Kabanata 8

1593 Words
“FINE.” I clenched my jaw. I was hoping we can settle this. Ibinaba ko ang pride ko para humingi ng paumanhin sa naging aksyon pero ito ang nakuha ko. He even dared to bring up my family’s name. “Bahala ka, Harris.” Tinalikuran ko siya. Agad kong nakita ang mapag-usyosong tingin ng mga pinsan kaya’t agad akong umiwas. Nagbago ako ng direksyon at diretsong naglakad patungo sa gate ng bahay. Tuwid na tuwid ang lakad ko habang ang panga ay nakayukom. I am pissed. Inis n ainis ako sa narinig kay Harris. Sinasabi niya bang kuhang-kuha ko na ang ugali ng mga Solivan? Mali bang nakikielam ako dahil gusto ko lang na mapunta siya sa matinong babae? My face was dark when I entered the house. Dumiretso ako sa kwarto at hindi na nag-abalang hintayin pa sila Vanica. I’m sure she already told Irah and Rouki what happened. Sigurado rin akong gagawa ng paraan ang mga iyon para pagbatiin kami ni Harris ngunit sa narinig ko ngayon ay huwag nalang. Pabagsak akong humiga sa kama. Diretso ang tingin ko sa ceiling. My arms and legs are spread apart. Inaasahan kong magiging maganda ang mangyayari bago dumating ang kaarawan ko pero puro stress ang dumating sa akin. Tamad akong umupo sabay abot sa cellphone ko. I opened my i********: account to video call Bleu. Active naman siya kaya’t hindi na ako nagsabi bago tumawag. I need her loud voice to shake me up. Naiirita ako sa nangyayari sa akin. Baka mag-iba ang epekto ng skincare ko kakaisip sa mga ganoong bagay. “Oh, bakit?” Iyon ang unang bungad niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay. “I’m at my daddy’s house. Where are you?” Imbis na sagutin ako ay inilibot niya ang cam ng cellphone sa harap at likod niya. She’s at the studio. Nahagip ko pa ng tingin sina Calithea at Xash roon na naglalaro ng uno. Marshall wasn’t there. Siguro’y kasama na naman ni Priston. It was her boyfriend. “Mag-aaya ka, Nieoni?” Boses iyon ni Xash. “BGC?” Umirap ako ‘saka sumandal sa headboard ng kama. “I have morning classes tomorrow. Hindi ako pwede.” “Bakit, sinong nagsabing iinom ka?” Humalakhak ito. “Ililibre mo lang kami.” I narrowed my eyes at the screen. Kuripot talaga. Ako na nga ang sumalo ng bayad niya kay Calithea. Buwan-buwan kasi ay nagbibigay kami ng pera para sa gastusin ng banda. Kuryente at tubig sa studio, gas ng sasakyan at upa. Madalas ay ako pa ang sumasagot sa alak pagkatapos ng gig. Hindi naman sa wala itong pera. She’s rich, actually.  Miser nga lang. “Give me the phone. “ It was Calithea’s soothing voice. Nang ibigay sakanya ni Bleu ang phone ay kumaway siya agad sa akin. “Would you help us sa pagpili ng damit? We have no idea about your birthday’s motif so we can’t choose yet.” Linggo ngayon. Bukas ay wala akong libreng oras para samahan silang mamili ng damit. Ganoon din sa Martes. On Wednesdy, I only have two subject. Sa araw din na iyon ako naka-schedule sa photoshoot. I’ll just bring them with me since Ricona also owns a shop. “On Wednesday. Free ba kayo sa araw na iyon?” Tumango si Calithea at ngumiti. “Yup. I’ll tell Marshall about it.” Nagpatuloy pa ang usapan namin. Si Xash ang nagkukwento tungkol sa fling niyang basketball player na nag-aaral sa UP. She was bragging how many girls wants the guy but the guy has only eyes for her. Hindi naman iyon mahirap paniwalaan. Xash is a beautiful woman. May talent sa pagkanta at matalino. Despite her happy-go-lucky attitude I can say that she’s a catch. She’s famous among men and I don’t see any reason why she shouldn’t. She is recognized by a lot of people because she is recognizable. Halos lahat naman sila ay ganoon. Blue, the manager, who came from a rich family in Japan. She’s a half-japanese who knows how to handle business. I’d say she’s good at socializing. Siya ang kumukuha ng gig para sa amin. She managed to get us our own car and studio within a year. She’s determined and passionate. Her family own a big company. She was supposed to have her heritage when she refused because of a leverage. Kung ano man iyon ay ayaw niyang sabihin. Must be a bad one that it triggers her bad side whenever she remembers it. Kung hindi naman iyon masama ay hindi siya magtutungo rito sa Pilipinas para lang mamuhay nang sarili. Pero naalala kong may binanggit siya noon sa tradition ng family nila. That women in their family are seen as a specie inferior to men. Calithea, on the other hand, came from a family of lawyers. The irony was she isn’t. May kaya ang pamilya nito, komplikado nga lang dahil masyadong strikto. On that part I can relate. Si Marshall naman. I don’t know I’ve managed to accept her as a friend given that I don’t like befriending people with a low status. Tumigil na ito sa pag-aaral. Pero ngayon ay nakapagpatayo na ito ng sariling guitar shop na magbubukas sa isang lingo. The RGC. She’s been through a lot. I’d say she’s transparent. She doesn’t care. Malamig ito kung makitungo sa iba pero katulad ni Bleu ay may determinasyon din ito. Our band name is raven. I thought at first it was ugly and corny because it’s a name of a bird but now that we completely created a bond and know each other’s stories, I think it suits us. Nang matapos ang tawag ay natulog akong muli. Nagising lang nang muli na naming kumatok ang mga pinsan ko. It was almost six when I woke up. Paglabas ko’y naroon na rin sina Auntie. We shared dinner together. Habang nasa hapag-kainan ay nag-usap kami tungkol sa plano ko. Since we can’t do aa grand celebration where we can invite people, we decided to go out. Us, as a whole family. Buong Revelio. Hindi na ako natulog doon at umuwi na sa condo. Mahihirapan kasi ako kung doon pa ako mangagaling sa bahay ni Daddy bago pumasok bukas. Si Kajik ang naghatid sa akin, si Harris, hindi talaga ako kinausap kahit nang magpaalam akong umuwi. Not that I was waiting for him to, though.   MAAGA akong gumising kinabukasan. The first subject starts at seven thirty so I set my alarm clock yesterday night to five a.m. I toasted bread and drank milk. Hindi rin naman ako marunong magluto kaya’t kapag mag-isa ako ay ganoon lamang ang kinakain ko. There are some times I try cooking, pero wala sa mga beses na iyon na nagtagumpay ako. Perhaps kitchen works aren’t really for me. Sakay-sakay ko ang kotse nang pumasok sa skwelahan. Nang makarating sa classroom ay agad akong nanghiram ng notes sa seatmate ko. Our professor likes giving surprise quizzes so I wanted to be ready. Absent ako noong huwebes at byernes kaya’t mas mabuti nang paghandaan ko. Hanggang sa dumating ang prof namin ay nagbabasa ako. Hindi naman ito nagpa-quiz katulad ng inaasahan ko at discussion lang. Pero nagamit ko rin naman ang binasa ko dahil nakasunod ako sa topic namin. On our second subject there was a recitation. Kabado ako dahil hindi ko ganoong nabasa ang mga lesson niya pero bago pa iyon maka-abot sa akin ay natapos ang period niya. Iyong sa pangatlong subject naman ay wala. I don’t know if she’s late or something came up. Baka may urgent meeting sa office. That saved me. Sa recess ay aabalahin ko ang sarili sa pagbabasa ng lesson noong araw na wala ako. “Nieoni, may naghahanap sa’yo sa labas!” Malakas na sabi ng kaklase kong babae na nakatayo sa harapan. My brows furrowed. Agad kong ibinaling ang tingin sa pinto. Doon ay nakita ko ang babaeng naging sanhi ng pag-aaway namin ni Harris. I touch the insides of my mouth using my tongue. My shoulders slamped down as I stare at her. Anong ginagawa ni Ylena dito? I frowned a little before I stood up. How did she even know that I’m on this room? At anong kailangan niya? Humalukipkip ako. Mabagal ang naging paglakad ko habang tinitimbang siya sa bawat pagtingin ko. She was carefully looking at me. Iyong klase ng tingin na para bang takot ito at gusto nang tumakbo paalis. She stepped backward when I stopped at the doorway. Hindi pa pantay ang kilay nito. Tumingala ako at huminga ng malalim. What the hell is wrong with Harris? Anong nakita niya rito? “N-nieoni..” I returned my gaze at her and shot up a brow. “What?” “Iyong.. kay Harris.” Yumuko ito. My brows creased. Hindi ba niya kayang magsalita nang diretso? Ano ‘to, pati salita niya may teaser? “I’m busy, Ylena. If you don’t have something to say just go.” Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan nito. “H-hindi ko siya kayang layuan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD