Chapter 15

1615 Words

Tanya's POV Malakas ang t***k ng puso ko at halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa galit. Hindi ako naniniwala kay Tony hangga't hindi mismo si Darryl ang magsasabi sa akin. Hindi ko maiwasan ang mag-isip at masaktan. Iniisip ko pa lang na ikakasal sa iba si Darryl ay naninikip na ang dibdib ko. Ganito pala ang magmahal. Masarap pero may kaakibat na sakit. Habang lulan ng jeep pauwi sa condo ni Darryl hindi ko maiwasang alalahanin ang lahat. Pinagtagpi tagpi ko ang lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ang mga pagkakataon na minsan ay nagkakatugmatugma. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwaksi ang masasamang imahe sa isip ko. Ayoko! Ayokong isipin na niloloko at ginagamit lang ako ni Darryl. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak kaya masakit na masakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil. Na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD