Tanya's POV Pinagbigyan ko syang makausap ako. Pinatuloy ko sya sa loob ng condo. Pinaupo ko sya sa living room. Iniwan ko sya sandali para kumuha muna ng tubig sa kusina para mahimasmasan sya saglit. Naabutan ko syang hinihilot ang sentido nya at halatang hindi sya mapakali. Iniabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig na agad nyang tinanggap. Dali-dali nyang nilagok ang tubig. Nang mahimasmasan ay saka pasakalyeng nagsalita. "Tanya! Ahm...honey I am really, really sorry. Are you mad at me?" I clearly see the guilt in his eyes. "Why should I?" maang kong sagot. Para syang nabunutan ng tinik sa sagot ko. "I thought you were mad at me. About Adriana, I have nothing to do with her. I admit, we've been a f**k buddies but that was a long time ago. She's nothing to me now. Do you believe m

