Eliza's POV Balik normal na para saakin ang lahat, I mean not all dahil sa problema ko sa bahay namin. Ginagawa ko naman ang lahat ng meron ako para masalba iyon. Lumapit narin ako sa mga abogado, mga abogado talaga dahil limang law firms na ang tumanggi sa kaso ko. Nang nalamang Brandon Angeles ang kalaban agad tumanggi ito. Ni hindi ko alam kung napagplanuhan na ba talaga ni Brandon ang lahat; anong kailangan niya saakin? Hindi ako nagsasalita, tahimik lang akong lumalaban. Ni hindi alam ni Marco o ni mama ang mga lakad ko. Bumabalik ako sa trabaho pero oras-oras akong kumukontak ng mga abogadong magpapabagsak kay Brandon. "Sis?" nasa board room malapit ako at inaabangan ang paglabas ng mga investors, may malaking deal ngayon halos lahat ng board members ay nandirito. Kasama roon si

