Kabanata 3

2195 Words
Rawr I WOKE UP early, I cooked breakfast and went to work after giving Stefanos a kiss. Hindi traffic ngayon kaya 6:40 am nasa office na ako. Madami dami na din ang nasa cubicle ng makarating ako,mukhang wala pa si Cris at Ria dahil vacant pa ang cubicle nila. Naka suot ako ng Plaid high-rise mini skirt then blazer. “Good Morning.” Nag angat ako ng tingin sa bumati. “Good Morning.”I politely said to the chinito guy,The one in the cafeteria. “Oh, It’s rude of me.. My name is Ben chan. Half-Filipino half Chinese.”He said nang makita ang gulat sa mata ko at pagtataka kung bakit niya ako kinakausap. My lips parted a bit. “Bridget Clemenza, Half Australian Half Filipino.”Ginaya ko ang format niya ng pakilala. He chuckled. “Nagkita na tayo kahapon diba?” Nakangiting tanong niya dahilan ng pagkawala uli ng mga mata niya at umupo sa upuan ni Cris. Humarap siya sa akin. “Oo, Ikaw yung nagtanong sa akin nung sa menudo right?”Hindi siguradong tanong ko pero tingin ko tama ako. “Yep! Ako yun.” Silence filled the atmosphere after he said that.. I don't know what to say.. Ang Awkward.. “HAHAHA!” Sabay kaming natawa sa walang dahilan nang magkatinginan kami. I found him funny..Siguro kahit magtitigan lang kayo nito hindi ka mabuburyo. “Tsk. What with you this time? Flirting while working is not allowed.” Natahimik kami nang biglang nagsalita si Mr.Eastaugffe na masama ang tingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng marahas na tingin. Okay? So anong meron? “Sorry Sir.”Paumanhin ni Ben. “I hope this would not happen again.” Baritong boses na sabi niya sa akin. Oo sa akin. Nakatuon lang ang berde niyang mata sa akin. Napairap ako ng tumalikod siya. “Hey, See you later.” Ben said and wink. Natawa ako dahil yung singkit niyang mata na nawala na. “Ano yung nakita namin huh? Ikaw a?” Gulat na napalingo ako nang marinig ang mapangasar na mukha ni Cris. “Baliw. We just introduced ourselves.” Pagdedepensa ko para matigil na ang mga malisya nila sa utak. “Getting to know each other today then nextday in a Relationship naku naku!” Nakangising sabi ni Ria. “Aaaa! Hindii!”Frustrated na pagdedepensa ko. Habang nagtra-trabaho panay padin ang tudyo nilang dalawa sa akin. Nakasimangot tuloy ako ng magtungo sa cafeteria dahil sa wala nilang tigil na hirit. Wala sa sariling pumila ako at kumuha ng tray. Tango lang ako ng tango sa mga naglalagay ng pagkain. “Are you okay?” Natauhan ako nang dumungaw sa mukha ko si Ben. Umatras ako ng konti dahil sobrang lapit ng mukha namin. “Okay lang hehe.” Akward na saad ko. “Do you want this?” Tinuro niya ang kare kare. Sasagot na sana ako. “Yes, I want that.” “Mr.Eastaugffe!” Gulantang na wika ko nang makita siya sa gilid ko. Napatingin ako sa paligid na tumahimik dahil sa kanya. Maging ang kasunod ko mukha umatras pa talaga dahil sa kanya. Mabilis na nilagyan ni Ben si Mr.Eastaugffe ng Kare Kare. “Tss. Care to move?” Salubong ang kilay na sabi niya sa akin. Napalunok ako sa klase ng tingin niya kaya dali dali akong umalis sa harap ng mga pagkain at nagtungo sa lamesa namin nila Cris. “Anyare?”Mahinang tanong ni Cris. “I don’t know.” Gulat pa din na sabi ko. May after shock ata ko sa nangyari. “Nakita na lang namin papasok si Mr. Eastaugffe ng Cafeteria na mukhang badtrip. Ghorl! Nanindig balahibo ko.” Ria acted shivering na kinatawa ko. Sinulyapan ko kung andon pa si Mr.Eastaugffe, Wala na siya sa tapat ng pagkain. Kumakain na siya malapit sa lamesa namin. Nasamid ako nang Makita ko si Mr.Eastaugffe na nakasimangot sa akin. “T-ubig.” “Ano ba yan!” Mabilis akong inabutan ni Ria ng tubig habang si Cris hinihimas ang likod ko. “Dahan dahan kasi.. Hindi mo pa kamatayan bukas.” Natatawang saad niya. Gumaan ang pakiramdam ko ng makainom ng tubig. Bakit siya nakatingin ng ganon? May ginawa ba akong mali? No way! Pano kung mapaalis ako dito? Tapos hindi ko pa nahahanap ang daddy ni Stefanos! Yumuko ako para sumubo. Gamit ang gilid ng mata. Nakita kong ganon pa din ang postura niya. Halos hindi ko na manguya ng maigi ang kinakain ko sa tingin niya. Kaya nakahinga ako ng maluwag ng magyaya na sila Ria na bumalik sa office. Kung minamalas malas ka nga naman nakasabay pa namin si Mr.Eastaugffe sa elevator. “Good afternoon Sir.” Yumukod kami ng konti. Pumwesto sa likod si Mr.Eastaugffe katabi ko habang si Cris at Ria walang kaalam alam na kanina pa masama nag tingin ng boss namin sa akin. Baka isang araw mawala na lang ako ng parang bula. Hindin komfortableng hinawi ko nag buhok ko dahil sa katabi kong boss na nakasimangot at mariin ang titig. Lord.. Ano bang ginawa ko para parusahan ng ganto? Ang ilang minuto ay parang taon sa akin sa tagal habang nasa elevator. Ramdam na ramdam ko yung mariin niyang tingin. Bakit ganyan ka Sir? Wala naman akong ginawa sayo 'e! Kinagat ko ang ilalim ng labi para hindi mabigkas yung mga salitang yun kasi paniguradong sa kangkungan ako pupulutin nito. I sighed when the elevator opened. Malalaki ang hakbang ko na nauna sa paglabas. Nilagpasan ko yung dalawa at pinapaypayan ang sarili na umupo sa maliit na swevil chair ko. “Ang weird mo ngayon Bridget.” “Huh? Bakit naman Cris?” Kinakabahang tanong ko. “Simula sa Cafeteria para kang wala sa sarili.” “Ahh, May iniisip lang kasi ako.”Pagdadahilan ko kahit alam kong walang ka-kwenta kwenta yun. “Hay.. Sa wakas makakauwi na din.” Bulong ko ng matapos ang paper works. “Mauna na ako sa inyo Cris at Ria.” Pagpapaalam ko dahil hindi pa sila tapos na dalawa. “Ingat!” “See you tom.” Nakahawak sa batok na sumakay ako ng elevator, Umusog ako pagilid ng tumunog sign na may sasakay. “Oh!” I whispered when he entered. “Hi Bridget, Going home?” He asked. ‘”Yes.”Nakangiti kong sabi kay Ben. Tahimik lang kaming dalawa habang inaantay dumating sa lobby. Lumabas ako pagkabukas na pagkabukas ng elevator. “If you don’t mind, I can drive you home?” Nahihiya niyang sabi. “No, it’s okay. May dadaanan pa kasi ako.” He looked a little sad but smile eventually. “Oh, Okay. Ingat. See you tomorrow.” Mabilis siyang tumakbo palabas habang kumakamot ng ulo. He probably shy. I felt sorry for him. Like I said before I don’t want to entertain boys.. My only priority is my Son and look for his Father. Medyo nakonsensya ako dahil hindi nagsinungaling ako sa kanya but I just shrugged it off. NANG DUMATING ANG WEEKEND, it means day off ko. “Where do you want to go Baby?” Nakangiti kong tanong sa anak. “Don’t you have a work today?” I pinched his chubby cheeks. “It’s my day off today and tomorrow yey!” Lumiwanag ang mukha niya at napangiti. “Yey!” Hiyaw niya din at nagtatalon na kinatawa namin ni Ate Lina. “So, we’re do you want to go?” Nakangiti kong tanong sa kanya at lumuhod para mapantayan ang mukha nya. “Hmm..I want to go to the Zoo!!”Natawa ako sa sobrang ka-cute-an nya. “Okay.. Dress up we will go to the Zoo with Ate Lina.” “Yey! Let’s go Yaya!”Pag mamadali niya sa yaya niya. Natawa ako ng mataranta si Ate Lina at hindi alam ang uunahin. Inayos ko ang mga dadalhin habang pinapaliguan ni Ate Lina si Stefanos. Nilagay ko sa backpack ni Stefanos ang extra Clothes,Bimpo,Pabango,Pulbo, Toys then First Aid Kit. Nang masiguradong walang kulang. Binuksan ko ang cabinet para kumuha ng pang alis niya. Nilapag ko sa lamesa at kumuha naman ng sa akin. “Mommy! I’m done!” Napangiti ako sa matinis na boses ng anak ko na mula sa banyo. “All right, Ate Lina mauna ka na po maligo, Ako na magbibihis kay Stefanos.” Hinawakan ko ang kamay ni Stefanos at pinalapit sa akin.Pinunasan ko muna ng towel ang basang basang buhok niya. “Mommy..” “Yes Baby?” “I want to ride the Tiger.” Napatingin ako sa kanya. “What!? No!” Gulantang na sabi ko. Gosh! Baka lapain lang ng Tigre na yun si Stefanos. Nagsalubong ang kilay niya at namewang. “And why?” “It’s too dangerous for you, The Tiger might eat you Rawr!” Ngumiwi siya. “Waww!” Pang gagaya niya na kinatawa ko. “Ay bulol?” Nang aasar kong puna. Lumukot ang mukha niya. “Aaaa Mommy!” “Haha, Just kidding Baby.. Rawr!” Sinamaan niya ako ng tingin. Pikon ang baby ko HAHA. “WOW!” Hawak ko ang kanang kamay niya habang nakatanaw siya sa mga Monkey’s. “Mommy! Mommy! He kept doing this oh!” Natawa kami ni Ate Lina nang gayahin niya ang ginagawa ng mga unggoy. “Ang kyut naman!” Nakangiti kong sabi. “Mom what is that?”He curiously asked while staring at the giraffe. “It’s Giraffe baby..” Nag angat siya ng tingin sa akin. “Can I ride him?” “No, baby. But you can feed him.”Pangaral ko sa kanya. “Really?”Masayang wika nya. “Yes baby.” Lumapit ako sa Staff para manghingi ng kinakain ng Giraffe. Pinapwesto ko siya malapit dun sa Giraffe. Inabot ko ang ilang pirasong pagkain. “Ilahad mo yung braso mo sa kanya para makita niya na may pagkain ka.”Tumango tango siya habang kumikislap ang mata na nakatingala sa Giraffe. “Stefanos!” Napasigaw kami ni Ate lina dahil sa sobrang kakatingala niya sa Giraffe muntik na siyang tumihaya buti nalang nasa likod niya si Ate Lina. “He’s really tall.” Napailing ako sa anak kong may sapak ata sa ulo. “Waaa! Mommy! Yaya! Look! He’s eating!” Humihiyaw na sabi niya. Nakatuon ang phone ko sa kanya. Tawang tawa kami ni Ate lina sa reaction niya habang nagpapakain. “Let’s go.”Yaya ko sa kanila at tumungo sa tigre. “Waww! Waww!” Napayuko ako para tingnan siya. Haha, Paulit ulit niyang binibigkas yun para maging isang ‘Rawr’ Pasimple kong kinuhanan siya ng video habang nakatanaw siya sa Tigre na naglalakad lakad. He kept murmuring to himself ‘Waww’ “Mommy, WH- MOMMY!!” Nakasimangot niyang sigaw habang nakatingin ng masama sa akin. “HAHAHA, Sorry Baby. Rawr!” “THANK YOU!.” Nakangiti kong sambit kay Ate Lina nang mag volunteer na siya na ang bibili ng pagkain. Binuhat ko si Stefanos at pinaupo sa lamesa. “Pawis na pawis likod mo oh!.”Puna ko at hinubad ang T-shirt niya. “Obviously.”Supladong saad niya. “Aguy! Ang sungit ng baby ko ngayon ha?” Ngumuso siya. Pinunasan ko ang likod,leeg at batok bago pulbusan. “Puno na ba Diaper mo?” Tanong ko sa kanya. “Nope!” I smiled and nooded. Nilagyan ko din ng pulbos ang mukha niya at nag spray ng perfume. “Bango bango naman ng baby ko.” Paglalambing ko sa anak at gigil na niyakap siya. PAGKADATING ni Ate Lina kumain muna kami saglit bago umikot muli sa Zoo. Buhat buhat ko ang anak na nakatulog na dahil sa pagod.Nakasunod lang si Ate Lina sa likod ko bitbit ang bag ko at ni Stefanos. “Napagod ata siya ngayong araw, Ate Lina.”Natatawang sambit ko habang hinihimas ang likod ni Stefanos. “Naku! Paniguradong enjoy na enjoy siya.” Napatango ako sa sinabi ni Ate Lina. Nilapag ko sa higaan na hinanda ni Ate Lina si Stefanos, Pinalitan ng Yaya niya siya ng pantulog bago ako magpalit ng damit. KINABUKASAN sakto bumisita si Chryses at sinabing pumapayag na siya sumali sa Binibing Pilipinas. Hindi naman talaga ako yung gagastos para doon kundi si Mommy. I asked her if she can sponsor Chryses to Binibining Pilipinas, Dahil madami na din natulong sa akin si Chryses mabilis na napapayag si Mommy. I know that Chryses can do it. She’s Queen of Pageants after all. Sinulit ko ang buong araw kasama si Stefanos. Pinag-day off ko muna si Ate Lina at mamayang gabi siya babalik. Inalis ko muna sa isip ko ang mga problema at nag enjoy maghapon kasama si Stefanos. We watched cartoons, We slept, We ordered a Jollibee then we play. Ayokong makulungan si Stefanos sa aruga ng isang magulang. I can be his Mother or Father if he want.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD