Lapnos
“BRIDGET, Saan nila gusto ganapin ang reception? Para makapag-rent na ako.” Tanong ni Cris.
Pinasadahan ko ang mahabang buhok sa sobrang stress na nararamdaman. Kagat kagat ko ang lapis na nag angat ng tingin kay Cris.
“Kahit sa isang event room na malaki ang space.”Tugon ko at bumalik ang tingin sa listahan.
I am making the Invitation, Halos mapamura ako sa dami ng iimbitahan habang si Cris Naka-aassign sa mga equipment and area of event. Si Ria naman naka aassign kung sino sino ang event speaker.
Magpe-perform. Magsusukat para sa damit ng Groom and Bride. Their guest provide their own dresses and suit and to the Flower Girl and Ring Bearer din.
Sa mga pagkain naman si Ben at ang dalawa niyang kasama ang bahala para sa piniling pagkain ng magkasintahan.
After namin pumunta sa bahay ni Mr.Calisang. Pinauwi kami ni Mr.Eastaugffe at sinabihan na mag pahinga muna ngayon dahil marami pa kaming tra-trabahuhin.
Hindi mawalan ng trabaho ang department ngayon lalo na ang leader ng Event planner na si Ms.Josefina dahil siya ang naka-assign sa decoration sa Church at Reception.
But still tutulungan pa din naman kami sa kanya.
Halos maduling duling na ako sa pagta-type ng pangalan ng mahigit isang daang bisita ni Mr.Calisang at Ms.Sophia.
Mukhang mag o-overtime kami lahat ngayon a?
“Snack muna kayo!”Mula sa monitor nag angat ako ng tingin sa sumigaw.
Si Ben na may bibit na malaking tray na puno ng snacks. Namangha ako nang makitang nakasuot siya ng uniform ng Chef.
Woah! This is the first time na nakita ko isyang suot na ganon.
“Kain muna tayo, Bridget.”Yaya ni Ria kaya tumango ako at tumungo sa lamesa.
Wala na kaming oras para bumaba ng Cafeteria dahil sa dami ng aasikasuhin. Isama mo pa na next week na ang kasal nila at kailangan maging maayos iyon.
Parang kakailanganin ko na ng Anti-Radiation na salamin baka lumabo na ang mata ko kaka-computer.
“This is for you, Bridget.” Nakangiting inabot ni Ben ang naiibang snack sa lahat.
“Woah! Bakit siya lang yung may ganyan huh? Ikaw ha! Napaghahalataan.”Tukso ni Cris na kinailing ko.
Humalakhak siya na kinawala ng mga mata niya.
“Sorry ka, Mas maganda kasi sayo si Bridget kaya ganon.”Natatawang sambit niya kay Cris.
Umingos lang si Cris at hindi sumagot habang ang mga kasama naman namin ay nagsitawanan sa mukha ni Cris.
Habang ako namumula ang pisnging kinain ang snack na inabot sa akin. tahimik lang ako kumakain at paminsan minsan nakikisali sa Kwentuhan nila.
“Okay guys! let's all go back to work!”Tamad na tumayo ako mula sa upuan at bumalik sa cubicle ko para ipagpatuloy ang mga invitation.
“Hindi ka pa uuwi Bridget?”Tanong sa akin ni Cris.
“Hindi pa mauna na kayo ni Ria.”Tugon ko habang nakatuon ang mata sa screen.
Konti nalang to’ kaya ko tong tapusin ngayong araw, para bukas iba naman ang gawin ko.
“Okay.”Nagpaalam sila sa akin na tanging tugon ko ay tango habang nakatuon pa din ang pansin sa in-eedit na wedding invitation.
Madilim na ang paligid ng tumayo ako konting cubicle nalang ang nakabukas ang ilaw na mukha nag-overtime din katulad ko.
Naguunat na pumunta ako sa maliit na kitchen para magtimpla ng kape.
Medyo natagalan ako sa pagtitimpla dahil nag init pa ako ng tubig.
Tinawagan ko muna si Ate Lina habang nagaantay.
“Hello Ate Lina?”
“Hello Ma’am.”
“Pakisabi naman po kay Stefanos na baka gabihin ako ng uwi, Madami po kasing trabaho ngayon.”Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Stefanos.
“Mommy?”
“Hey Baby..”
“What time ka po uuwi dito?”I cleared my throat at pinatay ang initan ng tubig ng kumulo.
Inipit ko sa pagitan ng tenga at braso ang phone habang nagsasalin ng mainit na tubig.
“Baka late na ako makauwi Stefanos, Madami kasing work ngayon si Mommy..”
“Ahh okay.”Malungkot na sabi niya sa kabilang linya.
“You eat dinner with Ate Lina okay? Don’t wait for me. I promise I’ll buy you Jollibee and Toys on weekends.”
“Really!?”I chuckled ng marinig ang masaya niyang tono.
Mababaw lang talaga ang kaligayahan ng anak ko.
“Yes, baby, So don’t be stubborn and listen to yaya okay?”
“Yes Mommy! I’m a Good Boy kaya!”
“Allright! Bye na baby.. I need to go back to work.”
“Okay, I love you Mommy.”My heart flutter.
“I love you too Baby.”
Bitbit ang mug Bumalik ako sa cubicle, Pero napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ang isang bulto na nakaupo sa Swevil chair ko at may kung anong ginagawa.
Shet! Hindi kaya magnanakaw yun? Iniwan ko pa naman ang wallet ko dun!
Hindi ko matanaw ang mukha ng bultong yun dahil sa dilim.
Nilibot ko ang paningin sa buong department at nakitang wala ng ni-isang nakabukas na ilaw sa cubicle maliban sa cubicle ko.
Kabado pero tahimik akong tumungo palapit sa taong yun.
“Aaaa! Magnanakaw!” Sigaw ko at binuhos sa kanya ang mainit na kape.
“Ah! s**t! Hot!”
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Mr.Eastaugffe pala yun.
“H-ala, Sorry po Mr.Eastaugffe!”
“Ah! f**k!” Halos Nagtatalon siya habang sapo ang mukha at leeg.
Shems! Saktong pagkabuhos ko humarap siya. Nataranta akong lumapit sa kanya at hinila ng isang Swivel chair. Sa sobrang taranta at kaba ko hinila ko ang Swivel chair niya palapit sa akin.
Kinuha ko ang bimpo sa bag ko at binuhusan ng tubig na malamig sa cooler ko.
“Let me.”Kabadong saad ko sa kanya. s**t! Pano kapag nalapnos yung gwapo niyang mukha?
For sure wala na akong kawala.. Mapapatalsik na talaga ako dito sa Crown Inc.
May free na kaso pa tapos hindi ko pa mahahanap ang ama ni Stefanos.
Na-Guilty ako nang tinanggal niya ang kamay mula sa mukha. Namumula mula ang buong mukha niya at medyo nalapnos ang ibang bahagi. Ang sa bandang leeg naman niya namumula lang at walang lapnos.
“I-m S-orry S-ir Akala k-o K-asi magnanakaw.”Hindi ko alam kung pano pagdu-dugtungin ang mga salita habang dinadampi ang malamig na towel sa mukha niya.
Tahimik lang niya akong pinagmamasdan.
“Aray.”
“S-orry.” Ginaanan ko lang ang dampi sa may lapnos niya.
“Sir, Tingala po.”Tinaasan niya ako ng kilay kaya napangiwi ako.
“Ay! Wag na po pala.” Aniya ko pero tumingala pa din siya. Dinampian ko ang leeg niya ng towel.
Gumalaw ang adams apple niya. Hindi ko namalayang napapasabay na ako sa bawat paglunok niya.
“Okay na Sir, Masakit pa po ba?” Kabadong tanong ko.
“Tss. Ikaw kaya hagisan ng mainit na tubig sa mukha, tapos tanungin din kita kung masakit pa.”Masungit na sabi niya.
Natural lang na ganon maging reaction nya. Ako naman kasi yung may kasalanan.
“Sorry po talaga Sir.”Paghihingi ko ng tawad. Nahigit ko ang hininga ng bigla niyang hinila ang Swivel Chair ko dahilan para magdikit ang mga hita namin.
“Let’s eat dinner. Pambawi mo na ‘to sa nagawa mo.” Lumayo ako ng bahagya ng mapansing ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa.
“P-ero Hindi pa ako tapos sa trabaho.”
“So? Continue that tomorrow.”Pinal na saad niya at nilapit ang mukha sa akin.
“S-ir..”Utal na sabi ko.
“See my face? Kasalanan mo kung bakit ganyan yan. You owe me.” Wika niya at lumayo.
Hindi ko namalayang nagpipigil na pala ako ng hininga.
“Okay.”I sighed and stood up para ayusin ang mga gamit ko. Naka-cross arms na tumayo siya at pinanood ang ginagawa ko.
Minsan minsan napapansin ko ang paghawak hawak nya sa mukha na parang iniinda ang sakit.
Kagat labing binitbit ko ang briefcase at shoulder bag bago humarap sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumuso.
“Done?”
Tumango ako.
“Okay, let’s go” Expected kong mauuna siyang maglakad sa akin pero hindi.. Sinabayan niya ang mababagal kong lakad. Tahimik lang kami habang nagaantay bumukas ang elevator.
Mas lalo akong na-konsensya ng mapansin mula sa reflection ng pinto ang pag ngiwi niya. Shet! Kailangan kong bumawi kay Sir. Ayoko mapatalsik.
Paglabas namin napansin kong wala ng tao sa lobby kundi ang guard na pinapanood kaming maglakad.
Binati kami ng guard, Akward na ngumiti ako sa kanya ng mapansin ang mapangasar niyang ngisi.
Seriously Kuya Guard? Kung alam mo lang na may nagawa akong malaking kasalanan sa Ceo ng kumpanya baka ikaw pa mismo magtapon sa akin palabas.
“Where do you want to eat?” Tanong nya ng makapasok ako ng Passenger seat.
I thought yung nakaraan ang una at huling beses na makaka-sakay ako sa sports car niya pero look at me now.
Sinuot ko ang Seatbelt.
“Kahit saan.”Sambit ko. Sana sa mumurahin lang ako dalhin ni Sir. Wala akong money. Mukhang magagastos ko ang perang nakalaan para sa Jollibee at toys ni Stefanos.
Kinagat ko ang labi para hindi matawa ng mag search si Mr.Eastagffe sa dashboard niya ng ‘Kahit saan Restaurant’
“See? Walang kahit saan na restaurant, So Answer me properly. Where do you want to eat?” Ngumuso ako.
“Wala akong alam na Restaurant Sir.”Nakangiwi kong sabi sa kanya makalipas ang ilang Segundo.
“Okay, Ako na nga ang bahala.”Kumamot siya sa ulo at binuksan ang engine.
Pasado alas otso na nang makarating kami sa isang Filipino Restaurant na kinahinga ko ng maluwag.
Akala ko sa mga Italian Restaurant nya ako dadalhin.
Sabay kaming lumabas ng sasakyan nang ma-park niya ng maayos.
Mukhang suki si Mr.Eastaugffe dito dahil may nakalaan na lamesa para sa kaniya at binabati siya ng bawat staff na makakasalubong namin.
“Magandang gabi! Ano po ang order niyo Ginoo at Binibini?” I chuckled nang magsalita ng pure tagalog yung waitress.
The whole restaurant vibe a Filipino culture.
Nakasuot ng saya ang mga babaeng staff habang nakabarong naman ang mga lalaking staff. Ang lamesa at upuan ay gawa sa bamboo stick.
Maging ang menu nila ay filipinong Filipino ang dating! Kakaiba din ang mga plato at utensils nila dito. Natanaw ko kanina sa ibang kumakain na nasa dahon ng saging na naka-korteng parang plato.
Ang baso naman ay gawa sa Bamboo din kagaya ng lamesa at upuan. Ang mga pagkain na hinahain nakalagay sa Bilao.
Ngayon lang ako nakakita ng gantong Klaseng Filipino Restaurant, Dapat ganito ang mga Restaurant dito sa Pinas. Yung sariling atin hindi yung sa ibang bansa ang tinatangkilik.
“Isang order ng Menudo then three cup of Rice. Samahan mo na din ng Sinigang sa akin.” Sambit ni Sir sa Waitress.
“Inumin Ginoo?”
“’Just Water.”
“Dessert?”
“None.”
“Ikaw, Binibini ano ang nais niyong kainin?” Sumulyap ako sa Menu.
“A-hm Isang order ng Kare kare tapos Sinigang, for drinks Tubig nalang at sa Dessert wala din.”Tuloy tuloy na sambit ko.
“Mag antay lang po kayo ng mahigit kinse minutos para sa inyong mga pagkain.Salamat.”Pagka-alis na pagkaalis ng Waiter hindi ko mapigilan ang tawa na kanina pa gustong lumabas sa bibig ko.
“What’s funny?”Natikom ko ang bibig ko ng mapansing kasama ko plaa si Mr.Eastaugffe.
Kumikislap ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako at nakataas ang sulok ng labi.
“Hehe, Wala po yun Sir.”Napakamot ako sa ulo.
“We’re outside the company so, just call me Eros.”
“Nakakahiya naman po Sir.”
“Marunong ka palang mahiya?”Natulala ako sa tanong niya.
“H-uh?”Joke ba yun?
“Wala! Basta tawagin mo nalang akong eros. If I hear you say Mr.Eastaugffe, Sir.Eastaugffe, Sir.Euandross you are fired, do you understand?” Napansin kong namula ang pisngi niya. Siguro dahil sa kape.
“Okay, E-ros.”Muntik ko ng masabi na Sir. Eastaugffe buti napigilan ko. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Okay ka lang ba? Kailangan ata natin ipa-check up yung mukha mo.”Sambit ko nang bigla siyang napahawak sa mukha at napangiwi.
“Nah.. It’s okay.”Tipid na sabi niya pero obvious naman na hindi okay.
Hindi ko napigilan at kinuhanan ko ng litrato ang mga pagkain dahil sa ganda ng pagkakaayos. Pinoy na pinoy!
Tahimik lang kami na kumain kaya nang matapos kami kumain akmang ia-abot ko sa babae kung magkano nagastos sa pagkain ng inabot na ni Mr- I mean Eros ang black card niya.
Wala na akong nagawa kundi ilagay sa bag ang wallet.
“Si- I mean Eros pwede bang dumaan muna tayo ng Pharmacy?”Tanong ko sa kanya nang paandarin niya ang sasakyan. Lumingon siya at binalik muli ang tingin sa daan.
“Why?”Kunot noo niyang tanong.
“May bibilhin lang ako.”
Tumango siya.
Hininto niya ang sasakyan sa tapat ng pharmacy na bukas.Ako lang ang pumasok sa loob at naiwan siya sa sasakyan.
“Anong binili mo?”Tanong niya pagkapsok na pagkapasok ko sa sasakyan.
“Ah.. Actually para sayo ‘to E-ros.”Nag aalangan na sabi ko.
“Sa akin?”Gulat na tanong niya. Tumango ako.
“Oo, Napapansin ko kasi kanina yung pag ngiwi mo sa sakit kaya binilhan kita ng antibiotics at ointment”May dumaang emosyon sa mga mata niya pero hindi ko malaman kung ano yun.
“Twice a day, iinumin yung Antibiotics Morning and Evening. Yung Ointment mas mabuti na palagi mo siyang nilalagyan para mawala ang mga lapnos.”Dagdag ko pa dahil tahimik lang siyang nakatitig sa akin.
I sighed at kinuha ang Ointment sa paper bag.
“Lapit ka E-ros.” Kailan ba ako masasanay na tawagin siyang Eros?
Tahimik niyang nilapit ang mukha sa akin.
Magaan na dinampian ko ang mga lapnos sa mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin habang ginagawa ko yun.
Para siyang bata. Naalala ko si Stefanos sa kanya, Ganto na ganto din kasi ang Expression ng anak ko kapag ginagamot ko ang mga sugat niya.
“Done!”Masaya kong wika.
“Thank you.”Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin. Ngumuso ako sa kakaibang expression niya at binalik ang Ointment sa paper bag.
“Oh! Sayo na yan.. Ilalagay ko dito para maalala mo okay?”Sambit ko at nilagay sa parang drawer niya.
He nooded and smile.
“Saan kita ihahatid?” Tanong niya.
“Kahit sa terminal nalang ng jeep E-ros malapit lang naman ang bahay ko dito.” Baka makita pa ni Stefanos na hinatid ako ng isang lalaki dito. Paniguradong tatanungin ako ng batang yun,
“No, Ihahatid na kita.”
“Hindi na, Next time nalang. Bye na E-ros thankyou sa dinner at Sorry kasi nabuhusan kita ng. kape.”Nagma-madaling kinuha ko ang mga gamit at lumabas ng sasakyan.
“Hey!”Rinig kong sigaw niya pero nagdire-diretso ako sa paglabas. Sakto naman may dumaan na jeep papunta sa amin.
“Whoa!” Muntik na yun. Sinilip ko ang bintana at nakita kong nakatayo na siya sa labas at nakapamewang na nakatingin sa akin. I just smile cheekily and wave my hand.
Hindi pa masyado malayo ang sasakyan kaya nakita ko ang pagtaas niya ng kilay sa ginawa ako.
Kinalkal ko ang wallet at nag abot ng bayad.