Mainit pa rin ang araw, pero malamig ang pakiramdam ko habang paatras kong nilalakad pauwi, Halos ikutin ko na ang buong mall, Nag babaka sakali! Pero Wala si Kael. Pinuntahan ko ang rooftop ng lumang mall — kung saan namin binuo ang munting mundo namin. Inakyat ko ang pamilyar na hagdan, kinapa ang lumang gate, at umupo sa pwestong palagi naming inuupuan. Pero ni anino niya, wala. Tumawag ako. Wala. Nagtext ako. Wala pa ring sagot. Walang Kael. Walang paliwanag. Walang pasensya. Walang dahilan. Kasabay ng pagbagsak ng araw ay ang unti-unting pagguho ng loob ko. Pagbalik ko sa amin, mabigat ang hakbang ko. Paakyat pa lang ako ng hagdan ng bahay, may kaba na sa dibdib ko. Kasasabi lang ni Natty kahapon na hindi na niya kaya ang pagdadala ng sikreto. Hindi siya mapakali buong gabi. A

