His past
KATULAD ng nakagawian noon,
gumising ako ng maaga para maghanda sa pagpasok sa opisina. Tumingin ako sa salamin bago umalis.
“Parang nangitim ata ako.”Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang balat. Nakasuot ako ng itim na skirt at blazer na puti.
Pagkatapos ng ilang minuto na pagpuna sa suot,Lumapit ako kay Stefanos na mahimbing ang tulog at hinalikan sa noo bago binitbit ang briefcase palabas ng apartment.
“E-ros.”Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita si Eros na nakasandal sa gilid ng apartment ko.Mabilis kong sinara ang pinto at walang sabi sabi na hinila siya pababa.
“Hindi mo man lang sinabi na susunduin mo ko.”Aniya ko habang pababa.
Ngumisi siya.
“Hindi na surprise kung sinabi ko sayo.”Napailing ako sa sinabi niya at nakahinga ng maluwag dahil hindi siya nagtanong kung bakit taranta ko siyang hinila pababa.
Pinagbuksan niya ako ng pinto.
“Thank you.”Nakangiti kong wika.
“You’re welcome.”He whispered after giving me a peck kiss.
“Ang aga aga! “Pinandilatan ko siya pero tinulak niya lang ako pa upo sa passenget seat at umikot papunta sa driver seat at pumasok.
“I am addicted to your kisses.”He huskily said.
Hinampas ko ang mukha niyang papalapit na naman sa akin para sa isang halik.
“Mag-drive ka na! Baka ma-late pa ako.”Saad ko.
Umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay.
“It’s okay,I am the boss.”Mayabang na sabi niya at binuksan ang engine.
“Wow! Kailan ka pa nag malaki ng ganyan?”Puna ko.Ngumisi siya at sumulyap sa akin bago binalik ang tingin sa daan.
“Ngayon lang naman.”Natawa ako sa sinabi niya.
“Did you eat Breakfast?”He asked nang may madaanan kaming Fast Food Chain.
“Yep!You?”Tanong ko.
“Of course,Breakfast is the most important meal of the day!”Sabi niya at kinapa ang kamay ko gamit ang kanang kamay.
Ang kaliwang kamay niya nakahawak sa Steering wheel.Pinagsiklop namin ang daliri. Pinaglalaruan ko ang palad niya habang nasa byahe.
“Half-siblings mo pala si Ben?”Tanong ko sa kanya nang maalala ang pinagusapan namin ni Ben sa isla.Kunot noo siyang bumaling sa akin bago tumingin uli sa daan.
“How did you know?”Takang tanong niya.
So nagsasabi nga ng totoo si Ben.. Pinisil ko ang mahaba niyang daliri.
“He told me.”Aniya ko at pinagmasdan ang reaction niya.Kinagat niya ang ibabang labi habang salubong ang kilay na nakatingin sa daan.
“Tss. It’s just nothing.. Don’t think about it.”Pag iiwas niya.
I sighed at pinagalaruan muli ang palad niya.
“Ayaw mo ba sa Step Mom and Brother mo?”Bumuntuhinga siya.
“Let’s not talk about it now.”Nagtitimping sabi niya.
“Hindi mo ba sila mapapatawad?”Masuyong sabi ko.
Natahimik ako nang inis niyang hininto ang sasakyan sa gilid at galit ang mukha na humarap sa akin. Ang kamay niyang pinaglalaruan ko ngayon nakayukom na ang kamao sa galit.
“Why the f**k are you asking nonsense question!?Huh!?Did Ben told you that!?Bakit ka nanghihimasok sa buhay ko!Sino ka ba!?” Bulyaw niya sa akin.
Binitawan ko ang kamay niya.
“I am here to help you! I just want to help!”I yelled. Tumalim ang berde niyang mata.
“Help? DON’T f*****g NEED YOUR HELP.”Matitigas na bigkas niya habang matalim na nakatinggin sa akin.
Tinapunan ko din siya ng matalim na tingin.
“Hindi aayos yang buhay mo kapag may galit ka diyan sa puso mo!Madali lang naman magpatawad pero hirap na hirap ka!”Dinuro ko siya.
Tumiim ang bagang niya at nagaalab ang mata tiningnan ako.
“Hindi madali yun! You don’t know anything! Huwag kang magsalita na feeling mo alam mo ang lahat! GET OUT!”
Galit na hinaklit ko ang bag at marahas siyang tiningnan.
“Oo! AAlIS AKO!Hindi ko kailangan ng sasakyan mo!Tss.”Padabog kong binuksan ang pinto at galit na sinara ang pinto.
Matalim ang mata tiningnan ko ang sasakyan niya na papalyo sa akin. Inis ko ng pinasadahan ang buhok sa galit.
I checked my wrist for the time.
6:40 am.
“s**t! 10 minutes nalang late na ako!”Tumingin ako sa gilid at pumara nang may nakitang paparating na jeep.
BInuksan ko ang phone matapos magbayad,Nag message ako kay Ria at Cris na ma-lalate ako. Tumingin ako sa bintana para magpahingin.
I badly need fresh air para mabawas bawasan naman ang init ng ulo ko.
Ang OA niya! Nagtatanong lang ako pero nagalit agad. Siya na nga itong tinutulungan para magkaayos sila nila Ben siya pa itong galit.
Stupid siya! Stupid!
Akala niya kung sino siya! Wala akong pake kahit Ceo pa siya ng kumpanya,Baka masupalpal ko lang ang mukha niya sa inis kapag nakita ko siya mamaya.
Lakas ng loob na sunduin ako sa apartment tapos nag away lang ng konti pinababa na ako .
Kapal talaga ng mukha ng lalaking yun! Nakakainis!Nakakairita!Nakakabadtrip! Gago siya!gago siya!’
Inis na lumingon ako ng may kumalabit sa likod ko.
“Miss,Yung buhok mo nakakain ko na..Pwede bang itali mo yan.”Naiiritang wika ng mukhang college student sa harap ko.
Tinaasan ko siya ng kilay sa tono niya.
“'E bakit kasi buhok ko yung kinakain mo imbes na yung buhok mo nalang huh? Tapos aangal ka sa akin na nakakain mo na buhok ko? 'E gaga ka pala e! HUWAG mo kasing kainin ang buhok ko!”
Bulyaw ko sa kanya dahil kung bakit siya na paatras.
Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng ibang pasahero.Nakakainit ng ulo e! Ang aga aga!
“Miss,Ang ibig kong sabihin,Nililipad ng hangin yang buhok mo at nakakain ko na.”May bahid na inis na sabi niya.
“Aba! Kasalanan ko ba kung bakit nililipad ng hangin ang buhok ko?Sisihin mo yung hangin dahil sa buhok ko pa napiling ihipin! Huwag mo ibintang sa buhok kong walang kaalam alam yang mga binibintang mo!”Tuloy tuloy na talak ko sa babae na nakangiwing tumingin sa akin.
Napatingin ako sa ibang pasahero na nagbubulong bulungan na.
Inis na dinuro ko sila.
“Oh!Kayo?Anong binubulong bulong niyo diyan? Mga chismosa! Pag-chismisan niyo yung sarili niyong buhay! Huwag yung buhay ng iba! Mga chismosa! Oh ikaw na malaking ilong ka! Bakit ka ganyan makatingin huh? Bago ka tumingin ng masama sa akin siguraduhin mo munang matangos na yang ilong mo!Pwe! Makaalis na nga sa toxic na jeep na ito!” Padabog na tumayo ako nang huminto ang jeep sa tapat ng kumpanya.
Dinig ko ang mga sigaw nila sa akin pagbaba ko pero wala akong pakialam
Sinuklay ko ang mahabang brown na buhok at pinunasan iyon baka may bahid pa ng laway ng babaeng kumakain ng buhok ko.
Nagpabango muna ako bago pumasok, Binati ako ng Guard at pinuna na late ako.
“Sisihin mo yung Ceo nitong kumpanya at mga tao sa Jeep kung bakit ako na late tss.”Masungit na sabi ko at malalaki ang hakbang na tumungo sa elevator.
7:30 am
na nang bumukas ang pinto ng elevator, Kahit late taas noo pa din akong tumungo sa cubicle ko.
“Bakit ang dami?”Inis na tanong ko kina Cris nang makitang tambak ang Gawain sa lamesa ko. Ngumiwi sila sa akin.
“Hindi namin alam..Basta dinala nalang lahat ito ng Secretary ni Sir Eastaugffe.. Tapos alam mo ba mukhang badtrip si Sir dahil dinig na dinig namin mula dito ang galit na sigaw niya tuwing may nagkakamaling emplayado.”
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Cris bagkus pagod na umupo sa swivel chair at sumandal.Hinilot ko ang sintido habang nakatingin sa tambak na papeles sa lamesa ko.
Nag unat ako bago sinimulan ang mga papeles.
Binunton ko ang inis na nararamdaman sa ginagawang trabaho,ni hindi ko nga magawa na makipag usap kina Cris sa sobrang frustration na nararamdaman.
“Oh!Kape.”
“Thanks.”Wika ko at hindi nag angat ng ulo.
Hinilot ko ang batok nang mangalahati sa mga papeles.
“Mag-lunch muna tayo Bridget!”Tumango ako sa yaya nila Cris at kinuha ang wallet.
Hindi sila nagtanong kung bakit badtrip ako bagkus sinasabay nalang ako sa kanilang trip habang nasa loob ng elevator.
Kokonti lang ang tao na nasa Cafeteria,Nauna sila Bridget pumila at nahuhuli ako.
“Bad mood?”Nakangiting tanong ni Ben.
Sumimangot ako sa kanya at tumango.
“Nag away kayo no?”Nakangisi niyang tanong.
“Pano mo nasabi?”
“Nakasalubong ko siya papasok kanina.. Badtrip..”Umiiling na sabi niya.
Napairap ako sa sinabi niya.
“Tss.Huwag mo nga paalala yang hudyo mong kapatid naba-badtrip lang ako.”Inis na sabi ko at tumalikod para pumunta sa lamesa.
Tahimik lang akong nakikinig kina Cris nang may naglapag ng Bouquet sa ibabaw ng lamesa nag angat ako ng tingin kung sino yun at napairap nang makita siya.
Maamo ang expression ng mukha na umupo siya tabi ko.
Mula sa gilid nang mata ko nakita kong dahan dahan na nakangiting umalis sina Ria sa lamesa at lumipat sa bakanteng lamesa.
Hinawakan ko ang tray at akmang susunod kila Cris nang hawakan niya ang pulso ko.
“Sorry.”Mahinang sabi niya at pinaupo ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Sorry kasi iniwan mo ko sa gitna ng daan ganon?”Sarcastic na sabi ko. Namutla siya at nagmamakawaang tumingin sa akin.
“And sorry about that.. I need to calm myself..Baka ano pang magawa ko sayo kanina kung hindi ko ginawa yun.”Umiwas ako ng tingin sa kanya.
“Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko sa jeep kanina!”Inis na sabi ko sa kanya. Hinarap niya ang mukha ko sa kanya at tinitigan ako sa mata.
“What happened?”Nag aalalang tanong niya.
“May nakaaway kasi ako ng babae.”
“Are you okay? Did she hurt you.”Chineck niya ang katawan ko.
“Nah.. I’m fine.. Tss. Naiinis pa din ako sa ginawa gawa mong pag sigaw at pagiwan sa akin kanina.”
Pango-gonsensya ko sa kanya.
Kahit napawi na talaga lahat ng inis at galit ko dahil sa magagandang bulaklak na nasa harap ko.
“I’m sorry..Promise babawi ako ..”Malamlam ang matang humawak siya sa kamay ko.
Ngumuso ako at tumango.
“Thank you!I promise I'm not going to do it again.”
PAGKABALIK ko sa cubicle kokonti nalang ang mga papeles na nandoon. Umiling ako at uminom sa tubigan. Nagpahinga muna ako saglit bago tumuloy sa trabaho.
“Everyone!Lahat daw pumunta sa Conference room sabi ni Mr.Eastaugffe.”Anunsyo ni Josefina.
Huminto kami lahat sa pagtratrabaho at tumungo sa conference room. Pagkapasok ko sinenyasan ako ni Eros na umupo sa gilid niya.
Nagpaalam ako kila Cris na doon ako uupo,nang pumayag diretso akong umupo sa tabi niya.Agad niyang pinagsiklop ang mga kamay namin sa ilalaim ng lamesa.
Pinandilatan ko siya pero kinindatan lang ako ng hudyo.
Nang kumpleto ang lahat at maayos ng nakaupo, Tumikhim si Eros at pinasadahan ang tingin samin.
“Pinatawag ko kayong lahat,Para ipaalam na sa dadating na malaking grand ball na dadaluhan ng mga kilalang tao ay tayo ang mag oorganize.”
Pumalakpak kami at gumuhit ang mga ngiti sa mga labi.
“Sa susunod na buwan na gaganapin ang Grandball,You’ll need to start preparing for the event. Nasa mga papel na nasa tapat niyo nakalagay ang detalye sa Grandball.”
Inabot ko gamit ang kanang kamay ang papel dahil hawak ni Eros ang kaliwa,Ngumuso ako habang binabasa ang detalye.
Mukhang mahihirapan kami dito dahil malaki ang event area at maraming artista at Buisness man ang dadalo.
Pinaliwanag sa amin ni Eros ang iba pang detalye sa meeting.
HHINIHILOT ANG BATOK na pumasok ako ng apartment bitbit ang bulaklak at Bouquet,Hinatid ako ni Eros pauwi. Masyado akong napagod ngayong araw dahil sa dami ng trabaho.
Isama mo pa ang pag uumpisa namin sa pagpla-pano sa Grandball.
“Mommy!”Yumakap sa binti ko si Stefanos ng makita ako,Binaba ko ang bulaklak sa gilid at nags-squat.
“Why are you still awake Baby?”I asked. He pouted.
“Cannot sleep Mommy!”Ungot niya pero na ang mata sa antok.
BInuhat ko siya,agad niyang sinadal nang ulo sa balikat ko.SInenyasan ko si Yaya na paikayos ng bulaklak at gamit ko.
“Tulog na..”Hinele hele ko si Stefaos hbaang hinahaplos ang likod niya.
Tahimik lang ako habang inaantay siyang makatulog.
Napangiti ako ng maramdaman ang bigat sa balikat. Hinaplos ko ang ulo niya at niyakap saglit bago dahan dahang binaba sa higaan.
Inayos ko ang unan niya at kinumutan siya para hindi lamigin.Dinungaw ko siya at hinalikan ang noo.
“I love you Baby..”I whispered.
“SINABI MO na ba kay Eros ang tungkol sa kanya?” Sumulyap ako kay Stefanos na busy sa binigay na regalo ni Ben.
Simula nang ipakilala ko si Ben kay Stefanos,Halos araw araw bumibista ng hindi ko alam si Ben sa apartment.Magugulat nalang ako pagkauwi ko galing trabaho na magkwe-kwento sa akin si Stefanos na nakipaglaro siya kay Tito ben niya.
Buti nga hindi pa ito pinapatalsik ni Eros sa kumpanya dahil lagi nalang wala.
I sighed.
“Humahanap pa ako ng tyempo kung paano ko sasabihin,Ben.”Sumimangot siya sa akin.
“Sasabihin mo lang,Hirap na hirap ka na?”Sinamaan ko siya ng tingin.
“Hindi madali yun 'no! Ano yun lumapit ako tapos sabihin ko na may anak siya ganon?”Inirapan niya ako.
“Hayys!Bahala ka nga! Basta just call me kapag hindi naging maganda ang reaksyon ni Eros.”Inatake ako ng kaba sa sinabi niya.
Mapapatawad naman ako ni Eros diba?
“Anyways,Kailanan ang Birthday ng bulingit na yun.”Nguso niya kay Stefanos
Inisip ko ang araw ngayon.
Third week of February..
“Shems! Malapit na pala.”Napasabunot ako nang maalala.
“Kailan?”
“Sa March 15.”
“Anong plano mo?”Tanong niya.
Napakagat ako sa pang ibabang labi.
“I dunno?”Napairap siya nang marinig ang sagot ko.
“How about..Ipakilala mo sa Daddy niya?”Nakangisi niyang suggestion.Binatukan ko siya ng malakas.
“Edi ikaw magsabi! “
“Aray naman!Nag-susuggest lang 'e.”Yamot na sabi niya.
“Siguro..Simpleng party lang.”Sambit ko.
Tumango tango siya.
NAGBABASA AKO ng mga bills nang tumunog ang phone ko,Sa pag aakalang si Eros mabilis ko iyong sinagot.
“Hello?”Nakangiting sabi ko.
“Hello,Bridget.”Napasimangot ako nang marinig ang boses ni Cris.
“Bakit ka napatawag? Kakakita lang natin kanina a?”Sabi ko dahil kakauwi ko lang galing sa opisina.
“Let’s go to the Bar!!”Hiyaw niya sa kabilang linya.
“Bar?Anong gagawin natin doon?”Tanong ko sa kanya at lumabas ng apartment nang makitang gumalaw si Stefanos.
“Malamang Bridget,Magpapakasaya! Alangan naman magdasal tayo dun diba?”Napairap ako sa pambabara niya.
“Ayoko,Tinatamad ako.”Pagdadahilan ko.
Natahimik siya sa kabilang linya.
“Hoy Babaita! May utang ka pa sa amin na bar ni Ria! Simula ng maging kayo ni Eros hindi mo na kami pinapansin.”
“Sorry,Saang bar ba?”Narinig ko ang pagtili nila ni Ria sa kabilang linya.
Sinagot ko na si Eros last week,Isa iyon sa tamang desisyon na ginawa ko buong buhay kasi pinaparamdam niya sa akin sa bawat araw kung gaano niya ako kamahal.
Siya ang unang nagpapakumbaba kapag nagaaway kaming dalawa,Siya din ang unang humihingi ng tawad kahit ako ang may kasalan.
He’s Sweet yet possessive, He hated it when I am talking with my Male officemate. Ayaw na ayaw niya na kumakausap ako ng ibang lalaki dapat daw siya lang.
Ewan ko ba,I think it’s cute.. Hindi ko alam kung bakit nasasakal ang ibang babae sa pagiging seloso ng mga kasintahan nila.
Pinagseselosan din ni Eros si Ben tuwing kinakausap ako nito habang kumukuha ng pagkain.Meron pa ngang time na basta na lang niya ako hinila palayo kay Ben na kinatawa ko nalang.
Ginising ko muna si Yaya at sinabing lalabas muna ako saglit, Nagsuot lang ako ng simpleng bodycon bago lumabas.
Hindi na ako nagabala mag-make up kaya nag lipstick nalang ako.
Tinext sa akin ni Cris kung saang bar,Doon nalang daw kami magkita kita.
Nilagay ko sa bag ang phone at bumaba ng taxi nang walang nakitang Text ni Eros.Siguro nasa byahe palang iyon pa-uwi.
“You’re here!!”Nangigigil na niyakap ako ni Cris at Ria na nakatayo sa labas ng bar.
“Let’s go!”Napailing ako sa excited nilang mukha at hinayaan silang hilahin ako.
Pinakita namin ang ID namin bago pumasok sa loob.
Umorder kami ng alak nang makaupo sa bakanteng lamesa sa tapat ng dance floor. Tahimik lang ako nakatingin at patawa tawa kina Ria at Cris.
Hinila nila akong dalawa sa dancefloor,Hindi na ako naka angal nang nakatapak na kami sa sahig ng dancefloor.
“Come on Bridget, Dance!”Natatawang sigaw ni Cris at Ria habang umiindayog ang katawan ng mga ito.
Habang ako para akong tuod na nakatayo lamang sa gitna ng dancefloor,It’s been a while simula ng makatungting ako sa Bar.
Hindi na ako pumunta sa mga ganto simula ng ipanganak ko si Stefanos. Ofcourse,Hindi ka na dalaga para mag enjoy. May anak ka na napapakainin.
Nahihilong bumalik ako sa lamesa namin,Medyo umiikot na ang paningin ko dahil sa dami ng nainom.
Yumakap ako sa isang unan sa inuupuan ko at sumandal sa couch.
“WHAT THE HELL!”Naalimpungatan ako nang may bumuhat sa akin.Inaantok na minulat ko ang mata.
“E-ros?”Aniya ko at hinaplos ang mukha niya. Seryosong tiningnan niya ako at tumingin sa daan.
The last thing I know,Sinakay ako ni Eros sa sasakyan niya.