Kabanata 1

3449 Words
Crown “Leave! I don’t have a daughter na nagpapabuntis lang kung kani-kanino!” Umiiyak na napahawak ako sa tiyan, Pilit na pinapakalma ni Mommy si Daddy sa harap ko. “D-ad..I’m sorry..”Sambit ko. Matalim ang matang tiningnan niya ako. Dinuro niya ang pinto. “Hindi ka makakabalik sa pamamahay na ‘to hangga't wala kang hinaharap sa akin na Ama ng Anak mo! Tandaan mo yan!” Halos maputol ang litid ni Daddy sa sigaw niya. “D-addy.. Please po.. Hayaan mo kami ng Anak ko dito.. Wala kaming mapupuntahan..”Halos lumuhod ako sa harap niya para payagan ako at ang Anak ko sa sinapupunan. Nalaman kong buntis ako ng sumunod na buwan hindi ako dinatnan. “No! Kasalanan mo yan! Wala ka pang ibubuga tapos magpapabuntis ka? Nakakahiya ka..” “Dante.. Huwag mo namang pagsalitaan ng ganyan ang Anak natin.” Naiiyak na wika ni Mommy kay Daddy. “Hayaan mo yan! Tutal buntis na paniguradong kaya na niya sarili niya.” “Daddy.. Please.. Parang awa mo na kahit para sa Apo mo nalang..”Hindi ko na napigilan at napahagugol. “Learn from your mistakes Bridget..” Tanging sabi niya at pumanhik sa taas. Umiiyak na napaupo ako sa sahig. “I’m sorry Anak.. Pangako tutulungan ko kayo ng Apo ko sa lahat ng makakaya ko.”Hinagkan ako ni Mommy. “Mommy! I’m done na!”Napabalikwas ako sa gulat kay Stefanos. My 2 years old son. Kulay berde ang mata at brown ang buhok. “Are you sure na wala ka ng naiwan?”Nakangiti kong tanong. Ngumuso siya at lumingon sa paligid. I chuckled, because of the cuteness of my son. Pinisil ko ang pisngi niya sa pangigigil. “That howts Mommy!” Napahalakhak ako sa nakasimangot niyang mukha. Sa edad na dalawang taong gulang sa letrang ‘R’ siya bulol. “Let’s go.” Aniya ko at tumayo. Sinampay ko ang malaking itim na bag sa kanang braso ko at kinapa ang maleta sa gilid namin. Simula nang umalis ako sa puder ng magulang ko, Para akong bumalik sa umpisa.. Walang pera walang mati-tirhan. Naga-aral pa ako non kaya no- choice ako kundi huminto ng isang taon dahil sa pagbubuntis. Binigyan naman ako ni mommy ng pera noon pero sapat lang yun para sa matitirhan ko at panga-ngailangan ko. Nagtrabaho ako online habang pinagbu-buntis si Stefanos. Umaasa ako sa mga online work sa pang araw araw ko noon. Kaya nang mag isang taon siya bumalik ako sa huling taon ko sa kursoko at pinagpatuloy since isang taon nalang naman. Naghanap ako ng sideline, Estudyante sa umaga, Waiter sa hapon at nanay sa gabi. Kinaya ko lahat ng pagod at hirap. “Mommy?” Inayos ko ang upo niya sa jeep ng malapag ang mga gamit. Kita ko ang pagkairita ng ibang pasahero sa malalaking bagahe na dala ko pero Who cares? “Yes baby?” “Saan na tayo titira?”He innocently said. Masyado pa siyang bata para mamulat sa realidad ng buhay. “Naghanap ako ng new apartment na re-rentahan natin sa online kagabi. Doon tayo pupunta ngayon.”He sigh and nooded. Pangatlong beses na kami napalayas sa mga nire-rentahan naming apartment. Hindi na kasi sapat ang kinikita ko sa pagwa-waitress sakto naman ay graduation na namin next week kaya makakahanap na ako ng trabaho. Pahirapan ang pagbaba ko sa jeep dahil sa dami kong dala, Natatakot pa ako na baka mawala si Stefanos sa paningin ko. Hinawakan ko agad ang maliit niyang kamay nang mabitbit ang bagahe. Luminga linga ako para hanapin ang apartment. “Baby.. Ayun yung apartment oh!” Tinuro ko sa kanya ang apartment sa gawing kanan. Umaliwalas ang mukha niya at hinila ako papunta doon. Hinihingal na kumatok ako sa pinto. “Tao po.”Naka ilang katok ako bago bumukas ang pinto. “Ano yung kailangan niyo?” The old lady said. “Kami po yung uupa sa isang bakanteng kwarto dito.”Nakangiting sabi ko. “Oh! Kayo pala yun, Mukhang pagod na pagod kayo lalo na yang cute mong anak.” Hilaw na ngumiti ako sa kanya at sumunod paakyat. “Eto yung apartment niyo. 1,500 A month for the rent sa bills naman sa tubig at kuryente sasabihan nalang kita kung magkano ang parte mo.” Page-explain niya. “Sige po Thank you.”Sambit ko ng umalis siya. Pinauna kong pinapasok si Stefanos bago ako pumasok. Hinihingal na binaba ko ang dala at sinara ang pinto. Buti may aircon na nakakabit kaya hindi ako na-momoblema sa init. “Stefanos.” Tawag ko sa kanya na nakahiga sa sahig. “Why Mommy?” He asked. “Are you hungry?”Tanong ko habang binubuksan ang maleta. “Yes po, But kumain nalang tayo after mong mag ayos.” “All right, Bibilisan ko para makakain ka na.” Sambit ko at binilisan ang pag aayos ng mga damit at laruan niya. Nilagay ko sa kahoy na cabinet ang mga damit naming dalawa habang ang mga laruan niya nilagay ko sa isang box. Ang mga sapatos namin ay hinilera ko sa gilid ng cabinet. Hindi masyadong malaki ang apartment pero sapat lang samin mag ina yun. May maliit na banyo at may sariling kusina. Ang bedroom namin ay ang sala. Kailangan ko na naman siguro bumili ng Foam. Yung foam na ginagamit namin dati kinuha ng may ari ng apartment since hindi naman daw ako makabayad ng tatlong buwan. Bumaba kami ng matapos mag ayos, May nakita akong karinderya malapit dito kaya dun ko nalang napagdesisyonan kumain. “What do you want?” I whispered. Binuhat ko siya para makita niya ang mga ulam. “I want the Menudo Mommy..” “Okay..” Binaba ko siya at pinaupo muna sa lamesa doon at sinabihan na huwag aalis. Ang hilig talaga ni Stefanos sa menudo, Ewan ko kung kanino niya namana yun 'e hindi naman ako mahilig dun.. Baka sa Daddy niya.. Nag appear na naman sa utak ko ang tattoo ng Ama ni Stefanos sa upper left ng chest nito. Yun nalang ang tangi kong palatandaan sa kanya.. I don’t remember his face and voice. All I was remember his Crown Tattoo. Hinain sa harap namin ang dalawang order ng Menudo at sabaw ng sinigang.Kumuha ako ng malamig na tubig at nilapag sa lamesa. “Ang dungis mo naman anak.”Natatawang sabi ko at kinuha ang bimpo. Pinunasan ko ang madungis niyang mukha parang nginudngod sa menudo ang buong mukha. “And so?” Supladong sabi nya. Tumaas ang kilay ko. “Don’t acted like you’re a big boy na.”Pagsusungit ko din. He pouted and nooded. Para itong 7 years old minsan kung magsalita. Pabalik na kami sa apartment nang mag vibrate ang phone ko. “Hello.” “Bridget..” Huminto ako sa pag akyat sa apartment at sinenyasan ang anak na saglit lang. “Mom, Bakit po kayo napatawag?” Tanong ko. She never met Stefanos in person. They are just talking sometimes through Skype. Baka daw kasi mahuli siya ni Daddy na may communication sa akin. “Are you planning to work immedietly after graduation?” She asked. “Yes, Kailangan Mom ‘e, Para sa future din ni Stefanos.” He looked up when he heard his name. I mouthed ‘I was talking to your Lola’ Kumislap sa saya ang mata niya at hinila ang dulo ng damit ko na parang sinasabi na siya ang kakausap. Umiling ako sa kanya. “How about Stefanos? Kanino mo siya iiwan?” Matagal tagal na din akong may balak na maghanap ng yaya para Stefanos para kahit nasa trabaho ako may nagbabantay sa kanya. “Hmm, Baka po kumuha ako ng yaya.. Kaso mukhang matagal pa.” Dahil sa pera. Nahihiya na ako humingi ng pera kay Mommy, Halos tatlong taon na niya kami tinutustusan. Hindi naman masyadong malaki pero malaking tulong na din sa aming mag-ina. “I was about to suggest you that, I will provide that for him.”Napakurot ako sa sarili. “M-om? Nakakahiya na po..” I heard her sighed. “Hayaan mo na.. Napabayaan na din kita simula ng umalis ka dito. I’m such a terrible Mother para hindi ka ipagtanggol.” Lumabi ako sa sinabi niya. “Okay lang Mom. Tama lang yung ginawa ni Daddy since ako yung may kasalanan.”Mahinang sabi ko para hindi umabot sa pandinig ng batang nasa tabi ko. Humaba ng konti ang paguusap namin. “What did Lola said?”He asked curiously. Binuhat ko siya tumungo sa apartment namin. “She said that you’re having a yaya.”Nakangiti ko sabi. Kumunot ang noo niya. “Yaya? Why?” Binuksan ko ang apartment at binaba siya. “Yes, Yaya. Diba alam mo naman na gra-graduate na si Mommy next week?”Umupo ako at hinarap siya. “Yes, I know..” Tumatangong aniya. “After mag-graduate ni Mommy, Of course I will look for a job for us and for your future.”Paliwanag ko sa kanya at tumitig sa kulay berdeng mga mata. “Then, Kailan po ako magkakaron ng yaya?” He asked. Ngumiti ako at nakahinga ng maluwag dahil naitindihan niya. He became more open minded habang tumatagal. “Tomorrow!” Namilog ang berde niyang mata. Napakurot ako ng di-oras sa mataba niyang pisngi. “W-ow.” He whispered. I chuckled. Hinayaan ko muna siya doon na naglalaro sa sala. Inabot ko ang bag na itim sa gilid. Umupo ako sa sahig na tanaw si Stefanos na naglalaro, Nilapag ko isa isa ang mga papel ko sa school dahil gagawin ko ang last requirements before graduation. Sa kalagitnaan ng pagsagot ko, Mahina akong napamura nang hindi ko masagot sagutan ang Calculus. Damn Calculus. Dalawang oras ang ginugol ko sa pagsa-sagot ng Calculus, Nanood nood pa ako sa Youtube para sa Calculus. “Natapos din..” Nag unat ako ng katawan at sinilip ang oras. 4:45 Pm. “Stef-“ Natawa ako ng makitang nakasalampak na siya sa sahig at yakap yakap ang laruan niyang Superman. Niligpit ko muna ang mga gamit bago nilatag ang kaka-deliver lang na uratex. Nilagyan ko ng punda at inayos ang unan bago tumungo kay Stefanos na sarap na sarap sa pagtulog. “How cute..” I giggled and carefully carry him to the bed. Inabot ko ang panyo at pinunasan ang laway niya. Tinangal ko ang hawak niyang Superman at tinabi. Inayos ko ang pagkakahiga niya. “Napaka gwapo talaga ng baby ko.”Wika ko habang pinagmamasdan siya. “Gwapo din kaya yung Daddy mo?” Pagta-tanong ko sa anak na walang kamuwang-muwang. Pinagmamasdan ko siya ng may pumasok na kalokohan sa utak. Maingat na kinuha ko ang makeup kita sa bag ko at bumalik sa tabi niya. “Sorry baby, bored si Mommy ngayon.” Natatawang bulong ko. Hinilera ko sa gilid ang makeups ko. Hawak ang pisngi niya na ginuguhitan siya ng kilay, Pinag-praktisan siya since hindi ako marunong magpantay ng kilay. Sunod kong inabot ang pallet ko. Tumingin ako sa mga shaded at binalik ang tingin sa tulog niyang mukha. Hmm.. Ano bang bagay sa kanya? Dinikit ko sa pisngi niya ang pallete para Makita ko ng maigi. “Etong Dark Brown.” I whispered. Seryosong seryoso na naglalagay ako ng eyeshadow. Napatigil ako ng bigla siyang gumalaw at nagkamot ng ilong. Nilagyan ko siya ng blush on nang matapos ang eyeshadow at habang kinakalat ang blush on, Inabot ko gamit ang kabilang kamay ang pulang lipstick. “Ang ganda ng labi.”Aniya ko habang nakatuon ang mata sa heart shaped lips niya. “HAHA!” Napahalakhak ako nang makita ang kabuuan niyang mukha. Kinuhanan ko siya ng picture. Niligpit ko ang mga make up at tumabi sa kanya nang dalawin ng antok. Yakap yakap ko siya para hindi gumulong. “AAAAAAA!!! MOMMY!!” “Ano yun? Ano yun? Nasaktan ka ba?’Napabalikwas ako nang makarinig ng malakas na hiyaw ni Stefanos na parang takot na takot. “Look Mommy..” Naiiyak na sabi niya sa akin. Halos humalupasay ako sa lakas ng tawa habang nakatingin sa expression ng mukha nya. Nakaharap siya sa salamin. “HAHAHA!” “Don’t laugh Mommy!” Naiinis na sabi nya sa akin. Mas lalo akong natawa. Pinahupa ko muna ang tawa ko bago nagsalita. “Don’t you like it? “Nakangiti kong tanong sa bugnot na mukha ng anak ko. “Ayoko nito! AYoko! Ayoko! Alisin mo 'to Mommy!!” Naghy-hysterical na sigaw niya at pilit inaalis ng dalawang maliit na kamay ang make up. Natatawang lumapit ako sa kanya. “Haha, Okay.. “Tumatawang binuhat ko siya at dinala sa banyo. Kumuha ako ng tabo at sabon. “Harap ka sa akin.” Saad ko. Nakasimangot na humarap siya. “Pikit.” Aniya ko at binasa ang mukha niya at nilagyan ng sabon. “Done!” Masaya kong sabi at pinunasan siya. Pinaliguan ko na din siya para mabango pag dating ng yaya niya. “Pasok ka.” Nginitian ko yung yaya ni Stefanos na mukhang mabait. “Salamat po Ma’am.” Tinawag ko si Stefanos na pinagmamasdan maigi yung yaya niya. “Eto nga pala si Stefanos, 2 years old, Favorite food niya Menudo then Jollibee. Mahilig din siya sa mga laruan na katulad ni Superman.”Pagde-detalye ko. “Ang pogi pala ng anak niyo Ma’am.” Manghang sabi nya habang pinagmamasdan si Stefanos. Proud na ngumiti ako. Of course anak ko yan ‘e! “Hi, My name is Stefanos jake Clemenza.” Hinayaan ko muna sila mag-yaya na mag usap para hindi na din sila mahirapan next week kapag naghahanap ako ng trabaho. MAAGA akong umalis sa apartment para maghanap ng trabaho, Bitbit ko ang mga requirements na ka-kailanganin sa pag-aaply ng trabaho. I am wearing a black skirt na pinaresan ng formal na blouse. Una kong pinuntahan ang Kgroup agency, Hiring sila ngayon para sa event planner. Simula pagkabata nahilig na ako sa pagpla-plano ng event kaya konektado doon ang kinuha kong kurso at sa kabutihang palad naka-graduate ako. “Good Morning, Saan po yung hiring para sa event planner?” Tanong ko sa babae doon sa information desk. “Ahh, Diretso ka lang tapos kanan yung pinakahuling kwarto doon yun.”Tumango ako sa kanya. “Thank you.” Tumunog ang takong ko sa bawat paghakbang. Natagpuan ko ang mga applicant katulad ko na nakapila sa labas, I sighed at pumila. Panay ang pagka-kalma ko sa sarili dahil first time kong sasabak sa ganto. Papasok na sana ako dahil ako na ang sunod ng hinarangan ako ng staff. “Miss,Wala nang slot para sa event planner. I’m sorry.”Tulalang lumabas ako ng kompanya nila. What the heck! Two f*****g hours ako nag antay tapos wala ng slot. “Bumagsak sana itong kumpanyang ‘to”I whispered habang masama ang tingin sa building nila. Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang listahan ko ng mga kumpanyang a-aplayan ko. Syempre, Hindi pwedeng sa isang kumpanya ka lang mag-apply dapat damihan mo na! Para may back-up katulad nalang ng nangyari sa akin.. Kgroup EPorganization Thebestagency Nakasimangot na binura ko gamit ang ballpen ang Kgoup. Ganda ganda ng pangalan pangit ng pamamalakad lol. “Manong sa Eporganization nga po.”Aniya ko at inabot ang bayad. Nag-retouch ako sa jeep habang patungo doon. Naalala ko pa yung unang sakay ko sa jeep. Hindi ko alam kung ano gagawin haha. Lagi kasi akong may driver o kaya naka grab noon. Ayaw na ayaw ni daddy na pinagje-jeep ako kasi anak daw ako ng Mayor, Pero look at me now.. Tinakwil ako dahil lang sa nabuntis ako ng maaga at wala akong maharap na Ama. Pagpasok ko ng Eporganization mukha namang matino ang kumpanyang ito hindi katulad nung una. Nag antay ako ng mahigit isang oras sa pila, Bago pinapasok ang apat na huling applicant, Kami.. Tuwid na umupo ako sa pinakagilid at ngumiti sa dalawang panot na mag iinterview samin. “Why do you want to apply here?” Tanong sa akin nung panot. Tumukhim ako. “I’ve apply here because this is one of the best organization here in phillipines an-“ “Okay,Enough.”Kumunot ang noo ko ng pinutol niya ang sasabihin ko. What’s going on? Sunod niyang tinanong ang katabi ko. “I’ve apply here cause this is one of the best company here in the Philippines.” Pumalakpak ang dalawang panot. “Great!” Laglag ang pangang pinagmasdan ko sila. Really? Ginaya niya lang sagot ko ‘e Lugong lugo akong lumabas ng EPorganization. Inirapan ko yung guard at pumara ng jeep patungo sa huling kompanyang aaplyan ko. Fuck that Eporganization! May backer lang yung babae siya agad yung hi-nire. Ma-bankrupt sana yung kumapnayang yun. Nakakagigil ang aga aga ha! Sa pangatlong pagkakataon masama ang loob na lumabas ako ng kumpanya. Tumingala ako. “Lord.. Bakit naman kayo ganto..” Inis na tumungo ako sa tindahan sa tapat para magpalamig since tanghali na. “Ate, Isang Coke nga po.”Aniya ko at inabot ang bayad. Hbang inaantay ang Coke nagvibrate ang phone ko. Oh! Yung yaya ni Stefanos. Kumalob ang puso ko sa kaba baka kung anong nangyari kay Stefanos. I swear gigilitan ko ng leeg yung yaya niya pag nagasgasan man lang ang pogi kong anak. Video call pa ang nais. “Hello Mommy!” Lumabas sa screen ang cute na mukha ng anak ko. “Oh, Baby..”Aniya ko ng matauhan. Ngumiti siya. “Kamusta po yung pag-aapply mo?” Aguy.. Inaalala niya pa talaga yun. I smiled at him para kunyari hindi masakit. “Okay naman baby.. Nagpa-pahinga lang ako dito sa tindahan.”Ngumuso siya. “Okay Mommy.. Bye na poo I know you’re busy Hehe.” Mag papaalam pa sana ako ng bigla niyang pinatay. Napanguso ako. Kinuha ko ang Coke at sumimsim. Aaaa Nakaka-referesh talaga yung coke pag nasa initan ka at pagod na pagod. Habang umiinom uli ng Coke ginala ko ang mata ko sa paligid at napatigil sa mga nakahilerang dyaryo sa gilid. Pero wala doon ang pumukaw ng atensyon ko.. Kundi ang logo na Korona na nakalagay doon. Ang Korona na kilalang kilala ko.. Hindi ako pwede magka mali.. Katulad na katulad siya ng tattoo ng tatay ni Stefanos.. Hindi kaya? Empleyado siya ng kumpanya? O kaya fan siya ng kumpanya? Bakit naman niya i-papatatoo yun kung hindi importante diba? Bakit kasi wala na akong matandaan sa nangyari ng gabing yun! Tanging Crown tattoo sa upper left ng chest niya lang ang naalala ko. Hindi ko namalayang hawak hawak ko na pala ang dyaryo, Binasa ko ang pangalan ng kumpanya. Crown Incorporation is hiring a event planner apply now! Kinakabahang tinignan ko ang address at kung kailanan pa ito. Shems! Ngayong araw siya tapos mamayang alas dos. Mabilis na binitawan ko ang dyaryo at tumakbo sa humintong jeep. Sa wakas lord.. Baka magkita na kami ng ama ni Stefanos.. Kahit hindi sabihin ni Stefanos ramdam at kita ko sa mga mata niya ang kasabikan sa Ama. I’ve always felt sorry for him kasi hindi ko maalala ang nangyari ng gabing yun. Nagmamadali akong bumaba ng jeep at nag retouch saglit bago pumasok sa loob. “Miss, Saan yung hiring for event planner?” I asked. “Sa 23rd floor. Lumiko sa kanan then doon na.” “Thanks.”Nagmamadaling wika ko at tumakbo patungo sa elevator na pasara na. “Ops, Sorry hehe.”Nakangiwi kong sabi dahil sa weirdong tingin nila. I tap my feet in the floor sa sobrang pagmamadali. Para akong si the flash na lumabas ng elevator nang bumukas ito. Natanaw ko na isang applicant nalang ang nakapila doon. Kagat labing pumila ako sa likod ng babae at sinenyasan siya ng huwag maingay. Alangan na tumango siya. Pinakalma ko ang sarili habang lumilinga linga baka sakaling maalala ko ang ama ni Stefanos kapag nakaharap ko siya. “Diba isa nalnag ang nakapila dito? Miss, Kakarating mo lang ba?” Tanong sa akin ng dumaan na assistant. “Ha? Hindi po.. Nag-banyo lang po ako kanina kaya hindi niyo nakita hehe.” She suspiciously stared at me and walk away. Wooh! Muntik na yun. Inayos ko ang mahabang kulay tae kong buhok at hinawi ang bangs. Sinuklay ko din ang ilalim ng kulot kong buhok, Nangatog ang binti ko nang ako na ang susunod. “Next.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD