The pain he hide
NAGISING AKO sa hindi pamilyar na kwarto, Bumangon ako at inatake ng kaba akmang tatakbo sana ako palabas ng kwarto nang dumapo ang mata ko kay Eros na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Nakahinga ako ng maluwag at dumapa sa kama. Pinagmasdan ko ang payapa pa niyang mukha habang natutulog. Maya maya gumalaw ang pilik mata nito senyales na gising na siya.
Unti unti siyang nag mulat ng mata.
“Good Morning!”Malambing na bati ko at pinatakan siya ng halik.
Ngumisi siya sa ginawa ko at inabot ako para yakapin.
“Hmm..What a great morning greet.”I chuckled.
Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at inamoy amoy ang leeg ko.
“Aso ka ba?”Natatawa kong sabi. Humiwalay siya at tiningnan ako.
“Hindi,I am your Boyfriend.”Pinisil ko ang ilong niya.
“Ang aga aga,Ang corny mo!”Ngumuso siya.
“Kinilig ka naman Tss.”
Tumawa lang ako sa kanya at bumangon.Pinasadahan ko ng tingin ang bawat sulok ng kwarto dahil ngayon lang ako nakapunta dito.
Kunot noong nilingon ko si Eros na pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko.Nakaupo na ito at nakasandal ang likod sa head board.
“Nasan tayo?bakit mo ko dinala dito?Pano mo nalaman na nasa bar ako kagabi?”Sunod sunod na tanong ko nang maalala na nasa bar ako kagabi kasama sina Cris.
Sumimangot siya sa akin nang marinig ang huli kong sinabi.
“Tss.Bakit ka nag bar kagabi huh? I thought you already sleeping when I got home so I didn’t disturb you. I was about to sleep when I heard news that you’re in the bar huh? Really bridget?Hindi mo man lang ako sinabihan?”Ramdam ko ang pagpipigil niya ng galit nang bigkasin niya ang mga iyon.
KInagat ko ang ibabang labi at marahan na umupo sa harapan niya. Tumingin ako sa mata niyang may bahid ng inis.
“I’m sorry,I forgot.. CRIS”Tinaasan ko ang boses ko nang makitang aangal siya “Niyaya ako nila Cris mag-bar,of course I said no..Pero pinaalala niya sa akin na may utang pa ako sa kanila na ililibre ko sila sa bar.”Pagkwekwento ko.
Tumaas ang kilay niya.
“Why would you pay for them?”Ngumuso ako.
“Nakipagpustahan kasi ako sa kanila,Ginigiit nila sa akin noon na may gusto kayong dalawa sa akin ni Ben. Syempre hindi ako naniwala..Hindi ako basta basta naniniwala sa action hanggang walang confirmation. I’ll pay for them kapag may umamin sa akin isa sa inyo if not they are paying for me,But you confessed diba? Kaya natalo ako.”Mahabang paliwanag ko.
“Tss.”Pagsuko niya at hinila ako para yakapin.
Napangiti ako dahil madali lang talaga lambingin si Eros,Marupok to pagdating sa akin.
I pressed my ear in his chest,I heard his heart beat.
Nag angat ako ng itngin sa kanya nang maalala na hindi niya pa sinasagot ang tanong ko.
“Where are we?”Yumuko siya at dinampian ng halik ang labi ko bago sumagot.
“You’re here in my Dad’s house..I’m sorry kasi dito kita dinala..Ito kasi ang pinakamalapit sa Kclub.”Namilog ang mata ko at tumingin sa berde niyang mata.
“Your Dad?So it’s means your Step Mom and Ben is also here?”Tanong ko sa kanya.Sumimangot siya sa akin nang marinig ang pangalan ni Ben.
“’So what if Ben is here huh?”Pagsusungit niya,Pinisil ko ang matangos niyang ilong at tumawa.
“Ang seloso! Nagtatanong lang naman.”Umingos siya.
“Hindi ako nagseselos.” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong niya.
“Hindi daw nagseselos..Bakit hindi ka makatingin sa akin huh?”Panunudyo ko.
Namula ang tenga niya.
“Ang kulit,Hindi nga ako nagseselos.”May bahid na inis na sabi niya at binitawan ako.
“Siraulo ka talaga Eros..Kapatid mo pinagseselosan mo, Huwag kang mag alala sayo lang ako kakalampag.”Unti unting nawawala ang pagkasungit sa mukha niya.Pagkuwan ngumiti siya sa akin.
“I know,I’m just teasing you.”Nakangising sabi niya.
Teasing you daw?'E totoo naman na nagseselos siya sus! Nahiya pa ang bb ko.
Napahawak ako sa tiyan ng biglang kumulo yun sa gutom,Nakanguso akong tumingin sa kanya.
Ngumuso din siya at sinundot ang tiyan ko.
“Are you hungry?”Nakangusong tumango tango ako sa kanya,Ngumisi siya.
“Wait,I’ll just take a shower.,”Mabilis siyang tumayo at pumasok ng banyo.
Nilibot ko ang paningin para hanapin ang purse kong dala,Mabilis ko iyong hinaklit at kinuha ang phone.
Napamura ako ng mahina nang makitang sandamakmak ang tawag at text ni Ate Lina sa akin.Si Stefanos! Paniguradong hinahanap na ako ng anak ko!
I need to go home!
Tinawagan ko si Ate Lina.
“Hello?”Mahina kong bulong habang nakatingin sa pinto ng banyo ni Eros na nakasara.
“Ma’am!Kanina ko pa po kayo tinatawagan! Si Stefanos po kas-“
Kinabahan ako sa narinig ko.
“Anong nangyari kay Stefanos!?”Pasigaw na bulong ko habang ang mata andon pa din sa pinto ng banyo.
“Kanina pa po siya naiyak,Hinahanap ka po niya simula nang magising siya.”Napakagat ako ng labi at parang may tumarak na kutsilyo sa puso ko nang marinig ko ang malakas na iyak ni Stefanos sa kabilang linya.
“Ate Lina, Pakiabot naman ng phone kay stefanos..Kakausapin ko.”Narinig ko sa kabilang linya na kinakausap ni Ate lina si Stefanos.
“M-ommy? I-s that you?”Lumunok ako nang marinig ang mahihina niyang hikbi.
“Yes Baby,This is Mommy.. Why are you crying?”Malumay na tanong ko habang binabantayan ang pinto ng banyo kung nasaan ang Ama niya.
“Y-ou’re not h-ere..A-akala k-o i-ni-wan mo a-ako.”Humihikbing sabi niya sa kabilang linya.
“M-ay importante lang na pinuntahan si mommy,I promise after breakfast I’ll go home..So don’t cry na Baby okay? You’re making my heart ache.”
“O-kay..I p-romise I will n-ot cry n-a.”
“Good Baby..I- hang up na, I love you..”Mabilis na sabi ko nang marinig ang paghinto ng tunog ng shower sa banyo.
“I love you too,Mommy”Sakto pagkababa ko ng phone bumukas ang pinto.Kunot noo niya akong tiningnan.
“Who’s that?”Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalik ang phone sa bag.
“Ah.Si Cris lang..Tinanong ko kung nakauwi ba sila ng safe.”Pagdadahilan ko.Ilang Segundo niya akong tiningnan bago tumango.
“Let’s go.”Tumango ako sa kanya at binitbit ang bag. Iiwan ko nalang ang madumi kong damit kagabi. Pinalitan kasi ako ni Eros ng damit kagabi dahil sinukahan ko daw.
Hawak niya ang bewang ko habang pababa sa hagdan nila. Nasa gitna kami ng hagdan nang matanaw ko si Ben kasabay kumain ang isang singkit na ginang at isang lalaki.
Mukhang ang Step Mom at Daddy ito Eros,Dahil hawig ni Eros ang kanyang ama at mukhang dito niya nakuha ang berdeng mata.
Napatigil sila sa pagkain nang makita kaming pababa,Sinulyapan ko si Eros na wlaang emosyon ang mukhang nakatingin sa kanila.
Hinapit niya ako papunta sa lamesa,Hinila niya ang bakanteng upuan at pinaupo ako.Akward na ngumiti ako sa Ama at Step Mom ni Eros dahil nakautuon ang pansin nito sa amin.
Samantalang si Ben naman nagtatanong ang mata na tiningnan ako.
Umupo si Eros sa tabi ko at may tinawag na maid na bigyan sila ng plato.Napatingin ako sa Ama ni Eros ng tumikhim ito.
“Hindi mo sinabi sa akin Eros na may Girlfriend ka na pala?”Tanong niya sa Anak na nakatingin lang sa akin habang hawak ang kaliwang kamay ko.
Nilingon ko si Eros na mukhang walang balak sagutin ang Ama,Sinenyasan ko siya na sumagot.
Aangal sana siyang pandilatan ko siya ng mata.
Sumimangot siya.
“Why would I tell?”Pinisil ko ang daliri niya dahil walang galang niyang sabi.
Nakita kong natigilan ang Ama niya.
“Eros..Huwag mo naman kausapin ng ganyan ang Ama mo.”Malumay na wika ng Step Mom ni Eros na hawak na ngayon ang braso ng asawa.
“You’re not my Mother to tell me that.”Iritang sabi ni Eros.Nanlaki ang mata ko.
“Eros!”Hindi ko na napigilan at sinaway siya. Umiwas siya ng tingin sa kanila at tinuon nalang ang mata sa baso.
“I’m sorry po sa kabastusan nitong katabi ko.”Paghihingi ko ng tawad sa kanila.
“Tss! Huwag ka ngang humingi ng tawad sa mga ganyan!”Hinila ni Eros ang kamay ko.
I sighed and looked at him with a pissed face.
“Tumahimik ka,Tatamaan ka sa akin!”Sumimangot siya at hinaplos ang kamay ko.
“Eros?Hindi mo pa din ba napapatawad si Mommy at Dad?”Ben suddenly asked.
Humigpit ang hawak ni Eros sa kamay ko dahilan ng pagtingin ko sa kanya.Nagtatagis ang bagang niya habang matatalim ang mata na nakatingin kay Ben na kalmadong nakatingin lang sa kanya.
“Do you need to asked that?Obvious naman diba?”Galit na sabi ni Eros.Kita ko ang pagpipigil niya sa sarili na huwag sigaw si Ben.
Hinaplos ko ang nakauyukom niyang kamao para kumalma.
“Eros,It’s been almost a decade now..Can you forgive your Dad?”Nangungusap na tanong ni Mr.Eastaugffe kay Eros,Ang Step Mom naman ni Eros ay malungkot lang na nakatingin sa kanya.
Nagtaas baba ang dibdib ni Eros habang nakatingin sa Ama,Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin.
“Hey..Calm down..”Pagpapakalma ko sa kanya habang hinahaplos ang pisngi niya.
Tumitig ako sa berde niyang mata na halo halo ang emosyon ang laman. Pain..
Ngumiti ako sa kanya ng medyo humupa na ang galit niya.
“Great..Now you can talk to them. Be nice Eros okay?”Parang bata na sabi ko sa kanya.
He nooded.
He faced them with so much pain in his pain.
Pain he hide in almost decade now..
“Hindi madaling patawarin kayo,..”He almost choked.
“I know your Mom,Already forgiven me in heaven.I know she is in pain kasi hindi mo pa din kami natatangap.”
“No Dad, I know Mommy is in pain now cause you replaced easily.”Sumabat ni Eros.
Malungkot na umiling si Mr.Eastaugffe sa Anak.
“I didn’t replace her son,She will be always in my heart. Nasa pinakamasakit na yugto ako ng buhay ko non,Your Mom died and our business is falling.. Wala akong masasandalan sa mga oras nayun..I want to give up but I can’t because of you.. You’re too young to be an orphan. Then I met Ben’s Mother with a child.. Ben.. “Suminghap si Eros at umiwas ng tingin.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya para maramdaman niyang nandito lang ako.
“Si Ben ang anak namin ng Step Mom bago kami ikasal ng iyong Ina.. Hindi ko alam na nagbunga ang nangyaring iyon..”
“Will you forgive us now?”Umiiyak na tanong ni Mr.Eastaugffe habang pinapatahan siya ni Ben at ng step mom nito.
Tumingin ako kay Eros na hindi alam ang gagawin,Tulala lamang siya sa baso na nasa harapan.
I sighed at nilingon ang pamilya niya.
“I think, kailangan po ni Eros ng panahon..”I said at hinila patayo si Eros na walang imik.
Hinila ko siya patungo sa hardin na nakita ko kanina.
“Are you okay?”Tanong ko nang maiupo ko siya sa bench.
He sighed.
“I d-ont know..”Naguguluhang sambit niya.
“Tell me,What are you thinking?”Malumay na wika ko habang nakatingin sa namumula niyang mata.
“I am thinking.. If I forgive them? I want to breath.. I want to let go this pain..”
“Then forgive.”Marahan kong sabi sa kanya.
NAKANGITI akong lumabas ng mansion nila Eros dahil sa wakas.. Sa wakas.. Napatawad na niya ang mga ito.. Hindi na ako nag pahatid kay Eros dahil gusto kong mag-bonding sila ng mga magulang niya.
Nagmadali na akong umuwi dahil sabik na akong makita ang anak ko. Nagpasalamat ako sa diyos dahil naging mabilis ang byahe ko pauwi ng apartment.
Bitbit ko ang plastic na may lamang Jollibee at pumasok sa loob ng apartment. Nakita kong napadako ang namamagang mata ng kawawa kong anak sa akin nang marinig niyang bumukas ang pinto.
“Mommy!!!”Binaba ko ang bitbit at sinalubog ang yakap niya.
Napangiti ako nang maglapat ang yakap namin.Hinaplos ko ang likod niya.
Hinarap ko siya sa akin at tinitigan ang buong mukha niya.
“Aww.. What happened to your eyes?”Puna ko dahil magang maga.
“It’s nothing.”Ungot niya at nagsumiksik uli sa akin.
“Aguy..Namiss ata ako masyado ng anak ko a?”Natatawa kong tanong.
Hindi siya sumagot sa akin at mas sumiksik lang at inamoy amoy ang katawan ko.
Natawa ako sa ginawa niya dahil gantong ganto ang Ama niya sa akin.
Hindi nga maikakaila na anak siya ni Eros,Hinayaan ko lang magsumiksik siya sa akin.
Para siyang linta kung makadikit sa akin buong maghapon,Kahit magbabanyo lang ako ang makulit na bata ay pilit pa din sumasama sa akin.
Kapag hindi ko naman siya sinasama pumapalahaw sa iyak ang kyut na batang ito na manang mana sa Ama.
Kaya buong maghapon nakadikit lang siya sa akin,SInulit naming dalawa ang oras na magkasama kami dahil bukas ay magiging busy na naman ako sa trabaho.