Chapter 16

1647 Words

Pagkatapos ng mainit naming sandali ay dagli akong nakatulog. At ngayon nga ay naalimpungatan ako sa malalim na gabi. Puno man ng alalahanin ang dibdib ko pero baliwala ang lahat ng iyon kapag nasa bisig na ako ng pinakamamahal ko. Mahal na mahal ko si Darryl at sya lamang ang mundo ko sa loob ng mga buwan na nagkamabutihan kami. Sya ngayon ang inspirasyon ko kung bakit mas lalo ko pang pinagbubutihan ang pag-aaral ko. Malapit na malapit na akong matapos sa pag-aaral ko. Sa darating na buwan ay graduation na namin. Subrang nasasabik ako sa isiping sa wakas ay matutupad ko na ang pangarap ng aking mga magulang. Sila ang naging inspirasyon ko kung bakit nakikibaka akong mag-isa sa hirap ng buhay. Akala ko'y hindi ko kakayaning mag-isa lalo pa at nasanay ako noon sa maalwang buhay. Sino ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD