Kabanata 2

2329 Words
Chinito PINAGPAPAWISAN ang paa na tumayo ako at pinasadahan ang buhok bago pumasok. “Goodluck.”Mas lalo nanuot sa akin ang kaba sa sinabi ng nauna sa akin. Shems… Paulit ulit ko tinatak sa utak na kailangan kong makapasok para sa future ng anak at para makilala ang ama nito. Kailangan kong makapasok para madali ko nalang mahanap yung lalaking yun kapag empleyado na ako dito. Inayos ko ang postura bago pumasok, Napako ang mata ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair at may binabasang papel. I cleared my throat, Dahan dahan nag -angat ng tingin ang lalaki. Sinalubong ako ng kulay berde niyang mata. I saw an emotion flash through his eyes pero napalitan din ng walang emosyon. Hindi ko alam.. Pero parang familiar yung mga mata niya.. Familiar na hindi ko maalala kung san ko ito nakita, Napalunok ako sa klase ng tingin na binibigay niya. Parang ilang Segundo nalang bibigay na yung tuhod ko kaya mabilis na umupo ako sa upuan sa harap niya.. pero parang mali ata ang ginawa ko dahil tinaasan niya ako ng kilay. “Did I gave you a permission to sit?”Baritong boses na tanong nito. “Ah sorry.” Pagpa-paumanhin ko at tumayo muli ng tuwid. Ang sungit naman ng Ceo na ‘to Binasa ko ang pangalan niya. Euandross Eastaugffe, Ceo of the company. Taray ng pangalan unique Nakataas ang kilay na pinasadahan niya ako ng tingin. “What’s your name?” “Bridget Clemenza.”Mabilis na sabi ko dahil sa kaba. “You look nervous.”Puna niya. “Yes, I am.” Amused filled his eyes. Mabilis iyong nawala at napalitan ng blankong expression. “Hmm.. Where is your resume?” He asked. Natarantang hinanap ko ang resume ko sa madaming papel na bitbit ko. Kinabahan ako lalo ng tinap-tap niya ang dulo ng ballpen sa lamesa “Tss. Resume lang.” Masungit na sabi niya nang ilagay ko lahat na papel sa lamesa niya sa pagkataranta. “S-orry sir.” Nakangiwing saad ko. Patay! Mukhang papalpak pa ako dito. Napailing siya at kinuha ang resume ko sa lamesa. “You may sit.” “Thank you.” Tuwid na umupo ako sa upuan. Pinagmamasdan ko siyang basahin ang resume ko. He’s brows furrowed and his lips pouted a bit. Pinasadahan niya ang blonde niyang buhok bago tumingin sa akin at pinagsiklop ang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Sir?” Pukaw ko sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin na mukhang may malalim na iniisip. Iisipin ko na sanang crush ako ng Ceo na ito. “Why do you want to work here? I want a honest answer. Ayoko ng scripted.” Napalunok ako. Bahala na.. “Actually sir, Nakita ko lang kanina sa dyaryo na hiring yung kompanya niyo ng event planner. Since simula umaga wala pang tumatanggap sa akin. I’ve give it a try..Malay mo kayo na pala ang maswerte kong boss kasi may empleyado kayong katulad ko syempre.. kung ihi-hire niyo ko.”Tuloy tuloy na sabi ko. I saw his lips curved upward. Ampoge! “Why should I hire you?” Buti pinagaralan ko na yung isasagot ko sa tanong na yan. “You should hire me cause I can do anything.. Passion ko ang pago-organizer ng event. I am 100 percent sure na hindi ko kayo bibiguin and malaking kawalan sa kompanya niyo ang isang katulad ko.”Proud na sinabi ko ang huling linya. Tumango tango siya na parang nagpipigil ng ngiti. “All right, you’re hired.”Maikling sabi niya na kinalaki ng mata ko. “Gosh! Hindi nga?” Hindi makapaniwalang tanong ko. He raised his eyebrow. “Don’t you want it? “ “No no no Hindi sir. Thank you po!” Masayang wika ko sa kanya. “Yes!” Napasuntok ako sa hangin pagkalabas ng office niya. Sa wakas! May matino din akong kumpanya na napasukan. Sinabihan ako ng assistant kung kailan ako magsisimula at ano ang dress coding. Dumiretso ako sa mall para mamili ng mga formal wear. Pitong formal wear lang ang binili ko sapat sa isang linggo. Bumili din ako ng itim na heels para babagay sa lahat ng kulay. Then I brought a briefcase for my things. Dumaan muna ako sa Jollibee para bumili ng pasalubong kay Stefanos. MAAGA AKONG bumangon sa higaan dahil ngayon ang first day ko sa trabaho at hindi ako pwedeng ma-late. Bumangon din si Ate Lina ang yaya ni Stefanos para mag ayos na din. Nagluto ako ng simpleng almusal. Bacon , Hotdog and Scrambble Egg. Nagsaing ako at pinabantayan muna iyon kay Ate Lina para makaligo. Inabot ko ang Plain Black Blazer and shorts bago tumungo sa banyo. Any formal wear daw pwede sa office ang sabi ng assistant. Kinuskos ko ng maigi ang buhok kong mahaba ganon din ang katawan ko. Sinigurado ko na walang libag na babakas sa balat ko. Mahigit kalahating oras ako sa banyo. Ginawa ko lang na light ang make up ko. I brushed my long hair at natagalan ako dahil sa buhol buhol na kulot sa dulo ng buhok ko. Naabutan kong naghahain na si Ate Lina para sa akin pagkalabas ko ng banyo, mahimbing pa din ang tulog ni Stefanos. “Thank you Ate Lina.”Pag papasalamat ko bago umupo,minadali ko ang pagsubo baka ma-late ako. panaka-naka ang sulyap ko sa wall clock. Alas syete ang oras ng pasok namin kaya gumising ako kanina ng ala singko. Mas Binilisan ko ang pag aalmusal nang makita ang orasan. “Ate Lina..Kayo na po bahala kay Stefanos.”Tumango siya sa akin at nakinig sa iba kong bilin. Hinalikan ko muna sa pisngi at sa noo ang anak bago binitbit ang briefcase at malalaki ang hakbang na lumabas ng apartment. Mahigit isang oras ang inabot ng byahe ko papunta dahil sa traffic isabay mo pa ang pahinto hinto ng jeep. Pakiramdam ko sobrang haggard na ng itsura ko.Panay naman ang re-touch ko sa byahe pero hindi pa din iyon sapat kaya nag re-touch muna ako bago pumasok ng kumpanya. “Good morning Ma’am.”Bati ng guard. “Good morning din Kuya.”Bati ko pabalik at pumasok sa loob ng lobby. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maaga ako ng limang minuto. Hoo! Muntik na ako don a? Natanaw ko ang dalawang empleyado na nakaupo sa couch kung san pinag-aantay yung mga bagong hire na katulad ko. Siguro bago lang din sila katulad ko? Inayos ko ang itsura bago tumungo sa kanila. They looked nice naman kaya nag decide ako na kausapin sila dahil Mapa-panis ang laway ko kapag wala akong nakausap. “Hello.”Kunyari pa-shy na wika ko sa kanila. Nag angat sila ng tingin sa akin. “Hi!” “Hello!” “Bago lang din ba kayo kagaya ko?” Nakangiting tanong ko at umupo sa harap nila. Fc. “Oo, ikaw din ba? Event planner ka din?” Nakangiting tanong nung maikli ang buhok. “Oo. Kayo din? Omo! I’m Bridget Clemenza anyways.”Pagpakilala ko at nginitian sila ng matamis. “Ria Nendiola.” Sabi ng morena. “Cris Santos.”Saad ng maikling ang buhok. “Nice to meet you two.” Malapad ang ngiti na wika ko. “Same.” Natawa ako ng sabay silang sumagot. Para silang kambal haha. “Good morning Ladies, I am the event planner leader Josefina Bangko 40 years old. I’ll show you our workplace.” Tumayo kami bilang pag galang sa biglang sumulpot na babae. Woah! At the age of 40 years old wala man lang bakas na katandaan sa mukha niya. Sana ganyan din ako pag umabot ako ng forty years old. Nagpakilala kami isa isa bago kami sinabihan na sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming tatlo na sumunod at nag senyasan nalang gamit ang mata. Nakita kong pinindot ni Josefina ang 23th floor. It means malapit ang workplace namin sa Ceo ng kumpanya! Palinga-linga ako sa paligid nang bumukas ang pinto.. Baka swertehin at makakita ng lalaking nakahubad tapos may tattoo na korona. Pano ko kaya mahahanap yung tatay ni Stefanos? Alangan pahubadan ko lahat ng lalaki dito isa isa. Ang manyak ko naman nun. Tumungo kami sa left wing ng 23th floor.. Natanaw ko mula sa malayo ang mga cubicle na nandoon. “Eto ang magiging pwesto niyong tatlo.” Tinuro ni Josefina ang tatlong bakanteng cubicle. Ngumiti kaming tatlo sa isa’t isa dahil mag kakatabi kami. Sunod naman pinakita samin ang meeting area at Cafeteria etc. Nilapag ko ang briefcase ko sa gilid nang pinapunta kami sa cubicle. Ang sabi samin mamaya-maya dadating din ang mga tra-trabahuhin namin, Hindi naman ibig sabihin na event planner kami puro ganon lang ang gagawin namin. Of course, may mga paper works din kami. “Hey, Bakit pala dito niyo napiling mag-apply?” Tanong sa amin ni Cris. Nasa gilid ang cubicle ko. Napa-pagitnaan namin ni Ria si Cris. “Syempre, Ito ang biggest event organization in Aisa!”Sabi sa amin ni Ria. Bakit hindi ko alam yun? “E’ ikaw Bridget?” “Nakita ko lang sa dyaryo itong kompanya haha, Sakto wala pa akong trabaho non. Kaya tri-ny ko haha. DI ko inakala na matatanggap pala ako.”Natatawang kwento ko sa kanila. Ang kaninang mukha nilang tumatawa bigla nalang natahimik. Kumunot noo ko sa in-asta nila. Nginuso nila ang likod kaya lumingon ako. Napatayo ako at palihim na napangiwi nang makitang naka sandal sa gilid ng cubicle ko si Sir. Eastaugffe at masama ang tingin. “Chismisan agad inaatupag sa unang araw?”Mapanuya niyang sabi. “S-orry sir.”Paghihingi ko ng tawad na sinundan naman nila Cris at Ria. “Tss. Hindi ko kaya pina-pasweldo para makipagchismisan.” And with that he turned his back. Para akong nabunutan ng tinik. Anong problema nun? Malamang mag uusap talaga kami kasi wala pa naman nakalaan na trabaho sa amin. “Ako pumasok ako dito kasi sabi sabi sobrang gwapo daw ni Mr.Eastaugffe!” Impit na tumili siya na kinatawa namin. Well hindi nga maipagkakaila yan.. Gwapo siya kahit medyo suplado. Maya maya dumating na ang mga tra-trabahuhin namin. “Bridget, Sasama ka? Mag-lulunch kami ni Ria sa cafeteria.” Nag unat ako ng braso at napatingin sa wall clock. tanghali na pala. “Yes, Wait ayusin ko lang yung table ko.”Sambit ko sa kanila. Mabilis kong inayos ang mga papeles.Kinuha ko ang wallet at phone matapos ko magayos. “Let’s go?” Yaya ko sa kanila. Ngumiti sila at tumayo sa mga upuan at sabay sabay kaming sumakay ng elevator. Nagkwe-kwentuhan kami habang pababa ang elevator sa floor ng cafeteria. Hindi ko pa din alam kung pano ko mahahanap yung daddy ni Stefanos,Wala akong maisip kung anong klaseng paraan ang gagawin ko. Pumila kami sa mga empleyado na nakahilera habang isa isa kumukuha ng pagkain.May hawak silang tray. Kumuha kami ng tray, Sumunod ako kay Ria At Cris nang nauna silang pumila sa akin “Do you want this?”Tanong sa akin ng lalaking taga -sandok habang minu-muwestra ang menudo. I smiled at him and nooded. “Thank you.”Wika ko at umusod sa pila. The company providing food for us so we don’t need to pay ,ito ang gusto ko dito sa Crown Inc. Hindi ko na kailangan gumastos para sa sariling pagkain. Humanap kami ng bakanteng lamesa at sa wakas may nakita kami sa dami ng tao ngayon sa cafeteria,Halos nagsa-sabay sabay ang lahat ng empleyado ngayon. “Bridget..”Nag angat ako ng tingin sa kalagitnaan ng pagsubo ko. “Hmm?”Tugon ko. “Yung lalaking nagsa-sandok ng ulam kanina pa patingin tingin sayo oh!” Kumunot ako sa sinabi ni Ria. Ano daw? Yung lalaki kanina? Nilunok ko muna ang pagkain bago nagslita. “Huh? Sino?” Confuse na lumingon ako sa likod para alamin kung sino. “Saan diyan?” I asked nang walang matanaw na nakatingin, puro gabundok na empleyado na naglalakad lang ang nakikita ko. “Yung lalaking chinito na may Brown na buhok.” Tinuro ni Cris gamit ng kutsara yung tinutukoy niya. Sinundan ng mata ko ng kutsara at natigil ang mata ko sa lalaki kanina.He smiled at me. I chuckled nang hindi ko na makita ang mata niya dahil sa pag ngiti niya, Sumaludo siya sa akin kaya natatawang Sumaludo din ako pabalik. “Naks.. Unang araw palang minahal na kita..” Sabay na kumanta si Ria at Cris na kinalingon ko sa kanila. “Haha, Sira! “Tanging nasabi ko. I don’t want to entertain boys.. Iniisip ko din kasi si Stefanos. Hindi niya pa nakikilala daddy niya tapos magpa-pakilala ako ng ibang lalaki. And ayoko ng lalaking madi-dissapoint kapag nalamang may anak ako. Gusto ko yung tanggap niya kahit hindi sa kanya. Yung hindi lang ako mahal niya pati ang anak ko. Well every single mom wishing for that guy to come. Minsan napa-paisip ako what if hindi ako umalis ng umagang yun? Magiging masaya kaya kaming tatlo? Sometimes, I acted reckless and I regret it. Nang matapos ang lunch time we come back to work. “I’m home.” Aniya ko at sinara ang pinto nang makauwi ng apartment. “Mommy! You’re here! Did you buy me Jolly Spaghetti?” Excited na tanong niya. I chuckled. “Of course! Makakalimutan ba ni Mommy ang pasalubong niya sa baby nya?” Inabot ko ang hawak na plastic sa kanya. “Wow! Thank you Mommy!” He uttered and signaling me to bent down. My heart flutter when he kissed my cheeks. “Aww.. Nanglalambing ang baby ko.” Niyakap ko siya. Pinabantayan ko muna si Stefanos kay Ate Lina para makapag palit ako. Pagod akong sumalampak sa foam. Hinilot hilot ko ang batok at sentido. Ugh! Adult life is sucks!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD