Sweet's POV
Nanlaki ang mata ko nang tumingin sila sa pwesto ko. Nilukob ng takot at kaba ang sistema nang magsimulang tumakbo sila papunta rito. Kailangan ko 'tong panindigan. Ang hapdi pa ng sugat na ginawa ko.
And as what my instinct says, I ran as fast as I could. Nakita ko pang natumba si Sir Pablo. Mukhang malaki pa ang pinsala na natamo niya dahil sa mga halimaw na ito. I know I'm hopeless, I'm in a hopeless case. They are supernaturals, at hindi magtatagal ay mahahabol na nila ako. But still, I'm trying.
Mas binilisan ko pa ang takbo at natanaw na ang kotse. Pwede naman akong umalis na at mag-drive palayo. But I'm not that kind of girl, hindi ko iiwan si Sir Pablo. Nakarinig ako ng sigaw sa gitna ng nakakalokong tawa ng mga humahabol sa akin. They are confident na mahuhuli rin nila ako kaya hindi sila nag-eexert ng effort para tumakbo nang mas mabilis. Pero kahit ganoon halos maabutan na nila ako.
Napatili ako nang makarinig ng putok ng baril. I tried to look back and saw Sir Pablo meters away from the vampires, holding a gun. Natumba ang isang bampira matapos siyang matamaan sa binti. Napatumba rin ako matapos mapatid sa malaking bato.
Pilit na tumayo ang natamaang bampira at pa-ika-ika na sinugod si Sir Pablo. Samantalang ang isa ay ngumisi sa akin ng nakakaloko at pinasadahan ng malagkit na tingin ang katawan ko. Kinilabutan ako sa klase ng tingin niya. Nakakadiri ring tignan ang mukha niyang may bahid ng dugo, maraming sugat at peklat at nakalabas na mga ugat sa may noo niya. These monsters are horrible!
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin!" sigaw ng nabaril ni Sir Pablo at naglakad papunta sa professor ko. Samantalang nagsimulang maglakad papunta sa akin ang isa pa.
"Ikaw ang pinakamagandang nilalang na aking nasilayan. At ngayon, pwede ko namn sulitin..." aniya. Takot ang pinakanararamdaman ko sa ngayon. Kitang-kita ang pananabik, gutom at pagnanasa sa kaniyang pulang mata.
Hindi katulad sa tao, walang puti ang kaniyang mata. Purong pula lamang ang mga ito na mas nakakatakot sa kaniyang itsura.
Nakalapit na siya sa akin. Hinaplos ang aking braso na nakapagpatindig ng aking balahibo. Patuloy sa pag-alpas ang mga luha mula sa aking mata. Napaupo ako at sumunod din siya sa akin. Pinagsisisihan ko ba ang ginawa namin ni Sir? I don't know. Masyadong magulo ang utak at emosyon ko.
Lalong inilapit niya ang sarili sa akin. He dipped down and nuzzled my neck with his nose. Wala akong magawa, tila naestatwa ang katawan ko. Nakita ko rin si Sir Pablo na pilit na lumalaban sa kaharap niyang halimaw. Napaiyak ako lalo nang maramdaman ang paghagod ng kan'yang dila sa aking balat. He let out a low growl.
"So sweet, napakatamis..napakabango..." aniya. Pilit ko siyang itinulak. Ngunit hinawakan lamang niya ako sa magkabilang palapulsuhan gamit ang isang kamay at itinaas ito. Sa isang kisap-mata halos nasira na ang jacket ko. Napunit rin nang bahagya ang suot kong t-shirt na panloob. I saw how desire on his eyes enraged, nang halos makita nang bahagya ang aking pantaas na katawan na may isang natitirang saplot na lamang.
Lalo akong napahikbi nang halik-halikan niya ako sa pisngi habang pumapasada ang isa niyang kamay sa aking katawan.
"Napakabango..." aniya. He let out his tongue and licked my cheeks down to my jaw. It trailed down on my neck down to my collar bone. Nakakadiri. Pakiramdam ko ang dumi ko na sa bawat pasada ng kan'yang kamay at dila.
"Get off."
Pareho kaming napatigil nang marinig ang malamig na boses na iyon. Nang marinig ko ito noon ay bahagya itong paos at malambing ngunit ngayon, panganib ang hinuhudyat ng boses na iyon.
Nag-angat ako ng tingin at tinignan siya. Nakasuot pa rin siya ng jacket ngunit hindi ang hood nito. Itim na itim ang kaniyang buhok at natatakpan ng ilang hibla ang kan'yang noo. At kapansin-pansin rin ay ang manipis na buhok na nasa balikat niya. Nakatirintas ito at sigurado akong nagmumula iyon sa may bandang batok niya. Manipis lamang ito, but it looks so attractive.
Nang magsalubong ang aming mata ay naging pula ito. Natatakpan parin ang kalahati ng kaniyang mukha ng itim na maskara. His crimson red eyes are magnetic. Parang hinihila nito na tumingin sa kaniya. Hindi rin ito tulad ng mga bampirang na-encounter ko. Katulad rin ito sa mga tao, manliban sa pula nga lamang ito.
"L-Lord L--"
Hindi natapos ng bampira sa aking harap ang sasabihin nang sa isang kisap-mata ay hawak na siya sa leeg ng estranghero. Napabaling ako sa tindig ng katawan ng bagong dating. Naka-kuyom ang isang kamay nito habang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa leeg ng bampira. At kahit may suot siyang jacket, kitang-kita pa rin sa hubog ng kan'yang katawan ang ganda ng pangangatawan. The ripped maong jeans made him hotter and it emits a perfect bad boy aura. Plus the ankle black boots. Malaya ko ring nakita ang pag-ladlad ng tila buntot niyang buhok sa bandang batok.
"Did I permit you to speak, asshole?" he asked in his dangerous voice.
Napapikit ako nang maramdaman ang pagod. Nagmulat ako at tinanaw ang pwesto nila Sir Pablo. Duguan na rin siya at nanghihina, at sa harap niya ay nakahilata ang hinang-hinang bampira na maraming tama ng bala.
"I already warned all of you, touching her will be the death of you."
At nakarinig ako ng tila pinilipit kasunod ay ang pagsigaw nito. Nakarinig ako ng may nahulog at pagtingin ko ay ang bangkay ng bampirang pilipit ang ulo.
Hindi ako nakaramdam ng awa, bagkus ay ginhawa. Tapos na ba? Nakarinig ako ng mga yapak na palapit sa akin. Hindi ako natakot, dahil alam kong siya naman iyon. Naramdaman ko ang presensya niya sa harap ko. I felt him touched my cheeks down to my jaw and neck.
Napamulat ako dahil sa kiliting hatid nito. Sinalubong ng kan'yang kulay abong mata ang akin. Balik na sa pagiging kalmado ang kan'yang ekspresyon. Ngunit nang dumako ang tingin niya sa leeg ko ay naging pula na naman ito at napuno ng galit. Kitang-kita ko sa bandang likod niya ang pagiging bato ng bampirang pinaslang niya at nabasag din. Maya-maya ay naging abo na ito at nilipad ng hangin.
"My innocent Sweet Aphrodite put herself in danger," aniya habang diretsong nakatingin sa akin. Nanlaki ang mata ko matapos niyang sabihin ang buong pangalan ko. He really knows me! Sino ba siya?
"My sweetheart is really stubborn." Matigas niyang saad at nagtiim-bagang. Sandali akong kinabahan nang makita ang galit niya ngunit agad ring nawala nang haplusin niya ang mukha ko at muli siyang kumalma.
"But don't worry I'll always save you, my innocent," dagdag niya.
Napahikbi ako nang maramdaman ang saya at seguridad galing sa kan'ya. It is my first time that someone made me feel true care and security. Pinalis niya ang luha ko.
"Thank you..." paos kong saad.
"But it pisses me off big time, everytime you are hurt or someone touched you." At muling naging madilim ang kan'yang anyo.
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa hiya. Bahagya siyang umatras at hinubad ang kan'yang jacket. I prayed that he will remove his mask as well, but to my disappointment, he didn't. Hindi man lang ito nagalaw kahit kaunti nang matamaan ito ng tela.
Inalalayan niya ako at sinuot sa akin ang jacket. I shivered when I smelled his manly scent that almost hypnotized me to nuzzle his neck. Inayos niya nang marahan ang aking buhok at isinabit sa tenga ko ang ilang hibla na tumatabing sa aking mukha. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya.
He's wearing a black v-neck shirt. Hapit na hapit ito kaya malaya kong natignan ang hubog ng katawan niya. His chest, muscle, shoulder and stomach are well-toned. Parang ang sarap sumandal dito at damhin kung gaano ito katigas. He have muscles on right places at sa bawat galaw niya ay nag-f-flex ang kan'yang muscle. I gasped and my jaw dropped when I looked on the lower part. Bahagyang nakasilip ang kan'yang abs. It's inviting to be touched. Damn it!
"My innocent Sweet is thinking something naughty..."
Napakurap-kurap ako at napatingin ako sa kan'ya. Nakangisi siya at amuse na amuse na nakatingin sa akin. I felt my cheeks burned, nakita niya akong makatitig banda sa abs niya. This is embarrassing!
And his smirk? Damn, everything on him is sexy.
"W-who are you?" I asked. His smirk slowly faded at naging seryoso. Sinapo niya ang pisngi ko at mariin na tinignan.
"You'll know soon," aniya. Nanghinayang ako pero tumango na lamang. Hindi ko siya pipilitin, pero gusto ko rin naman siya makilala.
Sumilip ako sa bandang likod at nakita si Sir Pablo na walang malay samantalang unti-unti nang nilipad ng hangin ang abo ng bampirang napatay niya.
"You're with him, right?" aniya sa mapanganib na boses. Napatingin ako sa kan'ya. Wala siyang emosyon ngunit may gustong ipahiwatig ang mata niya.
"Y-yes, he's my teacher," sagot ko. His face remained stoic.
"Don't just go with anyone. You don't know what they are thinking about you inside their head. Don't trust easily," aniya.
"Eh ikaw? What are you thinking about me?" Lakas loob kong tanong.
"You don't need to know. All you need to know is... I will always protect you," seryoso niyang saad. I can hear sincerity on his voice. Dahan-dahan akong tumango. He let out a sigh at biglang nawala sa harap ko. Nanlaki ang mata ko at nilibot ang tingin. He left me?
Napatingin ako banda kay Sir Pablo at nakita itong buhat sa balikat ng estranghero. Sir Pablo is tall, malaki rin ang katawan nito. But he's nothing compare to the stranger. Di hamak na matangkad ito at mas maganda ang tindig. He looks like a model while walking, habang naasabit sa balikat si Sir. Parang wala lang ang bigat ng matanda para sa kan'ya. I am suddenly wondering about how strong he is.
Binuksan niya ang kotse at nilapag ito sa backseat. Sandali siyang nagtagal doon bago lumapit sa akin. Napasinghap ako nang walang kahirap-hirap na buhatin niya ako papunta sa bisig niya na tila prinsesa. Maagap na napakapit ako sa leeg niya. And I can't help but to stare at him. Abot kamay ko na ang maskara para matanggal sa kan'ya. But I didn't try to remove it. His reflexes was fast kaya mabilis lamang niya akong mapipigil, at isa pa tila may nagsasabi sa aking h'wag makialam.
Mula sa pilik-mata niyang nakalagpas sa butas ng maskara dahil sa haba. Makapal ito dahilan para mas maging nakaka-akit ang kan'yang mga mata. Abo ang kulay ng kan'yang mata, at kumikislap sa tuwing natatamaan ng liwanag. Napaka-misteryoso nito, na tila may napakalalim na sekreto. At kung tumingin ay tila napupunta kayo sa ibang dimensyon. His aristocrat nose, na lalong na depina dahil sa maskara. It is proud and arrogant. Pababa sa kan'yang labi na napaka-pula. It is natural, makinis at mukhang malambot. I remember what's the feeling when it touch mine. And his whole feature is perfectly made and carve. Hindi minadali at talagang masinsinang ginawa ang bawat sulok.
Napatigil ako nang makita ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Napa-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Halos mahigit ko ang aking hininga sa lapit ng aming mukha. Naka-upo na ako sa tabi ng driver's seat at nakatukod ang kan'yang mga braso sa magkabilang gilid ko. I saw how his tongue flicked and wet his lips. Titig na titig siya sa akin na tila kami lamang ang tao sa mundo.
"Stop staring now, sweetheart. While I can still control myself," he said in husky voice. Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. I heard his low sexy chuckle.
Sinara niya ang pinto at umikot saka sumakay sa driver's seat. He started the engine and started to drive. Napatingin ako sa braso niya kung saan nag-f-flex ang muscle dahil sa pagmaniobra ng manibela. Napatalon ako sa tikhim niya at natagpuan siyang nakangisi. Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang labas.
"Next time, don't put yourself in danger because of curiosity sweetheart. I want to see you again, but I hope not on that situation," aniya. Nag-aalangan man ay tumango ako at pinikit ang mata. And I fell in deep sleep.
"Because I don't want you to be hurt, my love..."