Tanya's POV Again, binigla nya ako at nilagay sa sitwasyong hindi ako makakatanggi. Ano ba ang dapat kong isagot? Para akong nasakal at walang mapagpilian kundi ang sagutin ng yes ang tanong nya. Yes I want to move on at ito ang tanging paraan para makalimot. Naniniwala akong darating ang time na matututunan ko rin syang mahalin ng buong puso at isip ko. "Ahm.....You seem so fun of surprises hon. Since you did a great job, I will say Y-yes!" pagkarinig nya sa salitang yes ay nagtatalon sya sa tuwa. Nagsisigawan naman sa saya ang lahat ng tao sa paligid namin. "Whoah! I love you so much Tanya!" malakas na sigaw nya saka ako binuhat at mahigpit na niyakap. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap nya. Ibinaba nya ako at walang babalang inangkin ang mga labi ko. Nagtitili sa kilig an

