Gumabi na at lahat pero wala paring Darryl ang nagpakita sa akin. Nag-aalala na ako. Hindi rin sya sumasagot sa mga text at tawag ko. Very unusual for him dahil isang text ko lang tatawag na sya agad sa akin but this time nakailang tawag na ako sa kanya pero kinacancel nya lang. Hindi kaya niloloko nya lang talaga ako? Na totoo ang lahat ng sinabi ni Joey about sa nalalapit na kasal nila. Ayoko! Ayokong isipin na niloloko nya lang ako. Lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa sakit. Para bang sinasaksak ng paulit ulit. Hindi ko maiwasang maparanoid at mag overthink. I need to know the truth. Kung kailangang puntahan ko sya sa mansion ng mga Escudero ay gagawin ko. Kailangan kung malaman ang sagot sa lahat ng tanong at pagdududa sa isip ko. Nagtext ako sa manager ng Jazz na hindi muna ako pa

