Galit na galit ako sa kanya. Kinasusuklaman ko sya pero bakit nasasaktan ako sa nasaksihan ko? Hanggang sa apartment ko ay umiyak ako ng umiyak. Buong magdamag akong lumuha. Kahit pagkain ay hindi ko nagawa. Subrang lungkot ng buhay ko, mag-isa at walang karamay. Wala man lang akong mapagsabihan ng problema ko at nilalaman ng loob ko. Do I deserve to be alone and lonely?Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng ito? Natukso akong buksan ang f*******: ko pati na ang i********: account ko. I was bombared with messages. Nangunguna na ang mga messages ni Darryl na pinasadahan ko lang ng tingin. Pag-open ko pa lang ng f*******: ko ay ang kasal nila Darryl at Joey ang agad na tumambad sa akin. Ang masayang mukha ng mga taksil at manloloko. Lalo lamang napuot ang puso ko. Agad kong kinans

