Ellaine's POV Hindi ko alam kung anong meron dyan sa Eliza'ng iyan bakit nababaliw din si Brandon, dahil kung s*x lang din ang habol niya, marami kaming nakakapagbigay nun sa kanya, pera lang ang kapalit. Iyon na yata ang misyon ni Ate Jane sa buhay nya, ang ibigay ang lahat ng gusto ni Brandon; pero hanggang ngayon may isa pa syang hindi maibigay-bigay kay Brandon; at ngayon ko lang nakitang galit si Brandon, sobrang galit. "Paano iyan ngayon? Bustamante ang kalaban" sigaw ni Patricia. "Nag iisip ako" malamig na sagot ni Brandon. "Jusko, kung alam ko lang na Bustamante ang bumili sa babaeng iyon di ko na sana binigay, deputa!" pumapaypay ito. Sa mga oras na ito, nakaupo lang ako sa gilid habang pinapasarap ni Jane ang buhay ni Brandon, I look at him. Kumpara kay Steven, malayo ito pe

