"Bakit kailangang ako ang magbayad sa kasalanan mo mommy?" tumatangis nyang wika sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. "Naging mabuti naman akong anak, naging mabuti akong tao, naging mabuti akong nobya at wala akong inagrabyado pero bakit nangyayari ang lahat ng kamalasang ito sa akin? Napakasakit mommy. Hindi ko na matutupad ang pangarap nyo ni daddy sa akin. Hindi na ako gagraduate with flying colors at hindi na rin ako magiging CPA gaya ng pangarap nyo ni daddy. Wala na akong mukhang maihaharap sa mga tao, sa mga kapwa ko estudyante at sa mga faculty ng university. Sirang-sira na ako mommy, daddy! Huhuhu! Gusto ko na lang maglaho pero mas kasalanan iyon sa Diyos pero hindi ko alam ang gagawin ko. Hirap na hirap na ako mommy, daddy. Hindi ko kayang mag-isa ito,huhuhu!" patuloy n

