Sweet's POV
Ipinasok ko lahat ng kailangan ko in case of emergency sa bag saka ito isinara. I walked towards my cabinet on the bedside saka kinuha ang itim na jacket. I fixed my hair into ponytail and took a last glance on the mirror before putting my jacket on. Isinuot ko na rin ang bagpack bago dahan-dahang lumabas ng kwarto.
I need to be careful, para hindi magising sila Stella at Irene. Magtataka sila kapag nalaman nilang aalis ako nang dis-oras ng gabi lalo na at day-off ko ngayong linggo kaya walang pasok. I sighed when I finally get my way out of the room. Dahan-dahan kong isinara ang pinto saka tuluyan nang pumunta sa my main door at ni-lock ito.
Pare-pareho naman kaming may duplicate ng susi kaya hindi na rin ako nag-aalangan kung paano pumasok mamaya. I glanced on my wrist watch and learned that it's already almost eleven in the evening. Pumara ako ng tricycle para mabilis na makalabas ng village patungo sa convinient store na napag-usapan namin.
Ayoko siyang paghintayin plus I'm afraid that I might encounter a vampire again, alone. At baka this time wala na akong kawala at wala nang magligtas sa akin.
After almost ten minutes tumigil na sa harap ng convinient store ang tricycle. Binigay ko ang bayad saka mabilis na bumaba para makapasok na. Mabuti na lamang pala at nag-suot ako ng jacket, masyadong malamig ang panggabing simoy ng hangin at air-conditioned pa sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay agad kong hinanap ang pwesto niya. I saw him seating alone at may kape sa harap niya habang busy sa pagbabasa ng libro. Nag-angat siya ng tingin at tipid na ngumiti bago iminuwestra ang upuan sa harap niya.
"Good evening Sir Pablo," pagbati ko. Hinila ko ang upuan saka umupo sa harap niya. Nilapag ko ang bagpack sa tabi kong bakanteng upuan.
"Good evening too, Aphrodite," bati niya at tinulak sa harap ko ang kape na nasa lata. Magalang ko itong tinanggap saka hinawakan ito at dinamdam ang init. I opened it and took a sip saka bumaling sa kan'ya.
"Kanina pa po kayo?" tanong ko. Umiling siya at inilapag ang binabasang libro.
"Hindi masyado. And don't worry, nagbasa pa naman ako," aniya. Inusog niya papunta sa akin ang libro na kanina lang ay binabasa niya. Itim ang cover nito at nakalatha sa pinakaharap ang salitang 'Vampires' gamit ang eleganteng mga letra na kulay ginto.
Binuklat niya ito kung saan may nakasingit na marker at sumenyas na basahin ko. Sumimsim muna ako sa kape bago nagsimulang basahin. It contains facts about vampires.
"Hindi ako ganoon ka-kumbinsido sa history ng mga bampira na nakasulat diyan. We don't know if those are true, at hindi pa naman natin kailangan 'yan. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang ilang mga kakayahan nila. I'm not also sure if those are true, pero mabuti nang may background tayo," aniya. Tumango ako saka pinagpatuloy ang pagbabasa.
Mabuti na lamang at pumayag din sa wakas si Sir Pablo tungkol sa pagsama ko sa kaniya sa pagkuha ng ebidensya tungkol sa mga bampira. I know this is a dangerous move. Kakaiba ang mga halimaw na iyon. But I want to prove something, that I'm not crazy or what. Plus curiosity is really killing me slowly. I want to know kung saan sila nagmula, kung ano ang iba nilang ginagawa, kung ano ang tinatago nila at iba pa. I want to know their secrets. Their place. Everything about them.
"Based on that book, vampires are creature that are fed by blood. They are bloodsucking monster, kumbaga 'yon ang life support nila. They have fangs which they use to be fed. Mahahabang kuko, kakaibang bilis, pulang mata. They have pale white skin." Paglalahad niya. Napatango naman ako. Those description are true base on what I saw and encounter. Nakakatakot ang mga iyon. And humans are foods for them.
"They are beautiful creatures, magaganda ang kanilang mukha. Hindi mo mapapansin na kakaiba sila kung hindi lamang dahil sa sobrang putla ng kanilang balat. But these days ay hindi na nakakabigla ang sobrang puti. Like you Miss Sweet, well you just have a pinkish cheeks at mas may buhay ang kulay," aniya at pinasadahan ako ng tingin. Pumikit ako at inalala ang mukha ng mga halimaw na iyon.
Beautiful creatures? Pero hindi ganoon ang nakita ko. Mukha silang baliw. Gutom na gutom. Kitang-kita pa ang mga ugat at litid nila sa may noo at leeg na tila laging nape-pwersa.
"But there are some group who is crazy, who has an uncontrollable bloodlust. Sila ang may nakakatakot na hitsura. Sila ang mga nawala sa sarili," dugtong niya na nagpabigla sa akin.
So, iyon ang mga na-encounter ko? And it means merong mga bampira na maayos ang pag-iisip? Na maaaring nakasasalamuha namin? But who knows, hindi ko sigurado kung totoo ang nilalaman nitong libro na 'to. It may be fiction or... not.
"They are sensitive on sun rays. Hindi naman totally na takot sila sa sikat ng araw. They are sensitive and possible to get hurt during sunrise and sunset. Masakit iyon para sa balat at mata nila. Meaning kahit umaga maaari silang gumala. Pwera lang sa mga nasabing oras." Dahan-dahan akong napatango. So it's dangerous for human even in daylight? Ligtas lamang kami sa sunset at sunrise. Lalo na siguro sa gabi. They are free to walk everywhere. Para maghanap ng biktima at sisipsipan ng dugo.
Kinilabutan ako sa naisip. All my life, ang naisip ko lang na maaaring manakit sa atin ay kapwa tao, sila lang ang maaaring pumatay. Ang mga delubyo, sakit o kaya ang pagbawi ng buhay na pinahiram sa atin. But I never thought that there might be someone except those. The monsters.
Sir Pablo discussed many things about vampires. Mukhang masyado siyang maraming alam, and that's a great help. Hindi man namin alam kung saan doon ang mga totoo atleast alam namin ang mga posibilidad.
Halos lampas alas-dose na kami lumabas ng convenient store. Sir Pablo bought five cans of coffee para hindi kami antukin sa gagawin namin. Naka-dalawang can na nga ako sa loob ng halos dalawang oras na pag-uusap namin sa loob, samantalang naka-tatlo naman si Sir.
Sumakay kami sa kotse and he started the engine. Bumaling ako sa labas habang bumabyahe. Hindi naman ako kinakabahan na si Sir ang kasama ko. I know he's not capable of doing wrong against me. I can feel it and I'm comfortable with him.
Hindi heavily-tinted ang salamin. Tama lamang upang mapagmasdan ang labas. Kahit madaling araw na ay marami pa ring mga naglalakad galing sa trabaho. May iilan pa ring mga sideway vendors. Ngunit habang papalayo kami ay papaunti na rin ang mga nakikita naming mga naglalakad na tao. Mahigpit kong niyakap ang bagpack para mabawasan ang kaba.
I don't know what to do when we encounter a vampire. Paano kung sugurin kami nito? Malakas ang mga nilalang na iyon, and on Sir Pablo's built may laban naman kahit papaano. Even he's a little bit old, matikas pa rin ang pangangatawan niya at malakas. But still, kinakabahan ako. Supernaturals ang haharapin namin. Ayaw pa nga sana ni Sir na isama ako dito, but I'm persistent.
Dim lights are scattered on the way. Nanggagaling iyon sa mga lampost ng parke na pinuntahan namin. Mukhang malapit nang mapundi ang mga ilaw nito. Napili namin dito, mataas kasi ang posibilidad na may gumagala ditong bampira. Since sa madilim na bahagi sila mahilig mag-abang. Alam naman siguro kasi nila na kahit madilim ay may dadaan at dadaan pa ring tao dito. And on their side, mataas ang advantage nito.
Rinig ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Nanlalamig ako dahil sa halong kaba at takot. Ano nga ba ang laman ng backpack ko? Flashlight, lubid, extra-shirt, kustilyo at first-aid kit. Magagamit ko nga ba ang kutsilyo kung sakaling may sumugod sa amin? Napapikit ako dahil sa naisip. Ni-hindi ko nga kaya na manood ng palabas sa telebisyon na may sinasaksak kahit palabas lamang iyon. Makakaya ko bang isaksak iyon sa bampira na mananakit sa amin? Maybe yes, maybe no. Bahala na si adrenaline rush. Ngunit magiging effective ba 'to? Mapupuruhan ko ba siya?
"Want to back out Missy? Pwede na kitang ihatid, at hayaan mo na lang ako sa misyon na 'to. After all, hindi ko gustong nandito ka dahil baka mapahamak ka pa," seryosong saad ni Sir Pablo na nagpabasag ng katahimikan. Dahan-dahan na ring bumabagal ang pag-andar ng kotse. Nilingon ko siya at umiling.
"No Sir, I'm in. I'm sure," sagot ko at tumingin sa harapan. Despite of my fear and nervousness I'm still determined to do it.
Huminto ang sasakyan sa tabi ng malaking puno. Huminga ako nang malalim bago tinulak ang pinto at lumabas ng kotse. Umihip ang hangin, nakaramdam ako ng panlalamig kaya niyakap ko ang sarili. Matapos dumaan ng malakas na hangin na iyon ay bumalik ang napakatahimik na paligid. Nakabibingi.
Halos marinig ko pa ang pagkisap ng patay sindi na lampost sa hindi kalayuan. Naririnig ko ang tunog ng makalawang na duyan na gumagalaw dahil sa pagdaan ng hangin kanina.
"Meron kaya tayong makikita rito?" Tanong ni Sir saka naglakad papunta sa harap ng kotse. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Madilim ang magkabilang dulo ng daan, ngunit may mga kakaunting liwanag dala ng mga poste.
Rinig na rinig ko pa ang mga pagtapak ni Sir sa semento habang naglalakad-lakad siya para magmasid. Halos mapatalon ako nang lumingon siya sa akin.
"Stay in the car. Pupunta lang ako doon," saad niya at tinuro ang madilim na parte ng parke kung nasaan matatagpuan ang playground.
"Sasama po ak—" pinigil niya ako.
"No, pinayagan na kitang sumama, pero this time ako ang masusunod, Miss Aphrodite," mariin niyang saad.
Napalunok ako nang marinig ang otoridad sa boses niya. Dahan-dahan akong tumango saka pumasok sa loob ng kotse. Kinuha muna niya ang bag niya bago naglakad paalis. Binilin pa niyang i-lock ko ang pinto.
Kinakabahan ako para sa kaligtasan ni Sir. Somehow, I can feel that he's concerned for me, for my security. I hope manatili siyang ligtas.
Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa siya bumabalik. Nagsisimulang lamunin ng takot ang sistema ko. Paano kung nabiktima na rin siya ng bampira? Napapikit ako at naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Kasalanan ko iyon dahil pinatotohanan ko pa ang teorya niya. Pero gusto ko lang naman na may kagaya ako na naniniwala. Na hindi talaga ako baliw. But still... my fault. Huminga ako nang malalim bago dahan-dahang tinulak ang pinto.
Alam kong sinabi ni Sir na manatili ako, pero hindi ko maatim na manatili lang dito sa loob at hintayin siya. Pumunta kami dito nang magkasama, it means haharapin namin ito nang magkasama.
Gumagapang na ang pag-aalala sa sistema ko nang itapak ko ang aking paa sa semento. Pinakinggan ko ang paligid. No signs of him. Sinara ko ang pinto habang bitbit ang bagpack ko. Huminga ako nang malalim saka kinuha ang flashlight at dahan-dahang naglakad.
I'm praying na sana, walang halimaw dito. Walang bampira. This is a suicide mission. Damn it!
Tinignan kong muli ang kotse. Pwede naman akong manatili doon. Mas safe, mas secure. Pero hindi ko kaya. Nilingon kong muli ang daan kung saan pumunta si Sir Pablo. Susundan ko siya.
Kaunting kaluskos ay naninigas ako sa takot. Pero kapag tinamaan ng liwanag galing sa flashlight ko nakakahinga ako nang maluwag kapag nakita kong pusa lamang iyon, o kaya ay kung anu-ano.
Natigil ako at nagtago sa likod ng puno nang makarinig ng ingay. It is a sound of low growls. Dahan-dahan akong sumilip at napasinghap ako nang makita kung ano iyon.
Ilang metro lamang ang layo, Sir Pablo is cornered by two vampires. Bakas ang kaba sa mukha niya ngunit pilit niya iyong tinatago. Paulit-ulit siyang sumusulyap sa kinaroroonan ng kotse niya na hindi kalayuan dito. He must be thinking about my sake again.
Naluha ako nang makita na may kalmot siya sa braso. But still, iniisip pa rin niya ang seguridad ko. Hindi ko kaya 'to.
Dahan-dahan akong umalis mula sa pagtago at kinuha ang kutsilyo. I'm not sure about this, I'm afraid. Pero... gagawin ko.
Nanlaki ang mata ni Sir nang makita ako at pasimpleng umiling. Umiling rin ako at sinugatan ang palad ko. Napakagat labi ako, ang hapdi.
Natigil sa paglapit ang mga bampira at nanigas sa kinatatayuan nila. Maya-maya ay lumingon sila sa kinaroroonan ko. Mahabang pangil, nanlilisik na pulang mga mata.
"So sweet..." They growled at mabilis na tumakbo papunta sa akin.