako kung dapat ko ba itong replyan o ano. I’ve waited 30 minutes before I ended up lying on my back. Tanaw na tanaw ko pa ang kisame habang inaangat ang cellphone.
And I replied.
Ni hindi pa lumalagpas sa dalawang minuto ay nagreply kaagad ito. Hindi ko alam... hindi ko talaga alam. But I was smiling, no suppressing but I was naturally smiling.
‘Papacheck ako ulit bukas, but Aunt is here. Sa Monday na lang. Samahan mo’ko.’ Tantrums ko rito.
Tapos isang minuto pa nagreply na kaagad ito.
Kinurot ko na lang ang sarili at nagkunwaring hinimatay sa tulog. Hindi ako nagreply, hinayaan ko ang sariling magpigil.
Baka isipin noon, ang easy-easy ko.
Ah?? Teka, e ano naman ngayon? Magpapadali ka ba Aiv? You told yourself that he’s like your Uncle. Literally Uncle.
Ngumuso na lang ako at pilit na natulog. Nagising ako ng bandang alas 3 tapos bumaba na naman akong kunot ang noo. And then I saw Aunt Sheen staring at me.
“Dito ka muna kaya sa baba matulog, Aivee Dar? Ako ang nahihirapan sa’yo.”
Well, she’s right... dito na muna siguro ako sa baba habang nagpapagaling.
We prepared some foods for our dinner, she asked me if I want to eat something. Paksiw lang naman talaga ang gusto ko. Sakto at may stock pa naman kami ng isda. I did the cooking, naiinis nga ito kasi ang kulit ko raw. I should be resting but I had to remind her that I’m still functional, hindi naman ang kamay ko ang may injury.
Sa huli, pareho kaming nag-enjoy sa kinakain. Hindi yata nauubusan ng kuwento si Aunt Sheen. In the middle of the talk, she mentioned about my next check up. At dahil may plano na ako, I told her that I changed my sched. Mukhang nakakaunawa naman.
“Ahm Tita, can I borrow some of your dresses? Nasita po ako.”
“Sinabihan na kita dati na baguhin mo iyong mga nakasanayan mong suotin. Tigas kasi ng ulo mo, manang-mana ka sa Tatay mo.”
Ngumisi na lang ako ng kaunti, partly true that’s why I didn’t reasoned out after.
Sabagay naman kasi, saan pa ba ako magmamana?
Maaga ulit akong gumayak. Bukas na lang siguro ako lilipat, hindi rin naman matutuloy iyong check up kaya mahaba pa ang oras ko bukas para ibaba ang ilang gamit. Magpapatulong na lang din ako kay Tita.
Ewan ko ba, para akong tanga na excited na sinilip ang cellphone. Kaso napasimangot din ng walang reply ulit mula kay Uncle Fado.
I was hoping that he’ll text me after his little ‘yes’. Wala naman, parang hindi sinsero sa paghingi ng patawad.
Napaismid nga ulit ako at tumalikod. I hugged my pillow and pretended to be asleep... I’ve waited until I felt tired.
Di ko alam kung ilang minuto na akong nakatulog o kung oras ba basta nagising na lang ako sa ingay ng tunog ng cellphone.
It’s really true when you expect less, things happen. I wasn’t expecting for Uncle Fado’s call. Sabi ko kasi kanina, kung ayaw nitong magpapansin, e di wag!
“Natutulog ka na ba?”
Umiling ako and then I remembered he can’t see me. Sinabi ko na lang na nagising ako and I heard him feeling a little guilty.
“Tapusin ko na lang itong tawag, Aiv. Kailangan mong magpahinga.”
“No! Uncle naman e...” I pouted, huh? Teka? Makikita niya ba iyon?
Humalakhak ito, napangiti na lang din ako. Tapos naalala ko na naman iyong klasi ng paghalik niya sa pisngi at leeg ko kahapon. Di pa rin ako nakakamove on. Di ko lang matiis ang isang ‘to.
“Don’t do that again, Uncle.” Natahimik pa ito sa sinabi ko.
“Sure,”
Ewan ko pero pakiramdam ko hindi kapani-paniwala iyang sinabi niyang ‘sure’. Kulang sa honesty.
Sa huli nag-usap na lang kami tungkol sa mangyayari sa check up ko sa Lunes. We also planned to have our lunch after the appointment. Sinabi nito na sa kabilang bayan na lang para makaiwas din sa mga mata ni Tita.
Tama naman ito, ayaw ko lang kasing magalit na naman si Aunt Sheen. Mabait iyong tao kapag sinusunod, iyon nga lang... malala rin kapag nagalit.
Nasilip kong alas diez na iyon ng sinabi nitong tapusin na ang tawag. Mas importante sa kanya na makapagpahinga na raw ako. I don’t feel like retiring tonight. I just want to talk to him.
I woke up early in the morning, I decided to help Aunt Sheen while we’re talking about on how we put all the basic things I need dowstairs. Sabi nito maghahanap ito ng tutulong mula sa labas. I was thinking Uncle Fado but I remembered, they’re not in good terms. Sige na nga lang.
Alas 10 nang nakahanap ito ng boy sa labas. I accompany him upstairs. Tinuro ko ang mga mauuna, si Aunt Sheen ang nagbabantay sa baba habang ako itong naghihintay din sa itaas.
Natapos kami ng bandang alas onse, sinabi ni Aunt Sheen na aalis lang ito saglit para bumili ng pananghalian. I think she’s tired, so do I. Tinatamad na rin akong magluto.
Plakda nga pagkatapos ng pananghalian. Humiga na kaagad ako sa kama, pero naalala ko... I need to clean up.
Dala ko ang cellphone habang papasok sa bathroom, doon malapit sa kusina. I did my temporary routine, I did washing my hair. Hindi totally bath kasi nga kumikirot pa rin itong bali ko.
Habang nagrereklamo sa isipan, naalala ko na naman iyong may gawa nito sa akin. I have no news, hindi ko rin pwedeng tanungin si Aunt Sheen. She had no idea until now, I don’t want her to worry more.
Kaya tinawagan ko si Uncle Fado, naka-on pa rin ang faucet. I’m sitting on the bowl’s cover. Medyo nakakangalay nga ang may injury. I wanted to end this so much.
“Kailangan na lang ng proper complains mo, Aiv. Kaya lang hindi ka pa okay, pwedeng ipagpaliban muna...”
Naiintindihan ko, hindi nga ako makalabas. Kaya lang aalis ako bukas kaya pwede naman sigurong daanan namin iyon?
I told him about my plan. Sang-ayon din ito kaso pinuna na nito kung anumang nangyayari sa background.
“A-anong sabi mo, Aiv?” Nabibingi yata ito.
“I’m taking a bath, Uncle. Ano ba? Bingi ka ba?” Tawa ako ng tawa.
“Hmm...” bulong nito.
Whatever! Klaro naman iyong sinabi ko, bakit hindi nito naiintindihan? Ipinagsawalang bahala ko na nga lang at sinabi ritong tatapusin ko lang ang pagligo.
“Okay, call or text me when you’re done.”
Hmm? Hindi ko naman nagawa pagkatapos. Kaso narinig ko iyong cellphone ko at tumatawag si Uncle Fado. Katatapos ko lang magsuklay sa harap ng salamin. Bakit atat yata ito?
“Tapos ka na, Aiv? Saan ka na ngayon?”
Chismoso ba si Uncle? Bakit tunog excited?