Darryl's POV Panaka-naka akong napapasulyap sa gawi nya habang nagdadrive ako. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sulyapan ang angkin nyang ganda na matagal kong namiss. Oo ang anim na taong wala sya ay parang impyerno ang buhay ko. Ngayong narito na sya sa tabi ko at malayang nakikita ay para akong nakawala sa impyernong kinasadlakan ko. Masisisi ba ako ng iba? Sya ang kasagutan sa walang kwenta kong buhay. Dahil sa kanya nabuhay ang dugo ko sa katawan at nagkaroon ng liwanag ang dating madilim kong mundo. Sya naman ay halatang hindi pinapansin ang presensya ko. Inaabala nito ang sarili sa kakakalikot sa kanyang cellphone. Dahil siguro sa pagod sa biyahe ay hindi nito namalayan ang antok kaya nakatulog ito sa kanyang kinauupuan. Napangisi na lamang ako habang malayang napagmamasdan ang

