“H-hindi ko siya kayang layuan.” Mas tumigas ang tingin ko kay Ylena. Mula sa pagkakatayo sa pinto ay humakbang ako palapit. Now I’m completely drenched with vexation. Nagpunta ba siya rito para lang sabihin sa akin iyan? Did she not know that Harris chose her over me? O’ baka naman kabaliktaran ang nangyayari? Nandito ba siya para ipamukha sa akin iyon? I scoffed. “You do know that I hate you, right?” “N-nieoni.. gusto ko kasi siya..” “So what?” Bumakas ang iritasyon sa mukha ko. “I don’t care what you feel about him. Ang sabi ko, layuan mo. Pero nagsumbong ka, ‘diba?” Namutla siya roon. Ilang beses siyang napakurap sabay tingin sa gilid, nahihiya. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng dibdib nito. From our small distance I could feel her agitation. Hindi siya nakasagot.

